Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pagsira sa Kasunduan

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Pagsira sa Kasunduan on Fri Sep 01, 2017 7:31 pm

maricar0221


Arresto Menor
Hello po! Manghihingi po sana ako ng advice.

Back story:
Ang mama ko po at tito (kapatid ng mama ko po) ay bumili ng lote ng bahay nila. Ngunit sila po ay nag"exchange" ng ginamit na account. Ang sa lupang binili ng mama ko po ay nakapangalan sa aking tito at vise versa po. Nagkasundo po sila sa ganoong set-up pero ever since po ay sila po ang tumira sa bahay na nasa ilalim ng pangalan ng mama ko at ang pamilya naman po namin ang nakatira simula pa noon sa bahay na nasa ilalim ng pangalan ng aking tito. Ito po'y mapapatotohanan ng aming mga kapitbahay, nasa aking mama po ang lahat ng dokumento, resibo at ang mismong titulo ng bahay (na nakapangalan sa aking tito).

Pero po dumating yung time na binenta na ng aking tito ang bahay (na nakapangalan sa aking mama), nagkapirmahan po at naibenta na po ito ng tuluyan. Ngunit ang aming bahay ay nanatili parin sa ilalim ng pangalan ng aming tiyuhin.

Ngayon po ay tapos ng bayaran ang bahay, dumating na po ang sulat ngunit hindi makuha ng aking ina dahil nakapangalan ito sa aking tito. Sya po ay hindi at ayaw makipag-usap sa kanyang mga kapatid, tanging sa tatay nya lang po sya nakikipag-usap, at sya rin po ngayon ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Gusto lang po naming malaman kung may habol po ba kami sa lupa? Maaari po ba namin itong mabawi? Ano po ang magandang gawin sa ganitong pangyayari? Maaari po ba kaming magsampa ng kaso? Maaari po bang mapigilan sya ng pag-alis ng bansa kung magsasampa ng pormal na kaso? Magkano po ang maaaring gastusin sa pagsampa ng kaso?

Maraming salamat po! God Bless!

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum