Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Land ownerhip

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Land ownerhip on Fri Jun 10, 2016 11:32 am

Georgi16


Arresto Menor
Dear Atty,

Magandang araw po!

Ipinadala ko po ang email na ito para humingi ng advice sa problemang aming pinagdadaanan.

Since pag aari po namin ang ibang parte ng lupa sa sementero, pumili ang aking ama ng sepulturero/ katiwala. Ang usapan po nila ng ama ko, habang hindi pa gagamitin namin ang lupa pwede muna sila magtayo ng bahay doon. Pero sa oras na ito ay kukunin na at kailanganin kanila itong ibabalik sa amin.

Makalipas ang ilang taon since mamatay ang aking ama, napansin po namin na nagtatayo na sila ng konkretong bahay. Tinanong po sila ng aking ina kung bakit, ang sagot po nila ay sa kanila na daw po ang lupa na yun. Sabi ng aking ina kung talagang binili nila yun sa aming ama magpakita sila ng dokumento ngunit ang sagot nila ay wala daw silang hawak na dokumento. Nung sumunod na tanungin ulit ng aking ina makalipas po ang ilang buwan, ang sagot po nila ay may hawak daw po silang katibayan na binayaran yun nila sa aming ama.

Humingi kami ng katibayan ngunit wala po silang naipakita. At ipinagpatuloy ang pagpagawa nila ng konkretong bahay kahit wala silang naipakitang katibayan sa amin na sa kanila na nga yon.

Two years ago ay napasama ang lupain ng aking ama sa auction galing sa province. Since naka pangalan yun sa aking ama at walang nagkukusa magbayad sa mga nakatira na doon ang ina ko po ang tumubos ng lupain kahit ang ibang parte po noon ay pag aari na mg iba at may hawak silang deed of sale galing sa amin dahil totoong nagbayad sila sa amin.

Hanggang ngayon ang lupain po ay naka pangalan sa aming ama at ni hindi sila nagbabayad o nagbigay para sa buwis nito sa loob ng maraming taon.

Nung isang linggo po ay napansin ulit namin na binabakuran na nila ito ng konkreto. Ilang beses din namin sila pinasabihan na pumunta sa bahay namin para malinawan tungkol sa lupa pero hindi po sila humaharap da amin.
Anu po ba mg pwede namin gawin?

Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Land ownerhip on Fri Jun 10, 2016 8:01 pm

kabbalplus


Arresto Mayor
Mag file na po kayo na complaint, what r you w8 4

View user profile

3 Re: Land ownerhip on Fri Jun 10, 2016 8:34 pm

antonio ekis


Arresto Menor
Magpunta na po kayo sa barangay at kung hindi po sila humarap ay humingi po kayo ng endorsement, then mag file kayo ng ejection case sa korte. Hindi ko alam kung bakit pina aot nyo pa ng ganyan yan katagal, dapat po noon pa nyo ginawa yan.

View user profile

4 Re: Land ownerhip Today at 7:49 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum