Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Utang case

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Utang case on Thu Mar 22, 2018 10:54 pm

jp1032


Arresto Menor
Good day mga Atty,

Gusto ko pong humingi ng payo reg. po sa nangutang po sa akin sa halagang 6-digits nung isa kong kakilala. Nangako kasi siya na ibabalik nya yung pera sa isang specific date at may interest po monthly. Nung unang mga buwan, regularly naghuhulog po siya ng interest kaso nung date na usapan namin na ibabalik yung pera nangako siya next month na lang daw kasama yung interest. Hindi na naman natupad yung pangako nya hanggang sa wala ng interest na binabayad at lagi na ako nanghihingi ng deadline na hindi naman nya natupad. Tapos nalaman ko sa iba na ang dami pala nyang inutangan na hindi niya binabayaran na halos humantong na sa murahin at pagbantaan yung umutang. Tanong ko lang po kung ano magandang gawin sa kanya. Ang meron po kasi akopinanghahawakan yung deposit slip lang po tapos yung usapan namin sa fb messager. Sana po matulungan nyo po ako pati na rin po yung mga inutangan nya na di na nya binayaran

View user profile

2 Re: Utang case on Fri Mar 23, 2018 3:59 am

arnoldventura


Reclusion Perpetua
File ka ng action for collection (or small claims case kung hindi lalagpas sa P200k yung utang). https://www.alburovillanueva.com/proven-ways-debt-collection Itago mo lang yung mga deposit slip mo, saka panatilihin mong intact yung mga usapan nyo online. Kasi kung hindi dokumentado ang agreement ninyo to pay interest, talagang hindi ka makakakolekta nyan.

View user profile

3 Re: Utang case on Sat Mar 24, 2018 6:43 am

jp1032


Arresto Menor
atty, Paano kung marami kami nagfile kasi ang sitwasyon naman inutangan kami na ang estimate ko nasa 1M mahigit. Ano pede maging kaso na pede ifile?

kung nagfile kami at nag utos ang MTC na bayaran kami nung umutang pero hindi parin nagbayad yung umutang. Ano consequences nung umutang?

Matigas kasi mukha nung umutang na yun parang simento sa kapal ng mukha.

View user profile

4 Re: Utang case on Sat Mar 24, 2018 10:49 pm

patrickperales


Arresto Menor
tanong ko lang po tungkol sa utang ko may term po kasi yun ng 11 mos. to pay. unang buwan nabayaran ko ng advance, pero sa nxt two mos nagkaproblema ang sahod kaya di ko nahulogan
pero nag bayad naman ako ng penalty. yung pang lima onwards wala ng problema hangang nitong january naghingi ako ng update sa utang ko,nitong di ako binibigyan lumipas ang isang buwan at
febuary binigyan ako pero nagtaka nalang ako na lahat ng buwan mayroon akong penalty isa pa sa pinagtaka ko. basi sa pinadala nila na statement of account ko walang penalty pero nilagyan nila ng nakasulat kamay legal po ba yung ganun

View user profile

5 Re: Utang case on Mon Mar 26, 2018 3:01 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
@jp1032
magfile ulit kayo ng reklamo kung di sinusunod ang judgement ng korte.

@patrickperales
taning yung pinagkakautangan mo makakasagot nyan. sa kanila mo linawin.

View user profile

6 Re: Utang case on Mon Apr 09, 2018 7:43 am

wingardium


Arresto Menor
Hi po. I badly need advice po.

Nagkautang po ako around 21k last year po. Matagal na akong nanghihiram ng pera sa taong ito kayat may ma establish na rin kaming trust sa isat isa. Ganito po terms nya sa lahat, 20% interest within 15 days po, collateral is atm, hawak nya at ato deduxted pg sweldo day. Yung pera, ginamit ko po to start up working homebased kaso po it did not turn out well. Like wala po talga akong kita ngayon. Before, nagkautang ako sa kanya kahit two prior to my sweldo kaso I was admitted sa emergency that time at needed talaga, so 20% pa rin. Ang mali ko po ay in the first 30 days, I gave him the assurance na mabayaran ko. Pero hindi ko po talaga kaya. Kaya yung utang ko po sa kanya, maging 21k × 20% = Afor the first 15 days, at A x 20% next 15 days, and so on. May kasulatan po kami na ako ang gumawa kasi wala mga kaming formal document. Computation lang po iyon with my signature. Nung hindi ako nakabayad sa 15th day, may ginawa na syang document with those terms and even other penalties like another 20% pag walang atm etc. Last December 2017 pa po ito and it was the worst times in my life yung tipong hindi ka nakakatulog, tapos tatawag sya, text ng text every day sa facebook atbp. Nung na admit ako sa hosp, ung phone ng ate ko ginamit ko pangtext sa kanya kay nagkaroon sya ng number text at tawag din sya dun. Nahirapan po ako talaga at even to a point na gusto ko nalang magpakamatay. Binantaan nya rin po ako na pag di ako makabayad sa 30th day, ipopost nya ako sa Facebook. So ayun po, I cut our communication kasi wala naman talaga akong magagawa kahit pilitin nya rin ako. Parang sinabi ko nalang sa sarili ko na itataya ko nalang ang reputasyon ko kung sakaling mapost online. So it did happen po. Yung Facebook ko puno na ng comments pati sa kanyang account, pinangalanan rin ako. Idk. Mali po ang ginawa ko kasi iniwasan ko sya at ngayon po, pumunta sya sa lugar namin at pinagkakalat about it. Yung mga relatives ko, galit na galit na rin sa akin kasi
Yung mga relatives ko, galit na galit na rin sa akin kasi disgrace daw po sa family. Currently, pinag iiponan ko nalang ko na mabayaran sya mg lumpsum ng 50k. I made this deal to myself kasi I know naabala ko sya di bale ng 100% ang interest kung tutuusin ang maibabayad ko sa kanya. Ngayon po pinagkakalat nya na 100k ang utang ko at sabi nya pa po ay "baka" maipapatay nya ako pag di ako magbayad. Nahihiya na po ako kasi i cant even dare to take a regular job here kasi yung nangyari sa Facebook. Nahihiya akong lumabas and even cut ties with all my peers kasi baka magtanong sila about it. I badly need a legal advice po. My questions are:
1. Should I pay that much amount of interest dahil po nagpirma ako?
2. Sakaling my amicable settlement kami, what would be my guarantee na hindi nya na ako kukulitin or worst, papatayin?
3. May possibility po ba na we will recompute the interest based on the acceptable terms and guidelines of Philippine law?
4. Anong kaso ba pwede nyang isampa sa akin?
5. Anong kaso or preventive measure po ang pwede kung gawin?

View user profile

7 Re: Utang case on Mon Apr 09, 2018 12:15 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
1. technically kung may kasunduan kayo na parehas kayo nag agree ay dapat ka magbayad. pero kung magkakaso sya for collection, pwede ka magrequest sa korte na reasonable interest ang singilin sayo.
2. papirmahin mo din sya sa mga terms mo.
3. depende yan sa nagpapautang kung gusto nya restructure yung agreement nyong nauna.
4. civil case for collection.
5. dun sa panghaharass sayo, pwede mo actually kasuhan ng libel yung pinagkakautangan mo. yung ginawa nya ay hindi tama at pwede sya maging liable sa mga actions nya.

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum