Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Sir XtianJames!

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Sir XtianJames! on Wed Dec 20, 2017 10:50 pm

Eucaztah


Arresto Menor

Hingi lang po ako ng advice Sad
Kasi ganito po may pumunta po samin today about sa balance po sa motor amounting 130,000+ na po! Sad
Motor po yun ng husband ko nung binata pa po sya...
Ang nangyari daw po kasi, dati po sinosoli nya na po yun kasi wala pong maibigay na papel or registered na ang motor sa kanya...
Kaya po sya humihingi nun kasi nahuhuli po sya palagi, nagpapadulas na lang po sya para makalusot, hanggang sa nahuli po sya at hindi pumayag na magpadulas.
Hindi daw po nya matubos kasi wala pong mapakitang papel.
Ngayon po, ang sabi samin makipag usap daw po sa head office nila.
Ang tanong ko po, dapat ba namin bayaran yun?
Or kakasuhan po ba kami? Kung kakasuhan po kami ano po pwede naman maging laban? Since decrepancy po sa kanila kasi Ngayon lang po sila nag update.
2013 pa po nya yun hindi na ginagamit, ngayon lang po sila nag advice na ganun na kalaki ang balance namin Sad Sad Sad



Help po please. Wala na din po kasi yung papel na katunayang nahuli sya.. Sad
Sobrang tagal na po kasi.. Binata pa sya nun at ngaun may asawa na.. Sad

HELP PO!

View user profile

2 Re: Sir XtianJames! on Thu Dec 21, 2017 1:24 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
You should post your query in the correct thread since wala kinalaman sa Family and Marriage yung katanungan mo.

Anyway, with regards to your query, kung di naman sya nagissue ng blank cheques para panghulog sa motor eh civil case lang for collection ang pwede ikaso sa mister mo. Though wala itong kulong, pwede kayo compel ng korte na magbayad sa utang nya.

What I would advise is makipag negotiate na lang kayo dun sa pinagkakautangan nya in the hopes na bumaba yung claimed amount. If ayaw nyo naman bayaran, then dedmahin nyo na lang sila at antayin na magfile sila ng civil case for collection.

View user profile

3 Re: Sir XtianJames! on Thu Dec 21, 2017 7:46 pm

Eucaztah


Arresto Menor
Pasensya na po Sir. Hindi ko po napansin.
Kahit po ba year 2013 pa po sir?!
Magkakasaso pa din po asawa ko?
Salamat po Sir sa pag pansin. Wala po kasi talaga kaming matanungan.

View user profile

4 Re: Sir XtianJames! on Thu Dec 21, 2017 7:54 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
Yes since wala naman po kasi expiration date ang utang. Magkakakaso lang sya kung kakasuhan sya kaya para maiwasan yun, better coordinate with them na lang.

View user profile

5 Re: Sir XtianJames! on Thu Dec 21, 2017 8:36 pm

Eucaztah


Arresto Menor
Ok po Sir.
Pero pwede po ba kami umapela na yung babayaran namin is yung kulang na lang talaga ng husband ko? 20k+ na lang daw po kasi yun sa pagkakatanda nya. Tapos ngayon nasa 120k na, na Hindi man lang kami na notif na ganun na kalaki. Ngayon lang namin nalaman.
Ngayon lang daw po kasi nakita Kasi nag audit daw po office nila.
Kung hindi po sila papayag Sir Kasi ang sabi po dapat daw namin bayaran yung halaga na yun.
Ano po ang kailangan naming gawin?
Since nabanggit po nung pumunta samin na nasunog daw po yung branch nila dati Kaya hindi nakakapunta.
Salamat po...

View user profile

6 Re: Sir XtianJames! on Thu Dec 21, 2017 9:17 pm

Eucaztah


Arresto Menor
Willing naman po kami mag pay. Pero hindi po ganun kalaking halaga. Sad Sad Sad
Nag uumpisa pa lang kaming mag asawa Sad Sad Sad

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum