Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

his ex live in partner

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 his ex live in partner on Thu Jun 08, 2017 3:28 pm

k10.sumalde


Arresto Menor
Good day po... advice naman po. may karapatan ba yung ex live in partner ng bf ko ipatanggal kami pareho sa trabaho? same lang kami ng work ng bf ko pero magkahiwalay kami ng branch at company... may anak po sila isa. naghiwalay na po sila bago maging kami. at nag susuporta naman yung bf ko sa anak niya pero ang gusto ng ex niya niya 50% ng sahod ng bf ko mapunta sa kanya kasi may anak sila. at itong si ex niya nanggugulo at nag babanta palage na ipapatanggal ako sa trabaho ko. at ipapatanggal niya din yung bf ko para daw mahirapan mag suporta sa anak niya. halos araw araw na lang ganun siya. at pagnagkasakit ang bata sinisisi ako eh hindi naman ako nag aalaga doon. kung sustento lang nagbibigay talaga walang palso yun. thank you.

View user profile

2 Re: his ex live in partner on Thu Jun 08, 2017 3:33 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
kung hindi sila kasal eh wala siya karapatan sa ex nya kahit pa may anak sila. ang tanong eh ano ang policy ng company nyo sa relationship within the company? kasi yun ang magiging basehan kung ano pwedeng mangyari sa inyo in case malaman ng kumpanya ang relasyon nyo.

View user profile

3 Re: his ex live in partner on Thu Jun 08, 2017 3:39 pm

k10.sumalde


Arresto Menor
ang policy namen as long as nagagawa namen ang trabaho namen ok lang. at magkahiwalay kami ng branch. bawal lang magsama sa iisang branch ang mag bf/gf kaya pinaghiwalay kami. alam naman po ng company namen kaya pinaghiwalay lang kami. kaso nga itong si ex pinagmumura at sinasabihan ako na ipapatanggal daw kami.

View user profile

4 Re: his ex live in partner on Thu Jun 08, 2017 5:48 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
then wala kayo dapat ikatakot. pwede nyong sabihin dun sa ex nya na pwede sya kasuhan ng harassment kung di sya titigil at ipaalam nyo sa kanya na ang suporta ay both parents. hindi pwedeng sa lalaki iasa lahat.
tsaka korte lang ang pwede magdikta ng amount ng support base sa kapasidad ng magulang at pangangailangan ng bata. in case ireklamo yung bf mo, just have all the proof na nagsusupport naman sya para wala kayo maging problema.

View user profile

5 Re: his ex live in partner on Thu Jun 08, 2017 6:08 pm

k10.sumalde


Arresto Menor
50% talaga ang gusto niya. kasi wala daw siya trabaho. we have all the proof na nagsusustento siya at may witness din kami na nagpapadala siya. at sa tuwing na lelate yung padala ayun madame na sinasabe at puro banta na. pati tiyuhin niya at kapatid pinagmumura ako. yung kapatid niya di daw siya makakasuhan dahil minor de edad pa lang. yung tiyuhin niya pinagbabantaan din ako. at sa tuwing may sakit ang bata ako nasisisi...

View user profile

6 Re: his ex live in partner on Sun Jun 11, 2017 1:29 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
pwede kang lumapit sa womens desk para matulungan sa panghaharas nila. hindi excuse yung minor kaya pwede na mangharass. DSWD po ang naghahandle pag dating sa mga minor.

ang tinutukoy ko eh 50% ng suporta sa bata at hindi 50% ng sahod ng bf mo. hindi nila pwedeng idikta na 50% dapat ng sahod nya eh ialot as support. kakailanganin nila patunayan na yung amount nga na yun yung kailangan ng bata bago sila panigan ng korte.

View user profile

7 Re: his ex live in partner on Sun Jun 11, 2017 1:57 pm

k10.sumalde


Arresto Menor
Manila rate lang naman ang sahod ng bf ko. kasi ang rason niya wala siyang trabaho at ayaw niya naman humingi sa papa niya. kaya ginigipit niya bf ko. minsan dinadagdagan ko na lang yung padala para di lang mag eskandalo. nag post pa yun dati sa fb at nag drop ng name kaya halos lahat nabulabog. wala daw ako laban dahil nakikiapid lang ako pero sa ex talaga ng bf ko nang galing na wala na siyang pakialam basta mag bigay lang ng support.

View user profile

8 Re: his ex live in partner on Sun Jun 11, 2017 3:11 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
call her bluff. napaka daming tao na ang lakas manakot na magdedemanda since wala naman silang idea sa effort at time na kakainin nun sa buhay nila. kung di naman sila kasal ng bf mo eh wala syang kaso na pwedeng isampa sa kanya or sayo since nagsusuporta naman sya.

hindi porke wala syang trabaho ay iaasa na nya lahat sa lalaki at mananakot sya pag di nakuha ang gusto. ipaalam nyo sa kanila na alam nyo kung ano ang nararapat at kung gusto nya magsampa ng kaso ay karapatan nya yun. though kung magproprogress yung ikakaso nya ay ibang usapan na.

View user profile

9 Re: his ex live in partner on Sun Jun 11, 2017 4:47 pm

k10.sumalde


Arresto Menor
thank you sa advice... Godbless

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum