Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Right of Way

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Right of Way on Tue Jan 30, 2018 2:01 pm

Ivy_Castillo


Arresto Menor
Ang bahay namin ay nasa bandang likod kung saan ang right of way na para lang naman talaga sa family namin ay may katabing property. Property na sariling bahay sa kabila at ang kadikit naman ay apartment na pinauupahan nila. Ang katabing property na ito ay may sariling right of way kaya wala namang problema nung una. Hanggang sa nagpalagay sila ng hagdan sa pagitan ng sariling bahay at apartment nila. Yung hagdan ay medyo nakasakop na ng kaunti sa aming right of way at minsan ng nag kagalit dahil doon pero hinayaan na namin. Sa makatuwid sa right of way namin dumadaan ang mga nakatira sa apartment nila. At neto lang, gumawa sila ng drainage sa right of way namin ng walang paalam. At nasa ibabaw ito ng poso negro nila kaya natatakot kaming baka maging pasingawan yung drainage. Dahil nagbabaha madalas sa apartment. Dahil sa inis namin, gusto na naming lagyan ng pader ang right of way namin. Mahaharangan ang apartment nila pero mag iiwan naman kami ng daang tao katabi ng hagdan nila. Gusto na kasi naming matapos ang issue sa pagsakop ng hindi naman sa kanila at sa mga perwisyo na dala nila. Maari ba naming paderan yung right of way naming at mag iiwan pa rin naman kami ng daang tao para sa mga nangungupahan sa kanila?


Note: Please see image attached. Ang black line ang gagawan namin ng pader. Please advise. Thank you in advance.


View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum