Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Kapatid o ang bestfriend

Anong pong pwdeng ikaso sa ate ko?

0% 0% [ 0 ]
100% 100% [ 1 ]
Total Votes : 1

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Kapatid o ang bestfriend on Fri Aug 18, 2017 8:23 pm

Anonymous_03


Arresto Menor
August 18, 2017. Naglalaba ako ng hapon tapos habang sinesermonan ako ng nanay ko dahil sa mga umabot sa kanyang balita na mgkasama kami ng ex ko. Ayaw sya ng family ko kasi tibo sya. Matagal na kaming wala ng ex ko at hind totoo ngkakasama kami lately.

Nanay ko pa ang nagbabalita sa akin kung nasan sya. Ako wala na akong paki alam sa ex ko.  Nagger ung nanay ko. Hindi mapigilan ang bunganga nya kakadaldal sa akin. Naging masa daw akong anak dahil sa tibo na un. Sabi ko sa "ma matagal na kaming wala. tumigil ka na, p*t*." Nasabi ko yan sa sobrang bwisit ko na sa pinagsasabi nya.

Dumating ate ko .  Bigla nya akong sinipa sa tagiliran. Kinuha nya ung bolo na my takip na malapit sa kanya. Pinalo nya sa akin. "Wala kang respeto kay mama." Hinampas nya uli sa akin ang bolo na may takip. "Pakita mo kung gano ka galing. "Binuksan nya ung bolo para tagain ako. Sumisigaw ako ng tulong galing sa kapit bahay pero parang wala nakarinig. Ng makaawa ako na wag nya akong papatayin. Binalik nya ung bolo sa takip at tinabi. Sinabunutan nya ako palabas ng banyo saka pinagsusontok suntok sa leeg at sa ulo. Nakita ng nanay ko lahat ng pang yayari pero walang ginawa ito kundi kampihan ate. Sinasabi pa ng nanay ko habang sinusuntok ako bayaran ko daw ung sirang scanner at lahat ng nagastos sa pagpapaaral sa akin.

Nakatapos po ako ng BS Psychology.  Scholar po ako ng 2yrs and a half.  Dalawang sem po sila ang bahala pagaaral ko pero under po ng SSS Educational loan. Dahil pysch grad ako. Iniintindi ko lahat.

Hind pa natapos ang pagbubog ng ate ko sa akin. Sinisipa nya ako habang nakikita ng mga anak nya kung anong ginagawa sa akin. Sinuntok nya ako sa leeg pati sa ulo. Pinagmamalaki ng ate ko habang sinusuntok nya ako ay isa sayang mahusay na judo player. Hind ako makahinga ng sinuntok nya ako sa leeg.  Umiiyak na ako sa sakit. Panay masasanang salita ang natangap ko sa nanay ko at ate ko habang hindi ako makagalaw sa sahig. Lumaban daw ako sabi ng ate ko. Mg suntukan daw kami pagtangol ko daw ex kong tibo. Wala na nga kami. Pero un parin ang pinupunto nya.

Pulis ang best friend ng ate ko sa pangasinan my position. Sinasabi ng ate ko na wala daw best friend nya dahil sa akin. Kasi bago kami mghiwalay ng ex ko pinahanap ko sa pamilya nya ung best friend ng ate ko para pagsabihan kung anong balita kinakalat ng boyfriend ng best friend ng ate ko sa kanya na umaabot kina mama na balita. Pulis ang buong angkan rin ng ex ko kaya sinabi kong pagsabihan lang nila para tumigil na ang mga chismis. Pagkatapos nun hind ko na nakausap si ex.

Sinusuntok suntok ako ng ate ko. Habang sinasabi nya na wala ung best friend nya dahil sa akin. Wala po akong ginawang kasalanan sa ate ko. Hind na rin po ako ng laban dahil mas matanda sya sa akin. Ang nanay ko walang ginawa sa lahat nang pangyayai..

Ano po pwde kong ikaso sa ate ko?
Mgpaparestriction order po ba ako sa court?
Ipapablater ko ba ate ko?
Irereport ko po ba sa dswd?
Ipapakulong ko pa?

View user profile

2 Re: Kapatid o ang bestfriend on Mon Aug 28, 2017 2:49 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
ilang taon ka na ba? nasa poder ka padin ba ng nanay mo?

View user profile

3 Re: Kapatid o ang bestfriend on Mon Aug 28, 2017 3:09 pm

ergirao

avatar
Arresto Mayor
Pwede mo syang kasuhan ng Physical Injuries at iba pa, subukan mong lumapit sa VAWC desk. Nasa sa iyo ang desisyon kung kakasuhan mo sya. Basta dapat maging firm ka sa mga magiging desisyon mo.

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum