Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need some legal advice

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Need some legal advice on Tue Jun 13, 2017 2:36 pm

papadhoy


Arresto Menor
Hi to all forumers and attorneys as well..

I'm 34 years old. OFW since 2010. may isa po akong anak na babae. Kasal din po kaso nagkahiwalay po kami nung 2014 lang.

2010 po nung nagumpisa akong mag apply para abroad at magdesisyon na mangibang bansa dahil naisip isp ko na hindi sapat ang kinikita ko sa pinas nung may anak na ako. masakit man sa damdamin na iwanan ko anak ko pero kinakailangan para sa kinabukasan ng mag ina ko. 11 months pa lang ng iniwan ko ang anak ko sa asawa ko at dun sila tumira sa side niya. Sa mga taon na wala ako simula 2010 hanggang 2012, hindi ko halos makausap ang anak ko dahil sa hirap ng internet dun sa kanila. inadvice ko ang asawa ko na kung pwede dumayo naman sa side ko para makita ng magulang ko yung bata at para makapag usap naman kami pero hindi halos nakakapunta dahil masama daw ang lagay ng panahon. 20 mins lang naman ang byahe sa pagitan ng lugar namin sa kanila. kwento ng naglalabada at naglilinis ng bahay sa magulang ko, bihira lang sa 1 beses sa isang buwan makapunta ang mag ina ko. hanggat sa dumating ang araw na umuwi ako nung 2012. nakita ko ang sitwasyon. 3 yrs old na anak ko, misis ko may work na din. kaso ang problema ndi close sa side ko yung misis ko at anak ko. yung anak ko din hindi close sa akin. hanggat sa naghanap ako ng temporary work para makatulong sa gastusin dahil ako yung tipong lalake na ayoko umaasa lang. dumating sa punto na nawalan ng work ang asawa ko kaya pansamantala humihingi ako ng pera sa ate ko nun para may maigastos lang. yung asawa ko naman walang ginawa. tipong dependent type kasi sya. hanggat sa sinabi nya na bumalik nalang ako sa labas dahil nasanay daw sya na may tinatanggap na pera at yung nanay naman nya eh sinabi na ako nalang daw maghanap ng work at yung asawa ko daw eh pambahay nalang at magaalaga sa bata. masakit man marinig pero nagdesisyon akong magabroad ulit nung 2013.

Simulat sapul ndi ako nagkulang sa mag ina ko. financial support lang naman ang kaya kong maibigay habang nag aabroad ako. binigyan ko ng tindahan ang asawa ko para may maitulong naman sya sa araw araw ng expenses namin. hanggang sa dumating sa punto na ino-audit ko sya sa tindahan. napansin ko na ndi sya halos nakakaipon. ndi ko alam kung bakit. nagpapadala naman ako sa kanya buwan buwan ng 10T. yung tindahan naman sabi nya nakakabenta nga 1500-2500 kada araw. hindi ko alam kung bakit nagkaganun hanggang sa napuno ako at hiniwalayan sya at nagdesisyon akong anak ko nalang ang bibigyan ko.

wala na kaming communication ng asawa ko hanggang ngayon. nagabroad na din sya nung 2015 lang at nag DH sa bahrain pero bago pa man ngyari yun, nung bakasyon ko nung 2015 ng marso, ipinabaranggay niya ako ng child support daw. nagtaka ako. buwanan naman padala ko. pero nung nasa baranggay kami, sabi nya baka daw maghanap ako ibang babae at talikuran ko ang obligasyon ko. nag agree kami ng amount. hati kami 7500php kada isa hanggat sa ngaun nagpapadala pa rin ako ng ganun na halaga. bale 15T po kada buwan sa anak ko na 8 yrs old na ngaun at nag aaral. pero may napansin ako...sabi nya kulang daw yun sabi ng mama nya. hindi ko alam kung bakit kulang pa. hanggat sa may napansin ako na parang ginagawa akong bangko ng bata. hinihingian ng pera dahil ako daw may marami pera, parang na brainwash ba yung bata.

pasensya na po sa mahaba kong storya. inilahad ko lang po hindi man lahat pero at
eats may idea po kayo kung ano dapat kong gawin ayoko na po bumalik sa asawa ko dahil iba po talaga ugali nya. mabait pero may tinatagong kulo sa loob. pati magulang ko ayaw na rin sa kanya at kung ano ano sinasabi na ma pride daw kami. sana ay matulungan nyo po ako...salamat attorneys

View user profile

2 Re: Need some legal advice on Tue Jun 13, 2017 3:30 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
sa haba po ng kwento nyo eh di mo naman sinabi kung anong tulong ba kailangan mo? gusto mo ba kunin anak mo? or gusto mo liitan sustento? pakilinaw po para din sa ibang makakabasa.

View user profile

3 Re: Need some legal advice on Tue Jun 13, 2017 3:42 pm

papadhoy


Arresto Menor
ung anak ko naman po ay nasa maayos na pangangalaga ng side nila kaso nabrainwash nga lang. ang sa akin lang po yung sustento ko. kasi itong pag aabroad ko alam ko darating ang panahon na mag eexit ako at uuwi ng pinas. syempre iniisip ko na hindi ko na din kayang maimaintain ang ganyang halaga. kaso gumawa po kami kasulatan sa baranggay na 7500 po kada buwan at lalaki habang lumalaki ang bata. nagiging demanding po ang asawa ko pagdating sa pera at gusto nya na mag increase kada taon yung padala ko. tama lang po ba sabi nya?naoopen ko po kasi fb nya...napansin ko din hindi sya nagpapadala ng naayon sa agreement namin na 7500...

View user profile

4 Re: Need some legal advice on Tue Jun 13, 2017 3:50 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
ang halaga ng supporta ay bases sa 2 bagay, pangangailangan ng bata at kapasidad ng magulang. pwede mo re-negotiate yung amount kung tingin mo sobra sobra ito para sa gastusin ng anak nyo. pwede din na yung supporta na binibigay mo ay gawin mo in terms of groceries or pang tuition ng bata kung wala kang tiwala na sa bata talaga nagagastos yung pera. ang mahalaga ay mapapatunayan mo na nagsusuporta ka para kahit idemanda ka nya eh wala mangyayari sayo.

View user profile

5 Re: Need some legal advice on Tue Jun 13, 2017 3:55 pm

Jadis

avatar
Reclusion Perpetua
1. Do not throw any evidence of your remittances as proof that you have been consistently been giving support.

2. Do you intend to return to the Philippines any time soon?

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum