Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Can we file a case

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Can we file a case on Sun Jul 10, 2016 12:43 am

Iambroke


Arresto Menor
Dear Attorney,

Mayroon po sana akong gustong i-konsulta meron po kaming pinagdadaanan sa pamilya namin ngayon hindi ko po matawag na third party kasi po wala naman po matinding proof meron po kasing kumare ang Father at Mother ko na naiinvolve sa Father ko. Madalas po nakakabasa ng text messages ang Mother ko sa Father ko galing sa kumare nila yung ibang text messages po deleted na nagkakataon lang po na minsan merong text na hindi nabubura kaya nababasa ng mother ko and last year na wrong sent din po ang Father ko sa hipag ko Love po ang tawagan nila 3 months ago nag away po ang parents ko regarding po sa kompormiso ng Father ko sa anak ng kumare nila na nakabili ng sasakyan 2 years ago na habang nasa ibang bansa sila ng asawa at anak nya Father ko ang titingin sa sasakyan ang magdidrive para sa pamilya nya dito sa Pilipinas ver since madalas na po sila mag-away ng Mother ko magmula po ng nabili yung sasakyan dati dati po kasi never nakakaalis ang Father ko ng hindi kasama ang Mother ko tapos kapag kasama naman po nila ang Mother ko ung nakaupo po sa harapan ng sasakyan is yung Kumare nila na nanay ng may-ari ng sasakyan. Even po kapag meron umaarkila ng sasakyan kasama pa rin po yung kumare nila Adventure po yung sasakyan Father ko yung kumare nila and yung nag rent ng sasakyan. Bago pa po makabili ng sasakyan yung anak ng kumare nila marami na po nakakakita na palagi sila magkasama. Jeepney driver po ang Father ko madalas po nagpupunta yung kumare nila kung saan nakaparada yung jeep na minamaneho ng Father ko at nung meron po nagsumbong sa Mother ko ang ikinatwiran po nila is meron nililinisan ng kuko yung kumare nila pero po hindi lang yun madalas din po nagaabang yung kumare nila malapit sa kanto ng bahay namin at sumasama sa byahe ng jeep na marami rin po na kapwa driver ang nakakakita na madalas sumasama ung babae. Nung una po hindi namin pinapaniwalaan dahil sobrang mahigpit at desiplinado po ang Father ko na lahat po kami mga anak at mga pinsan ko pati mga kapatid nya ay takot sa kanya. Pero nitong huli po ung huling away nila hinakot na po na Father ko lahat ng gamit niya at pumunta sa ate ko sa Cavite dun na po cya nakatira umalis po cya ng bahay around 5PM pasado nakarating po ng Cavite 11:30PM na po and during that day wala rin daw po ung kumare nila sa bahay at may nakapagsabi po na nagkita sila ang dahilan po ng pag aaway nila is ung sasakyan at kumare din nila. Matagal na pong nagharap harap silang tatlo na sinabihan ng Mother ko ung kumare nila even yung anak nila na mula ng dumating yung sasakyan nagkagulo na kami. Hindi maiwan ng Father ko yung sasakyan ang katwiran nya ayaw nyang mapahiya sa kompormisa nya maski nagkakagulo na po kami maski raw po magkakamatayan na hindi nya bibitawan yung sasakyan. Ngayon po nagsisilabasa na ung mga taong nakakakita sa kanila na madalas silang magkasama at kung saan nila nakikita ung kumare nila na nag aabang sa Father ko para makasama sa byahe yung mga taong nakakakita kung saan sila kumakain dalawa at even sa tagong lugar na hindi nila inaakalang meron makakakita sa kanila nakita rin sila nakaparada ung jeep sa patay na oras ng tanghali at magkasama sila ung daan po napinagparadahan nila sobrang madalang lang po ang nakakadaan dun wala rin po mga bahay sa tabi ilog at mga damo lang po nagkataon po malapit dun ung Company na pinapasukan ng isa namin kapitbahay kaya nakita sila. At nito lamang pong nakaraang lunes June 27, 2016 nagpunta po ung kumare nila sa Cavite at nagdala ng pagkain dinalaw ang Father ko katwiran po nila kakausapin ang Ate ko at bago pa umalis ang kumare nila sinabihan siya ng Father ko na magpunta duon Sat or Sun para maturuan cya mag drive. Hindi po ba kawalan ng kahihiyan sa sarili un sa part ng kumare nila na alam nya nagkakagulo na kaming magpapamilya at nakuha pa nya pumunta dun hindi naman po masabihan ng Ate ko dahil ayaw nya maiskandalo ang pamamahay nya sakaling magalit ang Father ko.

Maaari po ba kami mag file ng case sa kanilang dalawa kahit lantaran na ung ginagawa nila at pilit pa rin nila itinatangi?

Sana po ay mabigyan nyo kami na kasagutan at matulungan sa kasong ito.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum