Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Karapatan sa lupa dahil sa utang na loob

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Karapatan sa lupa dahil sa utang na loob on Fri Mar 04, 2011 12:38 am

homer Perez


Arresto Menor
Ganito po ang sitwasyon namin:

Ang tatay ko po ay may nakatatandang kapatid. Maganda po ang kanilang samahan bilang magkapatid. Mabait po ang tiyuhin ko at mahal nya po ang tatay ko, ganun din po naman ang tatay ko sa kanya. Bilang magkapatid, nagtutulungan po sila at isa po sa naging tulong ng tiyuhin ko sa tatay ko ay naipasok sya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ng tiyuhin ko.

Sinuwerte po naman na napagkalooban ng lupa sa maynila ang tatay ko ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan mula sa isang pa-raffle. Ngunit dahil sa hindi naman sapat ang pera namin para makapag-pasimula ng bahay, pinahiram po sya ng tiyuhin ko ng pera. At dahil na rin po sa maganda ang samahan nila, at bilang pagtanaw din naman ng utang na loonb ng tatay ko sa tiyuhin ko, pumayag po ang tatay ko na magtayo ng bahay ang tiyuhin ko sa kalahati ng lupang napanalunan nya ng walang anumang kabayaran o renta sa lupa, maliban dun sa perang pinagpasimula namin ng pagpapatayo ng bahay.

Makalipas po ang mahigit sampung taon, nagkaroon po ng malubhang karamdaman ang tatay ko. Isang araw, lumapit po ang tiyuhin at tiyahin ko sa nanay ko at hinihingi yung titulo ng lupa na nakapangalan sa tatay ko, at sinabing ipapahati na daw po nila. Nagulat na lang po ang nanay ko at itinanong agad sa tatay ko kung ibinenta nya nga yung kalahati ng lupa sa tiyuhin ko, pero wala naman po daw na nangyaring bentahan ng lupa.

Mayroon lang po pala silang parang naging kasunduan noon sa pagitan ng tatay ko at tiyuhin ko na ibibigay nya po sa tiyuhin ko yung kalahati ng lupa namin sa maynila sa kundisyon na hahatian din kami dun sa lupa ng tiyuhin ko sa baguio. Dahil sa gusto na pong ipahati ng tiyuhin ko yung lupa sa maynila, tinanong naman po namin sa kanya yung hatian tungkol naman sa lupa sa Baguio. Subalit itinanggi po niya na may napagkasunduang hatian sa lupain nila sa Baguio.

Ang sabi po nila ay binayaran po niya ang tatay ko ng pera na ginamit para makapagpasimula nung bahay namin. Ang halaga pong tinutukoy ng tiyuhin ko kung susundin ang halaga ng bentahan ng lupa sa maynila, sa loob ng subdivision, ay napakaliit po… sa halagang 35T para sa 100sqm. noong taong 1989, at hindi naman po masasabing sapat na kabayaran sa lupang inaangkin nila.

Ang isa pa pong isinusumbat nila ay kung hindi raw po sa tulong ng tiyuhin ko ay hindi makakapasok ang tatay ko sa kumpanyang nagbigay sa kanya ng napanalunang lupa. At kung hindi rin dahil dun sa trabahong naibigay ng tiyuhin ko sa tatay ko ay hindi rin po daw mapapagtapos ng kolehiyo kaming apat na magkakapatid.

Sa ngayon po, hindi po kami pumapayag na ipahati yung lupa sa maynila dahil po sa binalewala nila yung naging kasunduan noon ng magkapatid. Ang totoo po nyan, ang mapilit pong ipahati yung lupa namin ay yung tiyahin ko. Dahil sa mabait po ang tiyuhin ko, sunud-sunuran lang po sya sa gusto ng kanyang asawa. At ang suspetsa po namin ay lahat ng naging desisyon at sinasabi ng tiyuhin ko ay kagustuhan ng tiyahin ko.

Nagkaroon po ng maraming usapan sa pagitan ng pamilya namin at pamilya ng tiyuhin ko tungkol sa gusto nilang hatian ng lupa. Nauna na po sa pagitan ng mga magulang namin at ng tiyuhin ko kasama ang kanyang asawa, ngunit talagang hindi po pumayag ang mga magulang namin sa kagustuhan nila. Hanggang sa sumakabilang buhay po ang tatay ko, pilit pa rin pong ipinag-gigiitan ng tiyuhin at tiyahin ko na sa kanila po ang kalahati ng lupa namin.

Marami pa pong beses na tinangka nilang kausapin ang nanay ko, mga kapatid ko at ako po mismo, ngunit pinanindigan po namin ang desisyon ng tatay ko noong nabubuhay pa sya na huwag ibigay sa kanila yung kalahati ng lupa. Dahil po dito ay naging masalimuot ang relasyon ng pamilya namin at pamilya nila. Sinasabihan pa po kaming mga sinungaling at manloloko at pinagtataasan pa ng boses sa tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa hatian ng lupa.

Madalas din po kaming pinag-iinitan at halos nagmumukha kaming kawawa, mismo sa sarili naming bahay at lupain, dahil na rin po sa may kaya sa buhay ang pamilya ng tiyuhin ko, parang lumalabas po na sila ang nagmamayari ng lugar namin at kami po ang dapat na makisama sa kanila. Gusto po sana namin silang paalisin para matigil na yung pangugulo nila sa amin.

Hanggat nasa lupain namin ang pamilya ng tiyuhin ko, hindi po matatahimik ang aming pamilya, at natatakot po kami na lumala pang lalo ang problema dahil sa hindi nila makuha ang titulo ng lupa sa amin para mapahati nila.

Nais ko po sanang humingi ng payo kung ano po ang dapat naming gawin. Gusto po namin na ayusin sa legal na paraan para po matapos na po ang aming problema sa pamilya ng tiyuhin namin.

Sana po ay matulungan nyo po kami, maraming maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Karapatan sa lupa dahil sa utang na loob on Sun Mar 06, 2011 4:21 pm

attyLLL


moderator
your family can issue a demand letter for them to leave then file a case for recovery of the property first at the bgy then later in court. it will be up to them to prove there was a sale.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

3 Re: Karapatan sa lupa dahil sa utang na loob on Wed Mar 09, 2011 12:18 am

homer Perez


Arresto Menor
kung i-demand po namin na paalisin sila, paano po yung bahay na itinayo nila sa lupa namin, kailangan po ba namin silang bayaran? paano po kung ayaw nilang umalis?

medyo kumplikado po kase ang sitwasyon sa bahay, kase magkadikit po yung bahay namin at bahay nila (duplex type)... natatakot po kami na sugurin nila kami at pagmumurahin, saka-sakaling malaman nila na may akyon kaming ginagawa para mapaalis sila...pwede po ba namin silang ipa-pulis sakaling manggulo sila sa bahay? ano po bang pwedeng isampang kaso sa kanila para naman po ma-proteksyonan pamilya namin?

View user profile

4 Re: Karapatan sa lupa dahil sa utang na loob on Wed Mar 09, 2011 6:33 pm

attyLLL


moderator
if they do anything illegal, you can report it to the police and file a criminal case against them.

you can't keep it secret. you will have to send a demand letter first of all, then you have to file a complaint at the bgy then the court.

your fears are the consequence of litigation


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

5 Re: Karapatan sa lupa dahil sa utang na loob on Fri Apr 15, 2011 12:21 am

homer Perez


Arresto Menor
Atty LLL,

Hello po... regarding po sa demand letter, dapat po ba manggaling sa isang attorney ang demand letter or pwede pong kami na lang ang gumawa? ilang weeks or months po ba ang dapat na ibigay na notice para sila umalis sa property namin? kailangan po bang notarized sya? Ilang copy po ba ang dapat na i-produce since kung isa lang pwedeng ibasura lang nung pagbibigyan namin at wala kaming evidence na nag-send nga kami ng demand letter sa kanila.

Ano po ba basically ang contents nito at kanino po attention? kc po ang nakatira po doon ngayon is yung son (with his wife and children) nung uncle ko. Yung uncle ko po and his wife na nagke-claim ng half ng lupa namin ay nasa probinsya nila.

Meron po rin na nakapagsabi sa amin na since wala na po yung father ko na nakapangalan sa title ng lupa, dapat po raw na ipa-transfer muna ang title sa mother ko or sa aming magkakapatid... kailangan pa po ba yun?

Please naman po, paki advise naman ng dapat naming gawin....

Salamat po ng marami....

View user profile

6 Re: Karapatan sa lupa dahil sa utang na loob on Sat Apr 16, 2011 10:17 am

attyLLL


moderator
it will be better if you get a lawyer to send the letter but it is not necessary. as heirs, you have the right to initiate action, transfer is not a precondition.

address it to the occupant, stress that they are there by mere tolerance. have them sign a receiving copy so you have proof of receipt.

your next step is to file a complaint at the bgy.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum