Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

My housemates wouldn't let me get my things from my apartment

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Cutiepanda123


Arresto Menor
Bigyan ko lang po kayo ng konting background:

*4 kami s bahay: si Housemate A (HM A) at Housemate B (HM B) at si Housemate C (HM C), tapos ako. Si housemate B at C kaofficemate ko sa previous job,  up until nagresign  ako nung Aug 31,2017. Si Housemate A, di ko sya kaofficemate, kapatid sya ni housemate B.
* panggabi kaming lahat. Si HM A, iba  ang oras sa amin. Mas maaga sya bumabangon.. Mga bet 3-5pm, depende sa schedule. Maaga din sya nagpeprepare, umaalis at umuuwi.
*Napagdesisyunan namin noong june 2017 na kumuha  ng isang apartment ng sama sama. Sa Cubao, QC.
*Ang apartment ay studio type lamang, 1 CR. walang room. 2 doubledeck.

At the start of our lease on the apt unit, required ang isa samin pumirma kontrata for agreement with admin of the apt bldg, si HM A pumirma,  sakanya nakapangalan ang contrata. Hindi ko alam, hindi nairelate sakin ang  laman ng kontrata.
June 1 pa lamang nakalipat  na sila, mga 1 week after  pa ako nakalipat. Pero   napauna ko na ang bayad namin.
So, nagkakaproblema ako sa pagtulog simula  lamang ng august 2017. Dahil  iba ang sched ni HM A, tulog  pa dapat kami non. Whenever she taked  abath and prepare, she got her music on real loud, mostly pop music. Tinry  ko sya imessage thru messenger app ng fb. Sineenzone nya lang, medyo naglillow yung ingay nya for the next couple of weeks. Pero, bumalik  pa din sa dati. Si HM B, mukhang walang problema s ingay, dahil kapatid nga nya, baka siguro sanay  na sila. Si HM C, nakakatulog din naman, hindi ko alam kung nagigising sya.
Nagkakaproblema  na ako sa late sa  trabaho  ko dahil hindi na ako nakakapahinga ng maayos. Nagresign  ako sa work ng Aug 31, pero nagiistay  pa din ako sa apt at nagbabayad  ng upa while looking for a job.
Hindi ko na natiis ang ingay dahil  kahit imessage ko si HM A, wala nang nangyayari. So Oct 12, 2017. Nagpm ako sa groupchat naming lahat na lilipat na ako by december 2017. Sinabi  ko ng maaga sa  kanilapara makahanap sila ng kapalit ko. At the same time hindi ko na babawin ang 2 months deposit (4k) bilang parang pakonsuelo dahil aalis ako ng hindi ko tinatapos ang kontrata (1yr). Sineenzone lang ulit nila. Hindi ko alam kung nababasa nila so sinabi  ko kay HM B in person. UmOK lang sya.
So Nov 6, byaran for november bill. Late ko maibabayad ang upa ko dahil umuwi na ko sa bulacan pero nasa apt pa mga gamit ko. Nagkasagutan kami sa chat. Inaamin  ko may mali ako dahil inuna ko init  ng ulo ko. Naiistress ako dahil nahaluan na ng personalan kaya inunfriend ko sa FB si HM A and B.
Bumabalik balik lang ako sa apt para kumuha ng konting gamit. Natakot akong iwan lang ang bayad ko sa table dahil baka sabihin nila wala silang nakuha kahit meron.
Noong December 6, inayos ko na mga gamit ko. Inimpake ko, pero babalikan  ko pa dahil di pa pede ang sasakyan  ng ganon kaagan
Dec 8 pumwede ang driver at sasakyam, kasama ang mama ko, kukunin  na dapat namin at babayaran ko ang upa ko for Nov. Pagdating sa apt bldg, di alo pinayagan  ng apt admin. Nagrequest daw si HM A na ihold ang gamit ko, wag ako paakyatin. Nagrequest din daw sila palitan ang doorknob at magpost  ng picture ko na bawal ako sa apt bldg pero hindi ginrant ng admin. So madaling salita, hinold ni HM A ang gamit ko. Minessage  ko sya para ibigay ang bayad ko ng nov. Oct and Nov ang hinihingi  nya kahit bayad ako Oct. Hindi ako pinapayagan  ng admin na kahit silipin, icheck gamit  ko kung  ok pa. Kailamgan daw bigyan sila mg authorization ni HM A bago nila kmi payagan. Si HM A, mahirap mahagilap. Late sya magreply, parati pa syang wala.
Ano po ang karapatan  ko dito? Ano ang pwede kong gawin laban sa kanilang housemates at laban sa admin ng bldg. ?
Ano ang naviolate nila? Salamat po

UPDATE***
Isinuggest ni Tintin (isa sa admin ng bldg) na ipabarangay ko sila, so ginawa ko. Sa brgy ng san roque, cubao qc.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum