Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LEGAL ADVISE FOR QUALIFIED THEFT

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 LEGAL ADVISE FOR QUALIFIED THEFT on Sat Aug 05, 2017 9:23 pm

mmercado22


Arresto Menor
Hello po, magtatanong lang po sana ako about sa kasong qualified theft? Ito po bang kasong ito ay billable or not? If yes po, magkano po ang bail amount para sakasong ito?

Kumuha po kasi ako ng nbi para nga po sana magamit kong requirements sa paghahanap ko ng new work. Kaso po sinabihan po ako ng nbi na sa main ko raw po kukunin at need kong dumaan sa quality control for interview. Laking gulat ko nga po nung sabihin sa akin na kinasuhan daw po ako ng qualified theft noong sept 29, 2014 sa RTC - Quezon City. Kailangan ko raw pong puntahan iyon for verification and clarification kung ako nga po iyon kasi po same address lang po ang nakalagay. Pupuntahan ko na po sana nung araw ding iyon pagkatapos ko sa nbi main. Bigla po akong napaisip kasi po ang sabi sa akin ng taga nbi is warrant of arrest daw po ung nakalagay. naisip ko po kung sakaling pupuntahan ko po iyon ay baka hindi na po ako makauwi kasi nga po ay warrant na po iyon. Sa takot ko po minabuti ko na po munang umuwi sa amin. Nagtataka lang po kasi ako kung sep 29, 2014 pa po ung kaso at warrant bakit po wala akong natatangap na summon galing sa korte mula nung araw na nakasuhan ako. Just to be honest na rin po sa inyo at sa kagustuhang makahingi ng advise meron po akong napasukang company before way back 2011 - 2012 na nakapagdispalto nga po ako ng pera na umabot po ata sa 180k. Nung nalaman po ng kumpanya ay agad akong kinausap at tinangal. Kinabukasan po ay hindi na po ako pumasok at nabalitaan ko na lang din po na may mga taga nbi na nagpunta sa bahay ng kuya ko at ako nga po ang hinahanap na nataon wala ako sa bahay. sa takot ko po ay nagtext ako sa boss ko na cpa lawyer sa kumpangyang iyon na sabi ko po ay pupunta po ako sa office para po magsauli ng 20k muna bilang paunang bayad sa nakuha ko. Nagpirmahan po kami ng accounting manager hangang sa hindi na po nasundan ung pagbigay ko na inakala ko na rin po na wala na rin ung kaso kasi po nabalitaan ko na nagresign na rin ung boss ko na kumakausap sa akin na sya din kasi ang lawyer ng kumpanya. Malakas po ang kutob ko na ito pong kumpanyang ito ang nagkaso sa akin na ang buong akala ko ay patay na ang issue. nawala ako sa kumpanya ng taong 2012 at ngayon po ay nasa 2017 na tayo na ngayon ko lang nalaman na may kaso na pala ako at warrant ng dahil sa pagkuha ko ng nbi na hindi ko nga nakuha dahil dun ko nalaman na may kaso pala ako. ano po ba ang pede kong gawin? to be honest natatakoy po ako kasi base po sa mga nababasa ko sa net walang bail para sa qualified theft. isa pa po iniisip ko kaya po siguro natulog na ung warrant dahil nga po nagresign na rin ung boss ko na siyang lawyer din ng company. ano po ang pede kong gawin. sana po ay matulungan nyo ako.

View user profile

2 Re: LEGAL ADVISE FOR QUALIFIED THEFT on Mon Aug 14, 2017 5:10 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
pwede ka magdelegate ng kamaganak mo on your behalf para check sa korte yung kaso mo. since aminado ka naman na may liabilities ka at guilty ka naman talaga, i would suggest kumuha ka na ng abogado mo.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum