Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PLEASE HELP

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 PLEASE HELP on Tue Feb 14, 2017 7:07 pm

mfaithtolentino


Arresto Menor
Please Help me! Ang pangalan ko po ay Faith, nagtatrabaho po ako sa isang sub contractor company bilang Admin Assistant, inutasan po ako ng project manager(Taiwanese) namin na gumawa ng mga bagong Files ng payroll, from january to june, sinabi din po nya sakin na dapat walang makaalam ng pinagawa nya may binigay syang kopya ng mga halaga ng dapat kong pagbasihan, ito daw po ay mga record na pinadala nya sa taiwan head office, nadiskubre ito ng may ari ng kumpanya kaya nagalit siya at nagbanta na magsasampa ng kaso laban sa project manager namin at sa akin dahil pinalabas ng project manager namin na ako lang ang ngbago ng mga files at wala daw syang kinalaman, una sa lahat wala po akong mkukuhang kahit ano kung balak ko man baguhin ang mga lumang files, pangalawa nasa akin pa ang mga papel na me sulat chinese na ibinigay nya, ( di ako mrunong magsulat ng mandarin) inakusahan din nya ako na tinapon ko daw ang mga lumang files namin, gusto ko nang umalis sa aming kumpanya ngunit pinagbantaan ako ng may ari na magsasampa sya ng demanda laban sa akin, marami siyang pera at alam kong maari nya akong magawan ng kaso, gusto ko lang po malamn kung may magagawa ba ako paraan? Or may maisasampa din ba akong reklamo laban sakanila? Wala po akong kontrata sa kumpanha o khit ano mang kasulatan na dapat akong manatili sa kumpanya, nalaman ko din na walang kaukulang permit ang aming kumpanya upang magoperate dito sa pilipinas. Please help.

View user profile

2 Re: PLEASE HELP on Wed Feb 15, 2017 1:09 pm

thepoetsedge

avatar
Reclusion Perpetua
Keep all pertinent documents with you, especially yung mga pinagawa ng boss mo sa iyo that can somehow prove your innocence.

Please go to the nearest regional DOLE office or at the Public Attorney's Office for assistance in your case. Dalhin mo lahat ng documents na pwedeng magpatunay na nagtatrabaho ka dun and yung mga pinapagawa ng boss mo sa iyo na illegal to begin with.

Keep calm and seek free legal assistance. There should be no charges for the two government offices that I mentioned.

View user profile

3 Re: PLEASE HELP on Wed Feb 15, 2017 6:03 pm

mfaithtolentino


Arresto Menor
Thank you so much Sir

View user profile

4 Re: PLEASE HELP on Wed Feb 15, 2017 11:11 pm

Tinayjing102305


Arresto Menor
Hi,

I'm Christine, working at BPO Company dito sa BGC. Mag four (4) years na po ako this coming June 24, 2017. I just need clarification kasi po gulong gulo po ako sa proseso ng management. I was tagged RTWO due to 2 days absences. I was able to advised the management that I can't go to work dahil sa may sakit ako. ( papular urticaria/recurrent UTI).
Year 2015 naoperahan ako twice, Feb 2015 "Nasal polyps surgery" and Oct 2015 "Functional Endoscopic Sinus Surgery". After my surgery I still managed to go to work pero kakambal nun yung madalas ako magkasakit. Everytime na I feel sick and feeling ko hindi nasa kondisyon katawan ko nag se-secure ako ng medcert. Never ako nawala sa office nang walang medcert or notification. Madalas apple of the eye ako ng superior ko. napagsasabihan ako ng supervisor ko which is naiintindihan ko kasi naapektuhan standing ng team. Kahit nga may sakit ako pumapasok ako hanggat kaya ko. Ang ginagawa ko bago mag log in dumaaan ako clinic para huminge ng gamot. Minsan pa nga napapa sent home ako ng clinic.
Jan 26, 2017 habang nasa office ako sobrang namantal mukha, balikat pati katawan ko. Nagpaalam ako sa supervisor ko na aakyat ako clinic para magpa check. Walang gamot sa clinic so ang ending sent home po ako.
Jan 27, 2017 pumunta po ako medical city para sana magpa check up. Ang problema wala po yung doctor so I decided na umuwi and tinext ako ng medical city staff na next week pa available doctor . Dumaan rest day ko at sa bahay lang talaga ako nag stay kasi madalas pag na e-expose ako ng matagal sa labas lumalabas rashes ko. Feb 01, 2017 around 4pm umulan ng malakas at sobrang binaha area namin tapos sinabayan pa ng rashes ko. naisip ko baka dahil sa paglusong ko sa baha kaya nagka rashes ako. Habang tumatagal lalong dumadami rashes ko su mukha, sa kamay.
Alam ko nang hindi ako makakapasok that day. I made a call 4 hours prior my scheduled shift, nakausap ko isa sa mga Operation manager namin at nag advised ako na hindi ako makakapasok dahil mataas pa tubig sa area namin at the same time inaatake ako allergies/rashes. Pinicturan ko vicinity namin pati katawan ko para kung sakali hingian ako evidences meron ako ipapakita.
The next day nasa ganung state pa rin katawan at mukha ko, pumunta ako medical city kaya lang naabutan ako cut off so umuwi ako then tumawag ako sa office para mag advised na hindi pa rin ako makakapasok, sinabi ko yung reason kung bakit. In short, sa 2 days absent ko po nag send po ako notification at nag advised po ako sa office.
Feb 03, 2017 nag decide ako pumasok kahit may mga konting rashes pa ako sa mukha, pagdating ko sabi agad ng supervisor ko na nka RTWO (Return to work order) ako. Nagtanog ako agad kung bakit? kasi daw nag absent ako dalawang beses tapos wala daw ako effort na mag present medcert or mag comply sa kanila. Sa araw na yun, hindi ako makapagsalita kasi pakiramdam ko mag co-collapse ako any moment. My supervisor asked me to present medcert/fit to work clearance. Sabi ko okay sige po, bukas na bukas mag submit po ako then I realized weekend kinabukasan. walang hr sa mga araw na yun. So sabi supervisor ko monday na lang, then na move siya ng wednesday kasi nka restday pala supervsor ko ng  nang monday.  Feb 08, naisubmit ko medcert/fit to work clearance ko sa office then sabi supervisor ko wait ko na lang text or tawag niya if kailan ako babalik para makausap ko HR. From Feb 08, 2017 pinapunta ako office Feb 14, 2017. Ako pa nga nagtetext sa supervisor ko if ano na status ko. Ako yung makulit kasi hindi naman siya nag tetext. So, kung bibilangin From Feb 03, 2017 to Feb 14 po ako wala sa office. Pagbalik ko nalaman ko po na Terminated na daw po ako. So far, tinulungan ako ng isa sa mga HR personnel. Madaming interview. Then sabi okay bibigyan nila ako chance. Ngayon po, Feb 15, 2017 andito po ako sa office habang tina-type ko ito. wala pa po ako access sa mga tools ko. Sabi supervisor ko wait ko daw kasi dapat manggagaling HR yung email na i-lift rtwo ko. natatakot po ako na baka naman biglaan nilang maisip na i-terminate ako uli. ano po dapat kong gawin? tama po ba proseso na nangyari?
Hoping for our response. Thank you!

View user profile

5 Re: PLEASE HELP on Wed Feb 15, 2017 11:35 pm

lukekyle


Reclusion Perpetua
medyo d tayo nagkakaintindihan. ang rtwo ay pinapablik ka sa office kasi hindi ka pumapasok. Pag hindi ka pumasok after makakuha ng rtwo ibig sabihin ayaw ko na sa trabaho mo. what do they mean ipalift?

View user profile

6 Re: PLEASE HELP on Thu Feb 16, 2017 9:00 pm

Tinayjing102305


Arresto Menor
Hi,

Pag na-RTWO ka po kasi tatanggalan ka nila ng access sa lahat, pati sweldo naka hold. If nka RTWO ka under investigation ka if makakabalik ka pa trabaho or not.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum