Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

CUSTODY OF A 3-YEAR OLD DAUGHTER

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 CUSTODY OF A 3-YEAR OLD DAUGHTER on Sat Nov 25, 2017 6:56 pm

chineetrinidad0102


Arresto Menor
Good day po! I need some help po para maliwanagan po ako. Naghiwalay po kami ng asawa ko. Hindi ko na po kasi kaya yung pangdedegrade nya sa kin every time na mag aaway kami. Meron po kaming 3-year old daughter. May nakausap na po ako na lawyer na sabi nya, sa akin daw po ang custody ng bata since may trabaho naman ako at 3 years old pa lang yung anak namin. Ang tanong ko lang po, pwede ko po ba ipagdamot ang anak ko sa tatay nya? Kasi po nung nagsasama pa kami, kapag ayaw kumain ng bata, tinatakot nya, sinasabihan nya na pag hindi kumain, iuuntog nya daw sa pader o kaya sasampalin nya daw. Hindi naman nya po tinototoo yung mga pananakot nya sa bata kaya lang takot na takot po talaga sa kanya yung bata. Naaawa naman po ako sa anak namin pag ganun kasi sobrang bait po ng batang yun.
Ok lang naman po sa kin na dalawin nya yung anak namin dito sa bahay pero ayoko po sana na kung saan saan nya dinadala yung anak namin. Pwede ko po ba syang hindi ipahiram sa tatay nya in case gusto nya hiramin?

View user profile

2 Re: CUSTODY OF A 3-YEAR OLD DAUGHTER on Sun Nov 26, 2017 6:01 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
Kung kasal kayo, shared custody dapat kayo. kung gusto mo ng sole custody, kailangan mo magsampa ng kaso sa korte. Hanggat walang court order na nag gagawad sayo ng sole custody ng bata, pwede ka nya kasuhan kung ipagkakait mo ang bata sa asawa mo.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum