Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Legal Husband vs. Step Daughter.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Legal Husband vs. Step Daughter. on Sat Nov 05, 2016 1:54 pm

Kapitan Tutan


Arresto Menor
Dear Charo,

Ako po ay isang hamak na hampas lupa na nakapag asawa ng isang babaeng may kaya sa buhay. 4 ang bahay, may sasakyan, may tindahan, may computer shop, nag tatrabaho sa ospital bilang Nurse at higit sa lahat ay ginantimpalaan ng magandang itsura na hindi tulad kong panget. Pareho kaming byudo't byuda ng kami ay legal na kinasal noong Disyembre 2014. Sya po ay may 3 anak na edad 19, 16 at 15. Ako naman po ay may anak na 5 y.o.

Maganda naman po ang samahan namin mag asawa at tanggap naman ako ng mga anak nya maliban sa panganay nyang anak na pangalanan nalang po natin na MARIA. Si Maria po ay ang tinatawag natin na "Black Sheep" sa magkakapatid, bulakbol sa pag aaral, PALA inom, PALA layas, PALA barkada, PALA sigarilyo at halos lahat ng PALA sa buhay ay inangkin na yata.... name it! At lately PALAla na ng PALAla ang bisyo dahil natuto na din mag nakaw ng pera at mga alahas. Mahal ko naman po ang mga bata at itinuring ko na din na mga anak ko ang mga anak nya pero sadyang hindi ko na alam kung anong klaseng disiplina pa ang gagawin kay Maria.

Eto po ngayon ang problema, sa gitna ng pag tatalo ni Maria at ng Nanay nya na Asawa ko ay binanggit ni Maria na walang ibang dapat daw na umalis sa pamamahay nila or pamamahay namin kundi si Kapitan Tutan. Ngayon pa lang na mga buhay pa kami ay pilit nang gustong kunin ang "Share" daw nya na kayamanan.

Eto naman po ang katanungan ko na bumabagabag sa aking munting kaisipan.

1. Paano kung sakaling mag dilang Anghel si Maria at kunin (nanaman) ni Lord sakin ang Mahal kong Asawa? May karapatan ba syang palayasin kami ng anak ko na 5 y.o.?

2. Pwede nga ba nyang kunin ang "Share" daw nya kahit mga buhay pa kami or kahit 6 feet below the ground na kami kung wala naman pahintulot ng Ina nya?

3. Sino po ba talaga ang may karapatan mag desisyon sa mga ari-arian sakaling mag dilang Anghel nga si Maria at kunin nga ni Lord ang asawa ko? Ang Legal na asawa or si Maria na panganay na anak?

Paki linawan lang po ang aking munting kaisipan para mapag handaan ko ang aking sarili pag dating ng panahon, baka isang umaga na magising nalang ako na nasa kang - kungan na pala ulit ako. At para alam ko din kung hanggan saan ang pag disiplina ko kay Maria.

Maraming salamat po Ate Charo....Mabalos!

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum