Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

May maikakaso po ba sa umawat lang

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 May maikakaso po ba sa umawat lang on Thu Sep 08, 2016 7:54 pm

anniemosity


Arresto Menor
Hi,

Pa help naman po, ganito kase ang nangyari, umattend ng bday party ang partner ko, sa rooftop ng isang apartment bldg nangyari. Umakyat ang 2 pinsang lalaki ng may ari and sinaway sila sa pagingay. Babae po ang may bday and puro babae din naman ang mga bisita. Nagsabi ang mgay bday na sige tatapusin na ang party. Sinabi ito ng malumanay.

And then biglang lumapit yung asawa ng may birthday at binangga ang nagpapahinto ng party. Sinabihan nya na ito lang naman ang nagrereklamo at hindi ang mga nagrerent. Nakainom po din ang mga pinsang lalaki ng mayari ng apartment.

Sa pag gigirian nila ay umawat ang partner ko. Hinahawi lang naman nya, pero nung makita nyang nasapok nung isang pinsan ng mayari ang bisitang babae at umiiyak yung babae dahil pati salamin nya ay natapon. Nakita ng partner ko na nanlilisik ang mata ng lalaki at sinasabi nitong hindi raw nya sinuntok ang babae. Imbes na magsorry.

Pinuntahan ng partner ko ang lalaki at sa pagawat nito sa pagsasalita na hindi nya nasaktan ang babae, ay nasakal nya ng sandali. dahil inawat din naman sya ng mga iba.

In short nagtawag ng pulis ang babae at nang dumating ang mga pulis dinala ang lalaking nakasakit sa babae at pati ang partner ko para daw mag witness.

Nakulong ng 3 araw ang binatang nakasakit sa babae. At ang partner ko naman ay nageexplain sa kanya na pasensya ka na kung nasaktan ka sa pagawat ko, pero gust ko lang na wag ka magsalita ng di tama dahil talagang kita ng lahat na nasapok mo ang babae. Nanlilisik ka na din baka makasakit ka pa lalo. At dahil sa pagtanggi mo baka lalo ka nilang paginitan dahil talagang nasaktan mo yung girl.

Ngayon nagpapaareglo yung babae ngunit wala pera maiproduce yung kamaganak ng binata. kaya nakulong siya. Naawa naman ang partner. Kaso may kamaganak ang lalaki na nasa dubai na syang mayari ng apartment at ang sabi ay magsasampa din sila ng kaso sa lahat ng nanakit sa pinsang nakulong. Alam na namin na baka masama sya sa demanda kahit nagpakita naman sya ng pagsuporta sa mga ito nung nasa presinto.

May maikakaso po ba sa knya kung umawat lang sya sa sitwasyon at wala naman natamong mga physical injuries talaga yung binata.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum