Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

CIVIL CASE and/or ESTAFA?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 CIVIL CASE and/or ESTAFA? on Tue Nov 01, 2016 3:25 am

Ramskie1987


Arresto Menor
Good day po sa inyong lahat,

Nais ko lamang po humingi ng payo kung paano ang gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon. Meron kasi ako isang kaibigan na nangutang AT nanloko patungkol sa isang "negosyo" daw. Noong una, nangutang lamang sya para magamit sa pag apply ng trabaho at pagkatapos, pang medical (ng matanggap na sya). Naiintidihan ko naman ang kalagayan nya kya hindi naman ako ngdalawang isip na pautangin sya. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, medyo nagulat lang ako at nanghihiram ulit sa kadahilanang mayroon daw isang kumpanya na mas mataas ang bigay na sahod kya ninais nya mag apply doon. Pinahiram ko ulit sya. Subalit makalipas nanaman ang ilang araw, nag offer sya sa akin na mag negosyo daw muna sya habang ng aabang ng resulta ng pag apply nya sa trabaho. Nagkakahalaga ng 20k ang negosyo na ito at madali lang naman daw makuha ang pera(Egg business).
Medyo nagdadalawang isip na din talaga ako nung mga panahon na yun. Pero dahil kaibigan, pinahiram ko ulit sya dahil ang sa isip ko, madali din naman maibabalik sa akin.
Dito na nagkaroon ng problema at pagsisisi sa aking sarili. Bukod sa pag apply nya sa trabaho na walang resulta, ang Egg Business na sinabi nya noon na after 1 week, makuha na agad dahil marami daw ng order sa kanya, ay WALA ng ngyari. Kapag nagtatanong ako sa kanya, halos wala ng maibalita at iniiba na nag usapan. Doon na ako nagalit sa kanya.

Eto po mga katanungan ko:

1. Pwede ko sya kasuhan ng civil case, small claims po ba yun di ba?
2. Pwede ko ba sya kasuhan ng ESTAFA dahil sa non-existent business (egg business) na sinabi nya? Meron po ako mga conversations sa FB at text messages na magpapatunay. Naitabi ko din ang mga resibo ng "remittance receipt" dahil sa pamamaraan nun ang pagpadala ko ng pera sa kanya. Umabot ng ngkakahalagang P30,000+ ang pera na nahiram nya sa akin kasama ang 20k sa egg business.

View user profile

2 Any thoughts? on Fri Nov 04, 2016 4:56 am

Ramskie1987


Arresto Menor
Wala po ba magbibigay ng komento dito patungkol sa sitwasyon ko?

View user profile

3 help? on Tue Jan 31, 2017 4:03 am

Ramskie1987


Arresto Menor
Wala po ba talaga magbibigay ng expert advice dyan? Parang useless naman yata tong page na to kung selective lang ang pag sagot sa mga nagtatanong. hayyyysss

View user profile

4 Re: CIVIL CASE and/or ESTAFA? on Sun Mar 12, 2017 9:32 pm

xandra


Arresto Menor
Magandang gabi po! hihingi lang po sana ng advise paanu po ba ang the best way na pwede po nmin gawin sa case ng mama ko po? kinasuhan po xa ng estafa, pero di po xa ung gumamit ng pera naggarantor lang po xa sa friend nya,ngaun xa po ung diniin,inayos nman po nya ung mga dapat ayusin sa court, akala po namin ok na pero po bakit po ganun ang tagal na po tapos po malalaman namin na lalabasan na daw po xa ng warrant of arrest... sana po masagot po ninyo ang tanong ko na ito.. maraming salamat po.....

View user profile

5 Re: CIVIL CASE and/or ESTAFA? on Sun Mar 12, 2017 10:32 pm

thepoetsedge

avatar
Reclusion Perpetua
Natapos na ba yung court proceedings against sa mom mo? Sino naging defense attorney nya? She should follow up her case with her defense attorney since mukhang may decision na yung courts according to your story.

What was the decision of the courts, by the way? Did she follow up her case sa courts personally?

Usually, the court will issue a warrant of arrest kung found guilty yung accused sa case. How did you get the information that there will be a warrant of arrest against your mom?

View user profile

6 Re: CIVIL CASE and/or ESTAFA? on Wed Mar 15, 2017 5:08 am

ard663


Arresto Menor
May utang po ako sa credit card ko bago pa man ako pumunta at magkaroon ng PR card dito sa US, maari po ba akong mahold sa immigration pag uwi ko at pag balik ko ng Us?

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum