Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Unfair Justice to our place

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Unfair Justice to our place on Wed Aug 02, 2017 9:07 am

davidbuhay


Arresto Menor
Dear Atty.

Nais kong humingi ng legal advice. Jul 16, 2017 Pinagtulung-tulungan kaming atakihin ng 4 na magkakapatid na puro lasing, Kapatid ko sila at ako panganay,,kahit na dinuduro duro nila  ako di ko pinatulan dahil nga lasing sila, nakita ng asawa ko ang nangyari at hinatak ako papalayo, pero sya naman ang inatake,, nasuntok sya sa braso, at nasugatan sa ibat ibang parte ng katawan, ako man ay nasugatan din sa kasasalo sa mga ipinapalo nila.. Nun inaatake na sya ng apat na lalaki , nag self defense sya at naisalag ang payong na hawak (May medico legal na kami sa aming mga natamong sugat) tumawag agad kami ng Pulis, pero ang sinaklolohan ay ang 4 kong kapatid. di umano may sugat din sila (nakita ko na nadapa ang isa sa kanila sa kalasingan), Humarang kami sa police mobil pero di kami pinansin at nilingon lang kami (Ang pulis ay ninong sa kasal ng isa sa nangbogbog sa amin).. Sumunod kami sa himpilan ng pulis pero nagalit pang pulis dapat daw ihiwalay ang barrio namin sa bayan kasi magulo. di po kami inintindi at kasi daw naunang nag blotter ang mga kapatid ko. kaya magkontra demanda na lang kami.ipinpilit naming kami ay iniwan nila kaya natural kami ang nahuli.. tumagal kami doon habang duguan sa mga injury namin, pero di kami naisikaso, hanggang nagpa medical na kami...pagkagaling ng Hospital, bumalik kami sa tanggapan ng baranggay ng gabing iyon pero wala sila doon, or wala ang magsusulat ng reklamo. bumalik kami kinabukasan (Jul 17) at wala na naman ang magsusulat,, Pagbalik namin ng Jul 18, kaalis lang pala ng mga akusado na sila ang nagpatawag o nagsampa ng reklamo sa asawa ko. (Imagine puro injury kaming mag asawa at may medico-legal pero kami o asawa ko pang idenimanda sa barangay ng 4 na lalaking ito. Jul 21, ang schedule ng unang patawag pero NO SHOW ang mga complainant. (Di po dapat i-cancel na ang ganun reklamo na sila mismo ang No Show...Jul 28 pangalawang patawag o harapan sa baranngay lupon.., 3 Lupon po ang nandoon pero wala man lang nagsalita ng bilang pamamagitan. naood lang sila. ang isa sa kanila ay nagsalita pa na "Wala akong paniniwalaan sa bawat panig na tama"puro kayo mali" yan lang nasabi nya kahit na ipinakita ko pa ang mga picture ng sugat namin at medico legal.. wala man lang nag review nito ng i presenta ito sa kanila. ...Sobrang Unfair naman po na 4 na lalaki nanakit sa asawa ko,, babae sya pero kami pang na demanda ng apat na yun..Ano po kayang mabuting hakbang ang dapat gawin. halos 5 na po kaming ginugulo ng mga kapatid ko..galit na galit sila sa asawa ko kasi daw lahat ng ari arian ko ay nakapangalan sa kanya... ipinaliwanag ko naman po na conjugal ang lahat kaya dapat di sila mainggit.. Ano po kayang magandang gawin ko.. magkakaroon po ng panibagong o pangatlong paghaharap...Hindi po ba kami ppwedeng mag kontra demanda? habang dinidinig ang ang nabaliktad na reklamo sa amin. Slamat ng marami at tatanawin ko po malaking utang na loob ang maipapayo nyo sa akin. Salamat po

PS. Ang 2 po sa kapatid ko ay matagal ng lulong sa shabu... na di natotokhang kasi po Ninong noong isa ang mga pulis sa amin, Ninong nya ang Mayor, Ninang nya ang isa sa tauhan ng court.. Biyenan nya ang Lupon, Bayaw nya ang isang kagawad, Kaibigan nya si Kapitan.. Barkada nyang matalik ang Hepe ng Lupon sa brgy namin na may anak ding mga adik.



Last edited by davidbuhay on Wed Aug 02, 2017 9:12 am; edited 1 time in total (Reason for editing : Adding Info)

View user profile

2 Re: Unfair Justice to our place on Wed Aug 02, 2017 12:20 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
kumuha kayo ng abogado para mas maprotektahan nyo ang karapatan nyo.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum