Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

WHAT ARE THE POSSIBLE CASES TO BE FILED AGAINST SOMEONE EVEN IF SHE'S CURRENTLY WORKING IN ABROAD NOW?

Go down  Message [Page 1 of 1]

reynalyntorda


Arresto Menor
Good day Sir!

Tanong ko lang po kung pwede po ba akong magsampa ng kaso laban sa kapwa nating Pilipino na nasa abroad ngayon sir? I hope you can help me po regarding this matter po. Binobother kasi niya ang isipan ko. Sinisiraan ako sa bawat taong alam niyang kilala ako and it frustrates me a lot po. Binababa niya po ang pagkatao ko. Pwede ko po ba siyang sampahan ng Libel case and any related cases about paninirang puri and pambulabog sa peace of mind kahit nasa abroad siya ngayon sir? Kasi sobra na po ang ginagawa niya. Pinalagpas ko po 1 year ago yung mga sinabi niya sa akin sir pero sobra na po to the point na hanggang ngayon, di pa po siya tumitigil. Pinagbantaan pa nga niya ako noong nandito pa po siya sa pinas na wag akong magpapakita sa kanya kasi pag nakita niya ako, sasabunutan niya ako. Taga sa amin din po siya. So I reported the situation to our Brgy. Captain pero sabi niya, mag-usap daw kami (me and the girl) privately para huwag nang lumaki ang problema pero ayaw naman yata kasi hindi naman siya nagpakita. Mukhang ayaw naman yata akong tulungan din ng Brgy. Captain namin. And worst po, Pati mga friends ko, minemessage nya just to destroy my reputation and moralidad until now. Please advice me po sir what's the best thing to do po. HIndi po kasi siya tumitigil. May kaya kasi ang pamilya niya sir kaya napakatapang niya po.

Sana mapansin niyo po ang message ko. Thank you so much and Godbless.

View user profile

xtianjames


Reclusion Perpetua
since nasa abroad sya, kahit kasuhan mo sya at Manalo ka, hindi mo sya mapapanagot hanggat hindi sya umuuwi ng pilipinas. magipon ka na ng mga concrete evidences mo para pag kinasuhan mo sya ay malakas ang laban mo. yung pwede mo ikaso ay depende sa kung anong evidences ang maproprovide mo para magprogress ang kaso.

View user profile

3 Sobrang Pinapahiya na po kasi ako on Wed Jul 12, 2017 12:03 pm

reynalyntorda


Arresto Menor
Sa tingin niyo po, anong possible cases ang pwede pong ikaso sa kanya? Hindi kasi totoo yung bintang niya. Nakakasira ng reputasyon po kasi. Lahat ng kakilala ako, imemessage niya para magkwento-kwento ng kung ano-ano. Pati kamag-anak ko pinagsasalitaan niya. Ipinipilit niya yung bagay na yun. Alam ko sa sarili kong hindi yun totoo. At alam din ng asawa niya yun. Yung bintang niyang lagi ko daw tinatawagan yung asawa niya, hindi rin po totoo yun. Natatawagan ko lang po yung asawa niya kapag may problema yung website na pinagawa namin. Other than that, wala na po. ANg gusto ko pong malaman, kung may mga kaso ba akong pwedeng isampa sa kanya? Kasi pinagsasabi din niya na kasuhan daw niya ako. Di ako masyadong takot pero siyempre hindi ko din deserve yun. And gusto ko din ilaban ang sarili ko. Gusto kong idefend ang sarili ko. At the same time, gusto ko din pong ibalik sa kanya yung mga akusasyon niya. Kasi di siya tumitigil 1 year na ang nakalipas simula nung una niya akong bulabugin. Mayaman siya. Ako hindi. Nagwowork lang ako sa isang office dito sa amin. Kaya ibinababa niya ang pagkatao ko. Masama ang loob ko kasi sobra niya akong pinapahiya. Sabihing nakikikabit daw po ako. Hindi ako ganun. Nung simula palang na bulabugin niya ako, sinabihan pa ako na pag nakita ako, sasabunutan daw ako. Hindi ba pagbabanta yun? Ano po ba ang best thing to do? Aantayin ko din na umuwi siya. Para kung ituloy niya yung kaso laban sa akin, may ilalaban din ako kahit mayaman siya at ako hindi. Please I need an advice. Thank you so much in advance.

View user profile

xtianjames


Reclusion Perpetua
kumunsulta ka ng abogado personally para discuss ng maigi yung case mo.

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum