Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

UNPAID RENTAL

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 UNPAID RENTAL on Mon Oct 02, 2017 10:19 pm

ayrhamasen

avatar
Arresto Menor
Good evening po. May tenant po kami sa apartment namin sa may Las Pinas, lumipat po ako at ang pamilya ko sa Mindanao kaya po medyo napabayaan ang pagkolekta ng renta ng bahay hanggang sa mahigit anim na bwan na po sila hindi nakabayad. Nang makalibre po ako sa trabaho ay pinunthan ko po sila sa Las Pinas para po sana paalis na sila. Nakiusap po sila na bigyan ng isang pagkakataon dahil po bumagsak daw po ang negosyo nila at nagkasakit pa ang mga anak nila. Pinagbigyan po ko po sila at napagusapan na uunti-untiin nila ang pagbayad sa balance nila subalit pagkaraan po ng 2 months ay pahirapan nanaman po ang pagsingil. Matagal po bago ko ulit sila napunthan. Gumawa na po ako ng demand letter na bayaran po nila ang kanila renta at ang balance nila kung hindi ay paalisin sila sa bahay. Wala parin pong nangyari pagkalipas ng dalawa pang buwan kaya po nagpasya po akong punthan ulit sila. Pumayag naman po silang lumipat at bayaran ang kanilang kulang. Dahil sa humugit kumulang 100k ang utang nila ay pumayag ako na bayaran ito ng paunti unti. Gumawa po kami ng kasulatan na may pirma ko at ng rumerenta ng bahay.

Umalis nalang po sila bigla ng bahay namin at dinala ang sala set at iba pa naming kagamitan at iniwan sa kamaganak namin ang susi at hindi ibinigay ang kanilang bagong address na siyang nakasaad sa aming usapan.

Ang tanong ko po ay kung maari ko po sila idemenda ng kasong criminal sa hindi nila pagtupad sa usapan at hindi pagbayad ng utang?

Maraming salamat po sa ano mang payo na inyo maibibigay.

View user profile

2 Re: UNPAID RENTAL on Tue Oct 03, 2017 12:41 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
wala po nakukulong sa utang. pwede ka magfile ng case for collection pero since tulad nga ng sabi mo ay hindi mo alam ang bago nila address ay kahit magkaroon ka ng court judgement, mahihirapan ka pa-execute ito.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum