Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pambobogbog sa live in partner

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Pambobogbog sa live in partner on Wed Mar 08, 2017 7:24 pm

algyn18


Arresto Menor
i have a live in partner po now and nagkaanak po kmi pero nmatay po anak namin kasi 7 months lng po napanganak ko sya at 8 days lng nabuhay sa hospital.the issue po ay may dating kinakasama po ang partner ko at may anak sila dati pro di rin kasal. yung girl sinisiraan po ako sa facebook lahat po kinakalat na kabet daw ako kung anu ano pinagsasabi na hindi ko ginagamit ang pinag.aralan ko,bakit daw ako pumatol sa may anak na pati image ko nasisira sa lhat ng mga kilala ko.may karapatan po ba ako mgfile ng kaso?pano?
another thing po,kasi po nung buntis pa ako ngpopost yung girl ng pictures sa fb na mgkasama sila pru sabi ng partner ko pumupunta lng daw yung girl so parang ngayon may pagdududa na po ako sa partner ko kasi hanggang ngayon sinasabi ng girl na hindi pdaw sila hiwalay ng partner ko.At ngayon pag may nkikita akong pinopost ng girl na di maganda para samin sinasabi ko po sa partner ko at pag ginugusto ko po iconfirm sa knya ng.aaway kami at hanggang umabot sa binubogbog nya po ako marami po akong pasa lagi at nasusugatan po ang akin lng nman mgsabi sya ng totoo.anu po ba magawa ko laban sa knyang pambobogbog?Ngayon may motorsiklo po kmi mio at nabili po namin yun nung sinustentuhan po ako ng gustong magpaaral sakin at ngtiwala po ako na sa partner ko po ipangalan ang deed of sale kasi ngtiwala po ako at kaibigan lng din ang ngbenta at pera ko po ang binibili lahat ng gamit namin kasi ngayon wala syang trabaho.anu po habol ko sa lahat ng gamit po lalo na sa motor po anu ang gagawin ko po?please tulobgan mo po ako.

View user profile

2 Re: Pambobogbog sa live in partner on Thu Mar 09, 2017 8:14 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi,

I am sorry to know about your situation. Ang sa ex ng partner mo, maaari kang maghain ng reklamo sa kanya ng defamation (para sa paninira niya sa iyo). Maaari kang pumunta sa pinakamalapit na police station sa inyong lugar dala ang mga ebidensya mo.

Sa live in partner mo naman, maaari kang maghain ng reklamo sa kanya sa ilalim ng R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children) for physical abuse. Maaari ka ring pumunta sa barangay captain ninyo upang humingi ng BPO (Barangay Protection Order) laban sa partner mo. Ang BPO ay para pagbawalan ang partner mo na lumapit sayo sa loob ng 15 days. Pagnilabag niya ang BPO, maaari siyang makulong. Ang sa motor naman ninyo, medyo mahaba-habang proseso kasi nasa pangalan niya ang deed of sale. Pero kung mapapatunayan mo na ikaw ang nagbabayad nun, maaari naman mapunta sa iyo.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

3 Re: Pambobogbog sa live in partner on Thu Mar 09, 2017 10:47 am

mrs_scofield


Prision Correccional
Sa ating Family Code, kapag ang lalaki at babae na hindi kasal at walang legal na balakid para makapagpakasal sa isa't-isa ay nagsasama (live-in) bilang mag-asawa ay napapaloob ang kanilang relasyon lalong-lalo na sa mga ari-arian na napundar sa rules of co-ownership. Ibig sabihin nito, ang sahod, kita ng isa't-isa galing sa kanilang kanya-kanyang trabaho o negosyo ay pag-aari nilang dalawa in equal shares. Kung walang maipapakitang patunay na galing ito sa kanyang eksklusibong pera, sa ilalim ng batas ito ay presumed na binili nila mula sa kanilang joint efforts, trabaho, o negosyo. Kung isa sa kanila ay hindi nakapag-contribute sa pagbili ng property pero siya ang tagapag-alaga ng pamilya at bahay, ito ang presumed na contribution nya sa pagbili ng property.  Hindi maibebenta ng isa sa kanila ang property kung wala ang consent nung isa hanggang sa pagtatapos ng relasyon.

Kung ang iyong kinakasama ay hindi kasal dun sa una nyang ka-live in, at parehos kayong single at of legal age, masasabing wala kayong legal impediment to marry each other at pasok kayo dito sa batas na ito.  So kahit ang motorsiklo ay hindi nakapangalan sa iyo basta mapatunayan mo na nabili ito nang panahon na kayo ay nagsasama, ito ay pag-aari ninyong dalawa especially kung nabili ninyo yung motorsiklo nung sya ay unemployed pa.

Kung umabot man kayo sa korte, pwede mo iharap ang inyong mga kaibigan o kapitbahay para patunayan na kayo ay nagsasama bilang mag-asawa. Iyong kaibigan mo na pinagbilhan ng motorsiklo, yung kamag-anak mo na nagbigay sa iyo ng pera.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum