Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

3 months vacation with pay

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 3 months vacation with pay on Wed Oct 05, 2016 10:34 am

ghostx


Arresto Menor
Ask ko lang po yung opinion niyo regarding sa company namin. Sa manufacturing company ako work and lahat ng andon na empleyado sa production area ay regular. Nag shutdown kasi kami ng mga lines from 12 lines ay naging 4 lines na lang. It means to say madami samin na shutdown ang line ay on standby mode or walang gagawin. Ang aming management ay sinabihan kaming magbabakasyon muna yung affected employee for 3 months from Oct 14 to Jan 2, 2017. Pero gagamitin remaining SL and VL namin para may masahod parin. Pag ubos na yung SL and VL namin pasasahuran parin kami ng company 100% sa rate namin pero walang meal allowances and other benefits like rice subsidy. Wala po ba silang naviolate na law? kasi most of us na matagal nang regular don for 8 to 10 yrs ay inaasahan namin na sana ay mag declare na lang sila ng redundancy para at least mabayaran kami. Mukha kasing strategy nila yung pag bakasyonin kami ng 3 months with pay para humanap na lang ng work na iba at mag resign which is wala kaming makukuhang bayad sa kanila.

View user profile

2 Re: 3 months vacation with pay on Wed Oct 05, 2016 11:23 am

lukekyle


Reclusion Perpetua
pwede ang floating status up to 6 months. After 6 months kelangan kayo pabilikin or pasweldohin up to discretion ng company

View user profile

3 Re: 3 months vacation with pay on Wed Oct 05, 2016 11:24 am

council


Reclusion Perpetua
ghostx wrote:Ask ko lang po yung opinion niyo regarding sa company namin. Sa manufacturing company ako work and lahat ng andon na empleyado sa production area ay regular. Nag shutdown kasi kami ng mga lines from 12 lines ay naging 4 lines na lang. It means to say madami samin na shutdown ang line ay on standby mode or walang gagawin. Ang aming management ay sinabihan kaming magbabakasyon muna yung affected employee for 3 months from Oct 14 to Jan 2, 2017. Pero gagamitin remaining SL and VL namin para may masahod parin. Pag ubos na yung SL and VL namin pasasahuran parin kami ng company 100% sa rate namin pero walang meal allowances and other benefits like rice subsidy. Wala po ba silang naviolate na law? kasi most of us na matagal nang regular don for 8 to 10 yrs ay inaasahan namin na sana ay mag declare na lang sila ng redundancy para at least mabayaran kami. Mukha kasing strategy nila yung pag bakasyonin kami ng 3 months with pay para humanap na lang ng work na iba at mag resign which is wala kaming makukuhang bayad sa kanila.

Wag masyadong isipan ng masama ang kumpanya.

Buti nga meron pa kayong leave with pay kahit hindi naman kailangan. Kung tutuusin pwede kayong i-floating status ng hanggang 6 months na walang bayad.

Hindi naman kailangan na gawin kayong redundant ng agad-agad dahil baka naman pag dating ng panahon merong bagong trabahong ibibigay eh di mabilis kayong makukuha.

Yung iba naman matutuwa na kumikita kahit walang ginagawa.

Pwede naman kayong ma-redundant kunsakali pagkatapos ng takdang panahon at hindi pa rin kayo mahanapan ng trabaho sa kanila.

Bottom line - walang violation.

View user profile http://www.councilviews.com

4 Re: 3 months vacation with pay on Thu Oct 06, 2016 8:53 am

ghostx


Arresto Menor
Okay thanks sa info.
Ask ko lang din po, pwede po bang mag lay-off ang kompanya ng dalawang beses sa isang taon?

View user profile

5 Re: 3 months vacation with pay on Thu Oct 06, 2016 8:57 am

council


Reclusion Perpetua
ghostx wrote:Okay thanks sa info.
Ask ko lang din po, pwede po bang mag lay-off ang kompanya ng dalawang beses sa isang taon?

Pwede.

Pagkatapos mag lay-off kunwari sa May, at nalulugi pa rin ang kumpanya pagdating ng Oktubre, pwede pa sila magtanggal.

hindi naman pinagbabawal ng batas yan.

View user profile http://www.councilviews.com

6 Re: 3 months vacation with pay on Thu Oct 06, 2016 9:02 am

ghostx


Arresto Menor
Masaklap din pala ang floating ng 6 months. Lalo na sa mga pamilyadong tao at may loan na binabayaran tulad ng Bahay (Pag-ibig). Pero kung yun ang batas eh kelangan igalang at sundin. sa 6 months na yun, di naman maaring mag apply sa iba habang di ka nag reresign dahil ata bawal ang double employment dito sa bansa natin. Tama po ba?

View user profile

7 Re: 3 months vacation with pay on Thu Oct 06, 2016 9:17 am

council


Reclusion Perpetua
ghostx wrote:Masaklap din pala ang floating ng 6 months. Lalo na sa mga pamilyadong tao at may loan na binabayaran tulad ng Bahay (Pag-ibig). Pero kung yun ang batas eh kelangan igalang at sundin. sa 6 months na yun, di naman maaring mag apply sa iba habang di ka nag reresign dahil ata bawal ang double employment dito sa bansa natin. Tama po ba?

Pwedeng mag-apply.

Walang bawal dun.

Pero pag natanggap ka na sa bago, mag-resign ka na sa luma.

Sa pagiging praktikal sa buhay, hindi naman nag-re-resign ang tao ng walang dahilan at saka pa lang maghahanap ng bagong lilipatan.

View user profile http://www.councilviews.com

8 Re: 3 months vacation with pay on Thu Oct 06, 2016 9:20 am

ghostx


Arresto Menor
Maraming maraming salamat po at naliwanagan ako.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum