Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child Support Not Married

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Child Support Not Married on Tue Aug 09, 2016 2:49 pm

singlemom76


Arresto Menor
Attorney hiwalay na po kami at hindi kasal. May dalawa po kaming anak (5yrs & 3yrs old). Nagkahiwalay po kami last year dahil nalaman kong may nabuntis sya at ito ung dati nyang kinakasama 8months na po ang anak nila sa kasalukuyan. Ngyn po kasi attorney P3000 kada buwan po ang inilalaan nyang sustento sa dalawa namin anak na pareho ng nag-aaral at nag gagatas pa. Kinausap ko po sya ng masinsinan kung pwedeng  dagdagan naman nya ung inilalaan nya para sa dalawa naming anak. Pero po ang madalas nyang isagot wala na syang pera, maliit lang ang sahod nya o kaya po madalas nyang sabihin mas malaki ang sahod ko kumpara sa kanya. Nung magkasakit din po ang anak namin hiningan ko din sya ng pangagastos kasi di rin po ako nakakapasok sa work dahil kailangan kong bantayan anak ko sa ospital. Magkasunod pong naconfine ung dalawa naming anak pero matigas pa rin po sya sa pagsasabing wala syang pera. Sa ngyon po talagang kinakapos na ako sa budget kasi umuupa lang kami ng mga anak ko lahat halos po ng gastos sa akin nya po inasa na simula ng magkahiwalay kami. Attorney may family business po silang magkakapatid, minsan pong magtalo kami dahil ayaw nya tlaga magbigay nung maospital anak namin at sinabihan po akong mas kailangan daw ng 8mos old nya Kya sa galit ko po nasabihan ko syang lalapit na ako sa abogado. Ang sinabi nya po sa akin sige daw po lumapit daw ako at baka daw ung P3000.00 kada buwan eh mabawasan pa  dahil kya daw nilang palabasin na maliit lang daw sinasahod nya. Attornney  gusto ko na po dumulog sa abogado kaso wala naman po akong sapat na pera. Kailangan ko po ng legal na payo. Marami pong salamat

View user profile

2 Re: Child Support Not Married on Tue Aug 09, 2016 8:45 pm

MisterD


Arresto Mayor
Does your former partner signed the BC of both children? If yes, you have a case. You can seek the help of PAO as long as conditions are met (like kung indigent po kayo).

View user profile

3 Re: Child Support Not Married on Wed Aug 10, 2016 9:27 am

udmlaw


Reclusion Temporal
singlemom76 wrote:Attorney hiwalay na po kami at hindi kasal. May dalawa po kaming anak (5yrs & 3yrs old).
P3000 kada buwan po ang inilalaan nyang sustento sa dalawa namin anak. Kinausap ko po sya ng masinsinan kung pwedeng  dagdagan naman nya ung inilalaan nya. Pero po ang madalas nyang isagot wala na syang pera, maliit lang ang sahod nya o kaya po madalas nyang sabihin mas malaki ang sahod ko kumpara sa kanya. sa galit ko po nasabihan ko syang lalapit na ako sa abogado. Ang sinabi nya po sa akin sige daw po lumapit daw ako at baka daw ung P3000.00 kada buwan eh mabawasan pa  dahil kya daw nilang palabasin na maliit lang daw sinasahod nya.

Support is not based sa marriage but sa relationship ng parties kahit live-in partners lang. Just make sure na anak niya yung mga bata which can be seen in the birth certificate.

Sa halaga naman ng support depende talaga sa capacity yan ng nagbibigay ng support. so give and take yan. Kung sinasabi mo na mas malaki ang kita niya kumpara sa binibigay niya e kelangan ng proof doon. Records, payslips, etc. Kasi kung sasabihin mo lang ng kulang yung support pero ang reason niya is hindi niya kaya yung support na hinihingi mo e may justifiable reason siya.

If you decide to file a case get update birth certificate records muna. let the lawyer contact yung live-in partner first and call his bluff and see what happens muna.

View user profile

4 Re: Child Support Not Married on Wed Aug 10, 2016 10:59 am

singlemom76


Arresto Menor
thanks sa pagresponse. YES nakapirma po sya sa likod ng BC ng dalawa namin anak. Ang worry ko po madalas nya ipanakot sa akin na wala akong ebidensya kung sakaling magreklamo ako dahil wala syang payslip pag nasahod sya. May business po kasi silang magkakapatid. Pero nakapangalan po ung business nila na un sa kapatid nya. Kaya may tendency po talagang di nila palabasin ang totoong sahod ng Kuya nila gaya ng madalas nilang sabihin.

View user profile

5 Re: Child Support Not Married on Wed Aug 10, 2016 3:51 pm

MisterD


Arresto Mayor
singlemom76 wrote:thanks sa pagresponse. YES nakapirma po sya sa likod ng BC ng dalawa namin anak. Ang worry ko po madalas nya ipanakot sa akin na wala akong ebidensya kung sakaling magreklamo ako dahil wala syang payslip pag nasahod sya. May business po kasi silang magkakapatid. Pero nakapangalan po ung business nila na un sa kapatid nya. Kaya may tendency po talagang di nila palabasin ang totoong sahod ng Kuya nila gaya ng madalas nilang sabihin.  
Since sya yung naka-pirma sa BC ng 2 anak mo, malakas ang laban mo sa kanya.

Just in case takutin ka pa nya ulit na hindi susuportahan ang mga anak nio, pwede mo sya kasuhan ng RA9262 under economic abuse.

View user profile

6 Re: Child Support Not Married on Thu Aug 11, 2016 12:03 am

udmlaw


Reclusion Temporal
singlemom76 wrote:thanks sa pagresponse. YES nakapirma po sya sa likod ng BC ng dalawa namin anak. Ang worry ko po madalas nya ipanakot sa akin na wala akong ebidensya kung sakaling magreklamo ako dahil wala syang payslip pag nasahod sya. May business po kasi silang magkakapatid. Pero nakapangalan po ung business nila na un sa kapatid nya. Kaya may tendency po talagang di nila palabasin ang totoong sahod ng Kuya nila gaya ng madalas nilang sabihin.  

If you will pursue his earnings/share in the family business you need proof to go after that source of income.

You can go for spousal support as suggsted here but again you have to prove that he has other sources of income.

View user profile

7 Re: Child Support Not Married on Thu Aug 11, 2016 9:58 am

singlemom76


Arresto Menor
udmlaw wrote:
singlemom76 wrote:thanks sa pagresponse. YES nakapirma po sya sa likod ng BC ng dalawa namin anak. Ang worry ko po madalas nya ipanakot sa akin na wala akong ebidensya kung sakaling magreklamo ako dahil wala syang payslip pag nasahod sya. May business po kasi silang magkakapatid. Pero nakapangalan po ung business nila na un sa kapatid nya. Kaya may tendency po talagang di nila palabasin ang totoong sahod ng Kuya nila gaya ng madalas nilang sabihin.  

If you will pursue his earnings/share in the family business you need proof to go after that source of income.

You can go for spousal support as suggsted here but again you have to prove that he has other sources of income.


Madalas po syang mag-post sa FB ng naka-public na may binili syang mga luho (damit, sapatos, alahas etc) ng kinakasama nya ngayon at baby, pwede ko po bang gawin proof ung mga FB post nila na ito? Para mapatunayan na afford nyang bumili ng luho pero pagdating sa dalawa naming anak lagi syang walang pera pag nakikiusap akong dagdagan naman nya ung tatlong libo na budget nia kada buwan para sa dalawang anak namin.

View user profile

8 Re: Child Support Not Married on Mon Aug 15, 2016 8:25 am

singlemom76


Arresto Menor
any legal advise please

View user profile

9 Update on Thu Aug 18, 2016 2:32 pm

singlemom76


Arresto Menor
Just an update lang po

Kahapon kinuha nya po ang dalawa naming anak habang akoy nasa trabaho. Hindi sya nag abiso na kukunin nya ang dalawa namin anak.10PM na nya ibinalik ang mga bata. Tinetext ko po sya kung nasaan sila at bakit kinuha nya ng walang permiso sa akin. Di po sya nasagot sa text kahit po tawag di nya sinasagot. Sobra pong natorture ang isip ko kagabi. Halos masuka ako sa kakaisip sa mga anak ko. Hindi po ito ang usapan namin eh. Di ko naman sya inaalisan ng karapatan na makita ang anak namin basta ang usapan namin kailangan may kasama ang mga anak ko (yaya or mama ko) pag dadalhin nya sa labas. Kahapon po nung dumating sya sa bahay namin nagsabi na ang mama ko na sasama sya pero tumanggi po ang ama dahil hindi daw po pwede. Nagbanta pa po sya sa Mama ko na pag di nya naisama mga anak ko di sya magbibigay ng gatas at baon ng mga bata sa school. Kagabi po nung wala na ang ama nila. Nagsabi po ang 4yrsold kong anak na babae na kasama daw po nila ung taga-office na girl ng daddy nya (ito po ung kinakasama nya ngyon na naanakan nya). Nagtatanong po ang anak kong babae bakit daw po un ang kasama nila hindi daw po ako na Mommy nila

Kanina pong umaga dumaan ako sa PAO para humingi ng payo. Ang ibinigay pong payo sa akin ng nakausap ko na taga-PAO office ay karapatan daw po ng ama yun. Wala daw po akong magagawa at kontrol kung san at ao ang gawin ng ama nila sa aming mga anak. Nagbibigay naman daw ng tig P1500.00 kada kinsenas na halaga ng binibili nya bawa anak namin. Kung gusto ko daw para maalisan ng karapatan sa visitation rights ang ama nila ay wag na akong tumanggap ng kahit ano sa ama nila.

Tama po ba ang advise ng taga PAO office na nakausap ko? Sa totoo lang po sobrang nahihirapan na ako sa pagbudget ng sinasahod ko dahil dalawa na po silang nag-aaral. Ung gatas na binibili nya at baon ay tinatanggap ko naman po kasi malaking kabawasan na din po sa gastos iyn. Wala na pong natitira sa sinasahod ko at halos puro utang na din ako.

May usapan naman kami na anytime naman nakakapunta sya sa bahay namin. Kung ilalabas nya mga anak ko dapat may kasama sila either yaya o mother ko. Di ko nama po pinagkakait mga anak ko sa ama nila. Ayoko lang po yung ginagawa ng ama nila na isinasama ang mga anak ko kasama ung babae nya ngyon.

Naguguluhan na po ako. Tulungan nyo po ako

View user profile

10 Re: Child Support Not Married on Wed Aug 24, 2016 10:46 am

singlemom76


Arresto Menor
good morning

need legal advise from experts

View user profile

11 Re: Child Support Not Married Today at 4:15 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum