Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Conjugal property for rent

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Conjugal property for rent on Sat Dec 31, 2016 5:49 pm

graphire


Arresto Menor
Good day sir/mam. Hingi po sana advise. Meron po kasi gustong magpaupa sa amin ng bahay. Foreigner po sya. Maganda po kasi ang bahay at napakamura lang. Gusto lang kasi nya na me tatao ng bahay na mapagkakatiwalaan nya dito sa Pilipinas. Kaso po kasal po sya sa Filipina at yung bahay na yun na nabili nila 10 years ago ay nakapangalan sa kanilang mag-asawa. Pero hiwalay na po sila ng ilang taon dahil niloko po sya nung babae at ngayon ay me kinakasama ng iba at me pamilya na din. Naawa din po kami sa kanya dahil ilang properties na po ata nila ang naibenta na nung asawa. At gusto daw sana nya na itong kaisa-isang property nya e maiwan kahit papano sa 2 nilang batang anak na nasa poder po nya ngayon. Kung ipa-rent po nya sa amin yung bahay na me kontrata kami nung foreigner, at walang consent nung asawa, me habol po ba yung asawa nya at me karapatan po ba syang paalisin kami dahil ito ay kanilang conjugal property at walang consent galing sa kanya kahit hiwalay na sila? Sana po ay mabigyan nyo kami ng payo kung wala po kaming magiging problema kung sakaling tumira kami sa bahay nung foreigner. Mahirap na po kasi baka nakatira kami dun e bigla kaming palayasin nung asawa. Salamat po at Happy New Year po sa inyo.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum