Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Adverse Claim rights

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Adverse Claim rights on Wed Nov 23, 2016 5:56 am

Oyeen


Arresto Menor
Hello po, gusto ko lang po humanap na tulong impormasyon o legal,  mejo complicated po kasi..ang mami ko po ay may bahay at lupa sa villamor Airbase. sya po ay hiwalay na sa daddy ko simula ako ay pinanganak, nang pumunta po sya sa japan para magtourist may pinapirmahan po sa kanya ang boyfriernd nya na Memorandum of agreement. Sa MOA po co-owner yung ex-bf nya. Hindi po ito nabasa nang maayos nang mami ko nung panahong iyon kaya pag dating nya sa japan ay sinabi nya ito sa akin. Nitong nagdaan nag-alala sya sa Moa kaya plano nya ipalipat ang pangalan sa aming magkakapatid ngunit wala syang penansyal. Ako po ang kasama nyang sa buhay at bahay, kami pong pamilya tumitingin sa mami ko. Nang nastroke sya sa pangalawang beses paglabas nang hospital kinuha sya nang panganay namin kapatid at inupahan nang bahay malapit kung saan sya nakatira, paglipas nang 2 buwan nakatanggap ako na sa kapatid na nakaayos na daw ang bentahan nang bahay at magbabayaran na. Ang mami ko po ay may cerebral volume loss, sa kagustuhan nyang magkapera napilit syang papirmahin sa isang contract to sell na installment basis for five year. pinahati ang 1M na downpayment sa 5 ang aking po ay 350 at may kundisyon na bayaran ang utang na naiwan nang mami ko. Ang hipag ko ang gumawa nang contrata. nagmakuha na niloa ang pera nang mami ko gusto nila ilagay na sa facility ang mami ko, hindi ako pumayag kaya hinatid nila nabago kong inupahang bahay, may PDC syang dala hanggang 2017. after 1 bwan dahil sya ay may cateter kailangan uli syang maconfine dahil sa kidney naman, 10 araw sya na ICU, naka red tag kami sa hospital, natanggal ako sa trabaho, naubos ko yung tinabi kong share at naipasara ko din ang tindahan na tinayo ko. May mag nautang pa ako dahil everyday kailangan 10-13k ang replacement sa ICU. Nang hindi ko na makaya at walang kapatid na tumulong sa aking inilipat ko sya sa public hospital. Nang panahon na yun wala na akong resources, wla na ako mahingian nang tulong kaya ibinilin ko ang mami ko sa nag-aalaga at ibinalik ko sya sa mga kapatid ko. Habang nasa public Hospital sya pumasok sa eksena itong si ex at sa kanya daw ang may karapatan sa kalati nang perang natitira. Nirevoke nya yung SPA ko at nagpagawa nang bago nyang SPA. Hindi daw ako pwedeng mag file nang Adverse Claim, Wala daw ako karapatan sa payment, at makipag-usap sa buyer. Kaya yung nasa aking PDC pinapa stop payment nila at may iba silang ipinapasok. Dinedeposit ko pa rin yung nasa akin PDC  kaya lang tumatalbog. Pagsinasabi kong dapat kahit yung mga nautang ko man lang mabayadan, sinasabi nila na pera daw nang mami ko yung natira sa 350k. Tapos hindi naman daw sila ang umutang bakit sila ang magbabayad? At ang pinakamasakit ay parang binawi lang din nila binigay sa akin. Sa aking pagkakaalam ang property ay dapat 3.5M ngunit ang buyer ay tumawad kaya dapat 3M and price nang property, pero sa unang pahina ang nakasaan na halaga ay 2,820,000.00 ganito po ang nakalagay na amount in words Two Million Eight Hundred Twenty Pesos. nung tinanong ko kung asaan yung 180k sabi capital Gain tinanggal na. pero hindi sya naka specified sa contract. may provision naman doon na sagot na lahat ni buyer  lahat nang expenses sa retitling. At sa 5 yrs walang provision para sa consideration sa sakit nang mami ko kaya kung ano lang ang monthly yun lang.

Ang tanong ko po wala po ba akong karapatan magfile nang adverse claim??
At diba po dapat ibalik din sa akin yung nailabas kong pera at mabayaran ko yung mga nautangan ko?
Nawalan po ako nang trabaho nang mag asikaso sa mami ko, gayon din po naipantustos din ang nabuksan kong tindahan sa iba pang gastusin. 72 na po mami ko. Nung nilabas po sya sa  private hospital, ako po ang nagpromissory note at ibinigay ko ang orig. ttl sa hospital. at spa. Ngayon po hinahabol ni ex bf yung title kaya ibinigay nya dun yung revoke at SPA nya...
Ano po ba ang pwede kong mahabol?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum