Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Public Scandal

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Public Scandal on Thu Jun 30, 2016 12:20 am

ladygelgel


Arresto Menor
Good evening po. Hihingi lang po sana ko ng tulong kung ano po kaya ang dapat kong gawin? Ganito po kc yun.. May utang po ako sa kapitbahay namin nung 2014 pa na nasa 20k po yung nakuha ko sa knya. D na po ako nakapagbayad ng regular sa knya dahil yung asawa ko po nagresign pero nagtrabaho nman po ako after a month pero nagbibigay naman po ako s knya ng paunti unti hanggang sa january 2015 po d na ko nkapagbagbatad s knya dahil po na CS po ako at pareho po kming walang trabaho ng asawa ko. June po nkapagwork n ang asawa ko pero august na po ako nagstart ng bayad sa knya at ang sabi nya po 80k n daw yung utang ko. D nman n po ako nagreklamo para nung sinabi nyang ganon n kalaki utang namin para lang po d sya magiskandalo. Nakapagkasunduan po namin n kada sahod 2k po babayaran ko s knya pero may time po n d ko nabibigay bg buo yun pero binabawi ko naman po sa susunod na hulog ko. Mula po ng august 28 hanggang june 28 dec lang po ako d nakapagbigay sa knya. Ngayon po nung nangailangan ulit po ako ng pera napilitan po akong isangla yung atm namin s knya nung Feb 28. Yung una ko pong utang is 12k + 20% every month ang tubo, 2 months ko lang po hinulugan yun sa knya pero kasabay po nung utang na bnabayaran ko sa knya yung 2k every cut off binabawas din po nya sa sahod namin dahil sa dati ko pa pong utang na sabi nya 80k n daw po. Pagkatapos ko pong mabayaran yung 12k nagrenew po ako s knya ng 15k kasabay pa rin po nun ang bayad naming 2k per cut off or 4k every month. Pasensya na po kung medyo malaki yung nautang ko s knya kc po yung mga nahiram po nmin nung nanganak ako ng CS kylangan din po namin bayaran. Ngayon po nakiusap ako s nya ng May 28 na bka pwedeng wag na muna nyang ibawas yung 4k na kinukuha nya sakin every month dahil may importante lang po jaming kylangang bayaran ibawas n lang po nya pagnabayaran ko n po yung huling kinuha ko 15k pero ayaw po nyang pumayag pero pnangakuan nya po akong pahihiramin n lang ulit nya ko ng 5k sa May 30 pero d nman po nya ko binigyan. June 13 po sahod n ulit nmin at nakiusap po ulit ako s knya na wag nya muna ibawas yung 4k pero d nnamn po sya ulit pumayag at pinangakuan nya po ulit ako na pahihiramin ng 5k sa June 15 at sabi ko nman po ibabalik ko rin agad sa susunod na buwan lang pero d nya ulit ako bnigyan at pinaasa nanaman po nya ko. Kya nagalit na po sakin ang asawa ko at pinablock ang atm namin kya nung June 28 na sahod namin walang nakuhang bayad yung hiniraman namin. Pumunta po yung asawang lalaki sakin at tinatanong kung may sahod na kami at cnabi ko pong may problema ako kc pnablock ng asawa ko yung atm nya pero sabi ko po na ibibigay na lang ng asawa ko ng buo yung huling kinuha namin sa knila para d na po tumubo. Sinabi ko nman po na susunod po ako sa bahay nila may ihahatid lang ako sa tindahan ng mama ko kya lang po wala pang 5 minutes dumating din sya sa tindahan which is nasa kalsada po. Galit na galit po sya sakin at pinagmumura nya ko don at tinulak tulak nya pa ako. Napakaraming tao po don at sinadya nya talaga yun para mapahiya ako at puro kasinungalingan po yung pinagsasabi nya pero d pa po doon natapos yun kc pumunta pa po sya sa bahay namin at pinagmumura nya rin po ako don to d point po na halos ma high blood na ang mama ko sa kahihiyan. Pinagbantaan pa po nya ko na d daw nya ko titigilan at babasagin nya daw ang muka ko pag nakita nya ko sa labas. Grabe po talaga yung ginawa nya. SBi ko po sa knya sa barangay n lang kami magusap para maayos pero d parin sya tumitigil. Alam ko nman pong mali ang ginawa namin ng asawa ko pero sinabi ko nman pong bubuuhin na lang namin next month yung utang ko sa knya at d nman namin sya tatakbuhan kahit na sobra sobra na yung nababayad ko sa knya sa naunang utang ko. Gusto ko lang po malaman kung pwede ko po ba syang ireklamo sa ginawa nyang iskandalo sakin sa kalye at sa bahay namin. D na po kasi ako makapagtinda ng dahil sa nangyari..😢 Pasensya n po kung msyadong mahaba ang message ko, sana po matulungan ninyo ako. Maraming salamat po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum