Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Advise on Stop payment checks

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Advise on Stop payment checks on Wed Sep 21, 2016 10:30 pm

krdtan


Arresto Menor
Gud pm. Attorney. Would like to ask for advise. Ganito po kasi un.

May nirefer po sakin ang mama ko na alahero. Nagbebenta po ng alahas at pwedeng installment. Nag meet kami at namili ako ng gusto ko. My napili ako pero medyo mahal sya, at yellowish ung diamond. Sabi nung alahero pwede nya ako gawan ng mas mura at hindi yellow kundi clear ung diamond. So pumayag ako. After a week nkuha ko ung singsing na inorder ko. Ngbigay ako ng 9 checks dahil payable in 9months. After that ok na. At dahil wala ako masyado alam sa diamonds at alahas, sinubukan ko ipacheck sa pawnshop.kung tama ba ung presyo na binabayaran ko. So nagpunta ako sa BHF pawnshop, ang sabi sakin 2500 lang ang sanla, russian kasi ung diamond. Sabi ko baka ngkakamali sila ksi ang mahal nung ring 55k. Sabi nya my detector kami. Tpos lumipat ako sa tambunting. Sabi nung ale diamond naman pero mababang klase, kasi mdumi mdami carbon. Sinabi ko kung mgkanu ko binili at sabi masyado mahal. So sinabi ko dun sa alahero,sabi ko bakit ganun. Ang mahal pero sabi nung isa russian lang tpos sabi naman nung isa mababang klase. So sabi ko ibabalik ko nalang. O kaya ipapalit ng mas mura. Sabi nya pwede ko ibalik pero hindi na nya ibabalik ung unang cheke ko na 6k kasi daw bayad sa labor, etc. Sabi ko ibabalik ko naman wala naman nawala sa kanya mabebenta pa nya sa iba. Dahil hindi ko mapilit na ibalik sakin lahat cheke ko, sa ko ipapalit ko nalang ng mas mura.Sabi nya ok,palit ng iba pero ang sinsabi nya wala daw sya mura ang inooffer nya sa akin nasa 30k pataas. Na prang pinipilit nya ako bumili ng mahal parin. Eh ayoko na kasi nga duda nako. Sabi ko magkita kami ibabalik ko ung singsing, ibabalik nya ung 8 checks ko tapos ipapalit ko na lang ng iba. Pero nung nagkita kami naibalik ko na, naibgay na rin nya ung 8checks ko except dun sa 1st check kasi nga pinagbabayad parin nya ako kahit binalik ko ring.wala ako napili na mas mura kasi ang mamahal ng dala nya. So ang sabi ko wag muna nya ideposit cheke ko, sabi ko next week nalang kasi wala pa ako pera.pero ang naisip ko lang nun ay ipa stop payment sa banko. Pgkatapos namin magkita pinastop payment ko na ung cheke. Dineposit parin niya at nalaman nya pina stop ko na. Ngaun ay tinetext niya ako na idedemanda daw nya ako. Meron po ba siya maikakaso sa akin kahit na binalik ko na ung ring?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum