Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Help - Makapal Na Muka ng Asawa

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Mon Nov 20, 2017 1:35 pm

aureena1012


Arresto Menor
Sana po matulungan niyo ako sa inyong mga suhestyon. Ako po si Juan ay ikinasal 2 years ago sa aking nobya sa loob ng 8 taon.. Ngunit ilang araw lang po after makasal ay nadiskubre ko na me naging kalaguyo siya habang nasa Dubai. Pinatawad ko siya ngunit paulit2x ko pa din nahuhuli sa kanyang kalaguyo. Sa kadahilanang ito, ninais ko na makipaghiwalay na sa kanya sapagkat hindi ko na siya kayang pagtiwalaan ulit. Parehas itong maliwanag sa amin na maghiwalay na, sa katunayan, nag apply na kami ng annulment through her, pero syempre pinalabas na no collusion. Ako ang nagbabayad ng gastos sa annulment na ito, ngunit dahil sa problemang pinansyal, hindi ko na ito kayang bayaran at sinabi ko na siya na lamang ang magpuno ng natitirang 37k pesos. Ayaw niya itong bayaran kahit ngaung me anak na siya sa ibang lalake at magkasama na sila sa Dubai. Samantalang ako ay hindi makapagasawa ng iba sapagkat unfair ito sa babae. Siya na ang nanloko, siya ang masarap ang buhay na me anak at kinakasama, nalilibre pa sa annulment na gastos. Kung hindi ko daw mababayaran ay iuurong na lang niya ang kaso at masayang ang nauna kong binayad na 137,500 pesos. Ngayon ang tanong ko po, ano po ba ang pede kong gawin upang mapilitan siya na bayaran ang kaso? dahil hindi ako naniniwalang walang siya pambayad dahil pareho silang me maayos na trabaho sa ibang bansa, considering na halos kaunti na lamang naman. Gusto ko sanang magsampa pa na ng adultery upang matakot siya na magmadali na matapos ang kaso. Salamat po sa inyong mga sagot. Mabuhay po kayo

View user profile

2 Re: Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Mon Nov 20, 2017 2:42 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
Takutin mo sya na pwede mo silang report sa pulis sa Dubai. Kahit maluwag sa Dubai, bawal yung sitwasyon nya dun. Pag may natanggap na reklamo ang mga pulis, kakailanganin nila imbestigahan ito. at pag napatunayan na hindi nya asawa yung kasama nya or hindi legal yung kasal nila kung kinasal man sila, maaari silang makulong.

View user profile

3 Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Mon Nov 20, 2017 4:35 pm

aureena1012


Arresto Menor
Naisip ko na yan. Kaya lang alam mo naman na pag dito sa UAE me reklamo, pati ako iimbestigahan nila. Baka pati trabaho ko maapektuhan. Both parties yan aalamin sitwasyon. Andito din kasi ako sa UAE. OK yung idea na takutin ko siya. Kaya sana mag file ako adultery sa pinas para makatanggap sila ng galing korte sa Pinas at malaman niya na seryoso ako sa gagawin ko. Ilang beses ko din sinabi sa kanya yun, walang epekto sa kapal ng muka. Edi mag file daw ako. Mahusay diba? Salamat sa suhestyon mo sir.

View user profile

4 Re: Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Mon Nov 20, 2017 5:01 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
kung magpafile ka ng adultery, gagastos ka din ng Malaki since kelangan mo din kumuha ng abogado. baka mas maganda pa na ikaw na lang magbayad nung natitirang amount.

tsaka kahit kasuhan mo sya, hanggat hindi naman sya umuuwi ng pinas ay walang epekto sa kanya ito. at sa salaysay mo na ayaw mo maimbestigahan din sa UAE, it seems may something ka din. pwede nya ito gamitin as defense nya.

View user profile

5 Re: Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Mon Nov 20, 2017 5:43 pm

aureena1012


Arresto Menor
Maraming salamat sa input mo sir.
Mukang the best na nga din is ako na lang gumawa ng paraan para matapos na . YUn nga lang, napakamalas ko naman at napakaswerte nya.

Again salamat po

View user profile

6 Re: Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Mon Nov 20, 2017 6:57 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
yep. just think of it na atleast problema na ng ibang tao yung ex mo na sakit ng ulo.

View user profile

7 Re: Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Tue Nov 21, 2017 7:14 am

Jadis

avatar
Reclusion Perpetua
You cannot file an adultery case in the Philippines for something that happened abroad.

View user profile

8 Re: Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Tue Nov 28, 2017 3:27 pm

aureena1012


Arresto Menor
Papano naman po kaya kung gusto ko na magpalit ng abugado na humahawak ng kaso? Is it possible?

View user profile

9 Re: Help - Makapal Na Muka ng Asawa on Tue Nov 28, 2017 3:47 pm

Jadis

avatar
Reclusion Perpetua
Yes but pay your balance accordingly.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum