Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

I need legal advice po

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 I need legal advice po on Mon Sep 18, 2017 1:54 pm

dmuo001


Arresto Menor
HI Po, need an advice here.nakatira po ako sa bahay na kalive in partner ko.parang isang compound po.isa lang gate namin.we have 2 kids.pero may anak po sya sa dati ex nya na may asawa na rin ngayun. yung bata, 13 years old, dun po nakatira samin.Yung kalive in partner ko, sya ang panganay, tatlo silang magkakapatid.yung bunso nyang kapatid na lalaki,may kalive in partner din, may 2 kids sila at nakatira din sa compound,halos magkadikit lang bahay namin. yung kalive in partner ng bunso nyang kapatid, sumugod isang gabi sa kwarto namin, tinulak yung pinto, at kung anu anu ng pinagsasabi,nagalit sya dahil di daw namin nalinisan yung pinaghugasan ng plato sa labas ng gate,sya daw ang ngwalis.hndi na pinansin ng live in partner ko. kaso po, ang ingay nya na na tipong sumisigaw, nagising ung bunsong anak ko,kaya ang ginwa ko, sabi ko sa kanya "ayaw kitang kausap" sabay isinara ko yung pinto.hindi natuloy ang pagsara dahil itinulak nya sabay sabing "ANu te" na parang nghahamon ng away at balak akong hablutin para saktan.
dumating yung kuya nya at inawat sya, hinila sya papalayo sa room namin.ang ginawa ng partner ko, isinara na yung pinto.kumalabog yung pinto namin na parang may nambato ng bote.
ngfirst hearing na po kami sa lupon kanina,nagulat na lng po ako kasi pinakita nya sa lupon na may pasa daw sya dahil itinulak ko sya.at kakasuhan nya daw ako ng physical injury. ni hindi ko nga po nahawakan daliri nya.
ang masakit pa po dito, yung step daughter ko, ginawan nya ng recording na sabi ng bata, inutusan ko daw magsinungaling pag iniharap yung bata sa brgy. umalis yung bata,naglayas at andun ngayun sa nanay nya. ang sabi pa nung babae, kaya daw naglayas ang bata dahil sinasaktan daw naming magpartner.
anu po bang pwede kong ikaso sa kanya?gusto ko po kasi marealize nya yung weight ng ginawa nya na pati kids ko natatakot na lumabas kasi baka daw maging monster na naman sya.
anoher thing, sept 9 po kasi to nangyari, this month lang.makakasuhan nya pa po ba ako ng physical injury dahil daw dun sa pasa sa tagiliran nya?

Your response and help is highly appreciated po. thanks po

View user profile

2 Re: I need legal advice po on Mon Sep 18, 2017 8:05 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
san ba kayo nagharap? sa barangay palang? kung oo, tapusin mo muna yung process na yun at pag di kayo nagkasundo at sasampahan nya kayo ng kaso, kumuha ka ng abogado na maghahawak sa kaso mo.

View user profile

3 Thank you on Tue Sep 19, 2017 10:58 am

dmuo001


Arresto Menor
Hi, thanks po sa response. sa barangay pa lang po kami nagharap.then may schedule for 2nd meeting sa Thursday. Gusto ko lang po kasi talaga maturuan sya ng lesson,yung tipong maging aware sya na di na pala tama gingawa nya.marealize nya yung bigat ng ginawa nya, iniignore ko na nga lang po yung mga pagpaparinig nya before, mga pangttsismis nya samin at minsan nagdadabog, kasi anytime kung gusto nyang manugod.basta basta na lang sya manunugod, ang bastos po kasi talaga ng bibig eh.walang respeto.
My question is - pwede ko ba sya idemanda ? sakop ba yun sa trespass to dwell? baka po kasi hindi tetestigo yung stepdaughter ko dahil kumampi na sa knya.ang natitirang pwede kong iwitness eh yung anak ko na lang na 6 years old eh.help po please.

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum