Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need help

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Need help on Wed Oct 18, 2017 12:23 am

Nik03


Arresto Menor
Hello po, nambabae yung tatay ko. Yung nanay ko po nahuli sya sa pamamagitan po ng call recordings. Yung nanay ko po nagsuffer sa depression. Kaming mga anak nya gusto po matulungan sya. Gusto po makakuha ng peace of mind ng nanay ko kahit po nangako na yung tatay ko na magbabago na sya dahil ilang beses na po ginawa yun ng tatay ko. Pinuntahan po namin ng nanay ko kasama ang kapatid ko na minor yung babae ng tatay ko sa opisina nya. Ako po ang nagapproach sa babae na gusto po sana namin sya makausap pero nagalit po yung babae at nagtaas po ng boses nya sa amin at minura po kami. Nagalit po yung nanay ko kaya sinampal yung babae at yung kapatid ko po na minor pinipigilan yung babae kasi gusto po gumanti at nadikit po yung kamay ng kapatid ko sa buhok ng babae at kapalit nun inambaan ng sabunot nung babae yung kapatid ko. Umamin po yung tatay ko na yung babaeng yun ang babae nya pero yung babae po lagi po dinedeny. Hindi po namin gusto ng gulo nung oras na yun at gusto lang namin ay makausap sya pero ganun nga po nangyare.

Pagkatapos po nun, nagreklamo daw po sya sa barangay ng mga kasong public scandal, slander, cyber bullying, at slight physical injury. May mga pangyayari pa po kung bakit nagreklamo sya ng cyberbullying at slander. May nakapagsabi po sa amin na pakipagsettle na lang daw po kami. Kaso po sa tingin ko po hindi po makikipagsettle yung babae. Wala po ba kaming laban sa kanya? Pasensya na po kung hindi ko po mailahad ang buong kwento dahil po sa haba. Sana po matulungan nyo po ako.

View user profile

2 Re: Need help on Thu Oct 19, 2017 2:38 pm

Jadis

avatar
Reclusion Perpetua
Kasal ba ng legal ang nanay at tatay mo?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum