Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child Support

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Child Support on Sun Jun 11, 2017 8:33 am

Hizzy


Arresto Menor
Hello Good day po sa lahat. Ako po ay isang single mother since ng mag jump ship ang asawa ko sa Japan taong 2006. Mula po noon ay wala na kaming communication. At ako naman po ay nagtrabaho abroad until 2013. Meron po kaming 2 anak ages 17 and 19 na po ngayon. Ang isasangguni ko po ang problema namin tungkol sa pagsuporta niya sa mga bata. Ako po ay may trabaho sa isang BPO company at ang asawa ko nman po andito na sa Pinas at nakatira sa Davao kasama ang 2 niyang anak sa ibang babae(Ang babae po kasi nagtatrabaho sa Japan at pauwi uwi lang sa Davao), wala po trabaho ang asawa ko ang babae niya po ang nagbibigay sa kaniya na siya nman binibigay niya para sa dalawa naming anak. Ang problema ko po ang pera na sustento niya sa mga anak ko ay ipinapadala sa hipag ko at ang hipag ko nman ang nagbibigay sa mga anak ko. Ang sweldo ko po ay 20k monthly nag uupa po kami ng bahay ng 5k, ilaw tubig, internet at pagkain sa akin po lahat. Ngayon ang asawa ko ang nagbabayad para sa pangtuition ng mga bata. At nagbibigay cia ng 2k per month pr daw s allowance ng 2 bata. Ok na sana ang set up n ganun sa akin kaya lang nanghihingi ang hipag at asawa ko ng 5k para  pandagdag s tuition. At inoobliga nila ako ng hipag ko na magbigay at kinukwenta nila ang sahod ko kung saan napupunta. Nahihirapan po ako sa araw araw n gastusin nmin sa bahay. Sa totoo lang po hinde sapat ang 20k monthly sa amin ng mga anak ko pero hinde po ako nanghihingi ng additional n suporta sa asawa ko ginagawan ko na lang po ng paraan. Basta ang tuition bayaran niya. Ang hinde ko po matanggap despite sa ganitong kahilangan ko hinde nila maintindihan at inoobliga pa nila ako ng hipag ko ng 5k. Stress na po ako bilang single mother wala po ako ibang source of income kundi ang sahod ko at ang 5k ay hinde ko na kaya ibigay pa sa kanila. Lahat po ng sahod ko sa isang taon sa mga anak ko napupunta. Ang tuition po ng mga anak ko, Ang senior High ko po ay 20k ang college ko po ay 40k per sem at ang monthly allowance nila sa ama ay 2k. yun lang po ang binibigay niya. Other than that lahat ng needs ng mga bata ay ako n kahit birthday nila ako pa din pati hospitalization. Ano po ba ang tamang gawin ko? Ang allowance po n 2k ay sa hipag ko pinapadala at ang tuition sila ang nagbabayad directly sa school. Ang nahihirapan po ako dahil ini imposed nila ako na magbigay ng 5k. Salamat po ng marami, sana po mabigyan niyo ako ng advise kung anong legal steps ang dapat kung gawin sa sitwasyon namin, dahil ako po ay nahihirapan financially. Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Child Support on Sun Jun 11, 2017 1:51 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
since walang trabaho ang asawa mo, technically pwede nya itong gamitin as defense kung kakasuhan mo sya para sa additional na support since ang financial support sa mga anak ay base sa kapasidad ng magulang at pangangailangan ng mga bata.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum