Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

i need help regarding a forfeited raffle prize

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

ziLverlinings21


Arresto Menor
Hi, sana po may sumagot at matulungan ako. Online seller po ako. Nagcclaim ako every now and then ng payments sa remittance centers. Normal process lang. Ala naman sila sinasabi na may on going raffle promo. So wala akong idea na may electronic entry ako. Nabunot pala ako. August po yun. 60 days ang claiming period. October 31 daw ang last day. According sa nakausap ko nung nagtatanong nako how to claim. Ang di ko matanggap kahapon dec.5 lang nila ako tinawagan at ininform na nanalo ako. So asadong asado po ako. Tapos ganito.paano ko naman po maclaim on time yun prize kung di ko alam na ako pala ay nanalo? May pwede po ba ako habol doon? Parang naabala din po kasi nila kami nagpabalik balik na kami sa branch sinasabi lage iverify muna sa main office. Tas nun sa customer service kami nag ask online yun ang sinabi na forfeited na daw. May right po ba kami magreklamo? Please enlighten me. Tumawag tawag pa po sila na nanalo e tapos na pala at kung di naman pala nila ibibigay nagpaasa lang sila ng tao. Kahit pano naperwisyo kami sa pagod and emotionally medyo nakakalungkot din. Thanks in advance po sa maghelp.

View user profile

xtianjames


Reclusion Perpetua
IMHO wala kang habol. You can check their terms and conditions regarding the promo at kung sinunod nila ito ay wala ka magagawa.

View user profile

ziLverlinings21


Arresto Menor
Salamat po sa reply, Di po nila sinunod ang mechanics. kasi ala silang pinadala na notice. At tumawag po sila sakin nung december 5 lang. Kumbaga ininform nila ako tapos na ang claiming period.

View user profile

xtianjames


Reclusion Perpetua
meron kang written information regarding sa mechanics na sinasabi mo? if yes, I would advise na magreklamo ka sa DTI.

View user profile

ziLverlinings21


Arresto Menor
Yes meron po. Salamat po sa idea. Medyo nakaka pikon po kasi. Nananahimik ako sa bahay. May tatawag na nanalo ako then nung icclaim na sasabihin tapos na ang claiming period nung october 31 pa. Pano naman ho yun diba? October 31 last day pero dec 5 nila ako tinawagan. Salamat po 😊

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum