Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Harrashment from EX (were not married)

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Harrashment from EX (were not married) on Wed Aug 24, 2016 11:03 am

singlemom76


Arresto Menor
Kahapon kinuha nya po ang dalawa naming anak habang akoy nasa trabaho. Hindi sya nag abiso na kukunin nya ang dalawa namin anak.10PM na nya ibinalik ang mga bata. Tinetext ko po sya kung nasaan sila at bakit kinuha nya ng walang permiso sa akin. Di po sya nasagot sa text kahit po tawag di nya sinasagot. Sobra pong natorture ang isip ko kagabi. Halos masuka ako sa kakaisip sa mga anak ko. Hindi po ito ang usapan namin eh. Di ko naman sya inaalisan ng karapatan na makita ang anak namin basta ang usapan namin kailangan may kasama ang mga anak ko (yaya or mama ko) pag dadalhin nya sa labas. Kahapon po nung dumating sya sa bahay namin nagsabi na ang mama ko na sasama sya pero tumanggi po ang ama dahil hindi daw po pwede. Nagbanta pa po sya sa Mama ko na pag di nya naisama mga anak ko di sya magbibigay ng gatas at baon ng mga bata sa school. Kagabi po nung wala na ang ama nila. Nagsabi po ang 4yrsold kong anak na babae na kasama daw po nila ung taga-office na girl ng daddy nya (ito po ung kinakasama nya ngyon na naanakan nya). Nagtatanong po ang anak kong babae bakit daw po un ang kasama nila hindi daw po ako na Mommy nila

Kanina pong umaga dumaan ako sa PAO para humingi ng payo. Ang ibinigay pong payo sa akin ng nakausap ko na taga-PAO office ay karapatan daw po ng ama yun. Wala daw po akong magagawa at kontrol kung san at ao ang gawin ng ama nila sa aming mga anak. Nagbibigay naman daw ng tig P1500.00 kada kinsenas na halaga ng binibili nya bawa anak namin. Kung gusto ko daw para maalisan ng karapatan sa visitation rights ang ama nila ay wag na akong tumanggap ng kahit ano sa ama nila.

Tama po ba ang advise ng taga PAO office na nakausap ko? Sa totoo lang po sobrang nahihirapan na ako sa pagbudget ng sinasahod ko dahil dalawa na po silang nag-aaral. Ung gatas na binibili nya at baon ay tinatanggap ko naman po kasi malaking kabawasan na din po sa gastos iyn. Wala na pong natitira sa sinasahod ko at halos puro utang na din ako.

May usapan naman kami na anytime naman nakakapunta sya sa bahay namin. Kung ilalabas nya mga anak ko dapat may kasama sila either yaya o mother ko. Di ko nama po pinagkakait mga anak ko sa ama nila. Ayoko lang po yung ginagawa ng ama nila na isinasama ang mga anak ko kasama ung babae nya ngyon.


Ano po ang nararapat kong gawin para hindi na nya ito paulit ulit na gawin

View user profile

2 Re: Harrashment from EX (were not married) on Sun Aug 28, 2016 3:40 pm

attyLLL


moderator
you can go to the bgy and ask for bgy protection order. you can try to work out a written arrangement on how and when he gets to visit his children.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum