Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Qualified theft Please help

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Qualified theft Please help on Sun Feb 18, 2018 5:00 pm

princessmj


Arresto Menor
Good day po!

Patulong naman po sa case ng asawa ko at ano po dapat naming gawin.. Ang asawa ko po ay ngtatrabaho sa isang malaking construction company. Ang nangyare po ay nahuli po yung kasamahan nya na naglalabas ng gamit sa site nila. Nagimbistiga po ang company nila at nilabas po ng contactor nila ang record dati na may transaction na nilabas ng asawa ko ang pvc. Ibinenta po nila yon sa isang contractor din sa halagang 110k. Pero ang price talaga nun ay 200k. Pinaghatihatian po nila un ng iba pang engr. Ngaun po nilabas ng contractor ang bank statement na sknya dineposito ang pera. Inamin nya po un thru written statement dahil sabe sa kanya gagaan daw kaso nya at ngayon naterminate sya. Kinasuhan po ung una nyang kasamahan at kasalukuyan na naghihearing. Nagfile n din daw po ng kaso sa asawa ko. Wala p kaming narereceive na subpoena. Kase po mali ang address na pinadalhan nila. Kaya po plano namin na pumunta sa prosecutor's office para kumuha ng copy ng demanda at humingi po ng assistance sa PAO dahil mahirap lang po kami. Tinry po namin mkiusap sa pinakaboss nila na isettle na lang outside the court. Kaso ayaw po. Ano po ba dapat namin gawin? Ayaw ko po sya makulong dahil may mga anak kami at maliliit pa sila. Inaamin naman po nya ung nagawa nya at handa kaming bayaran un. Pwede pa po ba masettle ang kaso kahit nafile na po? Pwede po ba na lumapit at magmakaawa ako sa company nila na isettle na lang ang kaso? Desperada na po kase ako alang alang sa mga anak namin.. Natatakot po ako at d ako mapanatag dahil sa nagyare. Please po pahingi naman po ng advise.

View user profile

2 Re: Qualified theft Please help on Thu Feb 22, 2018 3:42 pm

attyLLL


moderator
You can indeed approach the company and work out a settlement


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

3 Re: Qualified theft Please help on Fri Feb 23, 2018 1:27 pm

princessmj


Arresto Menor
Thank you attyLLL. Inapproach na po namin ang project manager nya at vp of operations kaso wala na po daw sakanila ang desisyon kundi nasa mataas na. We are hoping po na mabago pa isip nila at isettle na lang ang kaso. Di pa po nagstart ang preliminary investigation at irarafle pa po kung kaninong fiscal mapupunta ang kaso. Mabigat po ang kasong qualified theft. Ask ko lang po if di pumayag ang company for settlement ano pa po ang pwede nmin gawin? My bail po ba ang kaso nya?
Ginagawa po namin ang lahat para po mapapayag sila makipagsettle sa amin. Kaso malaki pong kumpanya sila at wala kaming laban dun kaya po nawawalan po ako ng pagasa.

View user profile

4 Re: Qualified theft Please help on Tue Feb 27, 2018 3:52 pm

attyLLL


moderator
indicate to the prosecutor that you approached the company for a settlement; he is empowered to approve mediation proceedings. keep trying


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

5 Re: Qualified theft Please help on Thu Mar 01, 2018 9:50 am

princessmj


Arresto Menor
Thank you again attyLLL. We are waiting na lang po kung sino hahawak na fiscal. Wala pa po kaming subpoena. Hopefully po pumayag ang company na maisettle ang kaso. Ung complainant nya po na project manager nya dati idinidiin na naman sya sa ibang case kase po my pinagtatakpan sya at gusto nya asawa ko managot sa lahat. Haay!
Ask ko din po if pwde po ba magwork ang asawa ko kahit my nakasampang kaso sknya? My baby po kase kami kaya need po ng income.

View user profile

6 Re: Qualified theft Please help on Thu Mar 01, 2018 6:05 pm

attyLLL


moderator
yes, he can keep working.


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

7 Re: Qualified theft Please help on Wed Mar 14, 2018 4:10 pm

princessmj


Arresto Menor
AttyLLL, ang first hearing po namin ay sa march 21 na po. Nakakuha na po kami ng copy ng demanda at mga ebidensya laban sa asawa ko. Isa po sa ebidensya ay yung sagot nya po sa memo ng hr nila. Inamin nya po dun sa sulat ang ginawa nya. Di po nya alam na gagamitin un against sa kanya. Di na po kami gagawa ng counter affidavit kase po inamin nya naman sa letter sa company tama po ba?Ang magagawa na lang po namin ay iareglo. Naghahanda po kami ng malaking halaga po para ioffer sa areglo. Sa totoo po ayaw ng company magpaareglo outside the court. May chance po ba n pumayag sila kaharap ang fiscal? Maraming salamat po.

View user profile

8 Re: Qualified theft Please help on Thu Mar 15, 2018 8:44 pm

attyLLL


moderator
your most important step now is to get your own lawyer. go to the IBP or PAO


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

9 Re: Qualified theft Please help on Wed May 16, 2018 9:21 am

princessmj


Arresto Menor
Good day po attyLLL! Update ko lang po kayo sa case ng asawa ko na qualified theft. Nanguha po kami ng lawyer gaya po ng payo nyo. Umattend po kami sa mga hearing. Ang fiscal po na humawak ng case namin ang payo din ay isettle na lang ang case. Nakiusap po kami sa lawyer ng company na tulungan kami na mapapayag ang management na makipagsettle sa amin. Sa awa po ng Diyos pumayag din po sila. Nabayaran po namin ang gusto nilang halaga. Nagfile na rin po sila ng affidavit of desistance at withdrawal of case. Hihintayin na lang po namin ang letter for dismissal of case signed by the head of fiscal. Nais ko pong magpasalamat sa payo nyo po. Ngayon kahit papano panatag na po kalooban ko at natuto na po kami sa pagkakamali namin.

View user profile

10 Theft worth Php107, 000 on Thu May 17, 2018 1:48 pm

sam joy


Arresto Mayor
Good day po sa lahat. May possible case of theft po kasi akong haharapin. Ang complainant po ay ang father ko and hindi po siya mapakiusapan na makipagareglo. Nasa barangay pa lang po kami kasi ang sabi sa kanya sa pulis e idaan muna sa barangay. Ang gusto nia po is maibalik ko un pera in whole sa loob ng 45 days na hawak ng barangay ang case. If not, kukunin niya yun certificate to file from barangay para makapagfile na po siya sa pulis. Kanina po ang napakiusap ko sa kanya sa barangay na bigyan niya po ako ng time like magbibigay po ako ng minimum of Php5K a month. Pag hindi ko nafulfill yun e d saka niya ko kasuhan. Pero ayaw pa rin niya. He stick with the decision na within 45 days na hawak ng barangay ang kaso. Ang reason niya is wala na siyang panghahawakan na proof na magbabayad ako. Sabi ko e d gagawa ng kasulatan ngnkasunduan and papanotarize namin. Hindi ko malaman kung hindi niya po maintindihan o ayaw niyang intindihin. Yun barangay secretary nagsuggest na magconsult po ako ng lawyer ano pang mga pwede kong maging choice since pursigido naman ako makipagsettle. And pwede po ba malaman ano yun punishment ng theft? Hindi ko po kasi alam yun prision mayor? Menor? Arresto mayor and menor?

View user profile

11 Re: Qualified theft Please help Today at 10:27 am

attyLLL


moderator
princessmj, i'm very happy for you and your spouse. hopefully, you will never have to face this kind of stress again.


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

12 Re: Qualified theft Please help Today at 10:29 am

attyLLL


moderator
sam joy, why not borrow money to pay him rather than face a criminal complaint


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

13 Re: Qualified theft Please help Today at 12:18 pm

sam joy


Arresto Mayor
We can't provide money that much until the given time. We asked him to give us more time but he strictly insists to give it by the time given only.

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum