Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

qualified theft

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 qualified theft on Mon Mar 26, 2018 1:52 pm

Jhamiz

avatar
Arresto Menor
hingi lang po ako advise kung ano magandang paraan para hinde na matuloy ang case against qualified theft it cause less than 200 pesos po..ano po mabuting gawin?

View user profile

2 Re: qualified theft on Mon Mar 26, 2018 2:50 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
makipag usap ka sa company at sa kanila ka makipag bargain.

View user profile

3 Re: qualified theft on Tue Mar 27, 2018 3:17 pm

kielle


Arresto Menor
Hi good afternoon. ask ko lang po, yung asawa ko po ay tiga gawa ng payroll, kahapon lang po namin nalaman na may ginawa syang anumalya dahil pinablotter na sya ng amo nya sa brgy. At pinapirma po sya na kailangan maibalik yung kalahati ng nakuha nyang pera. Ang ginagawa nya po kasi kapag tapos na ang payroll ay pinapatungan nya ng 5k ung original amount ng payroll na dapat nyang irequest sa boss at ung ipinatong nyang halaga ay ibubulsa nya. Qualified theft po ba ang makakaso sa kania? pwede po bang pababain ang kaso nya? kung sakali hindi namin maibigay yung kalahati ng amount na dapat ibalik nya? Inamin naman po nya lahat ng nagawa nya.

View user profile

4 Re: qualified theft on Wed Mar 28, 2018 2:50 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
@kielle
yes the case may fall under qualified theft. it will be up to the company kung ano isasampa nilang kaso pero most probably qualified theft yan.

maswerte sya kung kalahati lang yung hinahabol sa kanya since pwedeng pwede na yung kabuuan plus damages ang request ng company sa kanya. kung di sya makakapag comply sa demands ng company, tutuloy ang kaso at maaari syang makulong.

View user profile

5 Re: qualified theft on Wed Mar 28, 2018 2:53 pm

kielle


Arresto Menor
pero pwede po ba kumuha ng abogado? kahit sa pao?

View user profile

6 Re: qualified theft on Wed Mar 28, 2018 2:58 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
I advise na kumuha kayo ng abogado kung matutuloy ang kaso sa korte. kung indigent kayo, oo pwede kayo lumapit sa pao.

View user profile

7 Re: qualified theft on Wed Mar 28, 2018 3:01 pm

kielle


Arresto Menor
minimum wage earner po aswa ko, pde ba sya mkakuha sa pao?

View user profile

8 Re: qualified theft on Wed Mar 28, 2018 3:31 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
check this

http://www.pao.gov.ph/page.php?id=28

View user profile

9 Re: qualified theft on Thu Mar 29, 2018 2:27 pm

attyLLL


moderator
i would say it's falsification not qualified theft, but hopefully you can just abide by the terms of the settlement


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

10 Re: qualified theft on Mon Apr 02, 2018 12:56 pm

maggy0821


Arresto Menor
Salamat po sa sasagot...

Yung friend ko kasi super worried na sya, almost 2 months na before sya umalis sa dati nyang work, resigned sya, though wala syang clearance pa or anything from the Company. Tapos lately, lagi sya minimessage nung isang personnel dun, may mga question about sa Government Loan Remittance.

Nga po pala, assigned sya to do the task for government benefits. Kaso dala na din siguro na mabigat ang buhay nya last year, nagawa nyang magnakaw, sasabihin ko na pagnanakaw kasi with intention to gain naman talaga ang nagawa nya, yung mga loan payment na nirerequest nya binabayad naman nya sa governmeny agencies tulad ng SSS at HDMF ang ginawa nya selected employees nya lang binayad tapos yung remaining sa loan nya mismo binayad, di sya kinaltasan ng Company pero may payment sya dahil ganun nga ginawa nya, sabi ko qualified theft na din yun kasi nasa posisyon sya na may trust of confidence. Walang nakakaalam nito sa opisina nila, sya lang at mga friend namin now, kaso naman nababagabag sya kasi feeling nya nagiinvestigate na nga yung Company, kasi meron mga tao na di makapagloan sa SSS dahil kulang ng payment posting, sa HDMF naman ngrereklamo mga tao bakit lumiit ang loan proceeds nila. Ngayon nagmessage sa kanya yung isang staff at may mga certain questions sa kanya, di nya alam kung kakausapin na ba nya yung may ari or general manager para aminin ang nagawa nya at makipagsettle ng payment o iintayin nalang nya na idemanda sya.

Wala kasi kami matanungan na lawyer sa ngayun wala pa naman kasing kaso na sinasampa sa kanya, pero sympre dahil sa mga messages nung staff nakakramdam sya na iniimbestigahn na sya. Aminado naman sya na may nakuha sya halos 150K siguro ang total nun, di nya alam kung ibabayad nalang ba nya sa Company o per tao na di nya naremit ang payment ang babayaran nya.

Anyone can help us please baka magsuicide na sya kakaisip, kami kasi payo namin magipon na sya now, natatakot sya baka daw ikulong sya agad, sabi namin may process naman yun, tama po ba na papadalhan muna sya ng subpoena pag ganun para sa settlement, or pwede na letter muna galing sa Company Lawyer para sa invitation bago sampahan ng kaso. Anu po ba magiging ebidensya sa kanya, sabi nya kasi complete naman daw lahat ng resibo at swak naman ang payment, sa posting lang talaga sya nandaya, yung mga resibo din nya wala daw attachment, sabi ko pwede naman kasi makaprint sa SSS at HDMF ng list of payees for the remittance so yung po magiging ebidensya sa knya, sabi din nya siguro selected employees nalang yung di nakakaloan kasi karamihan nakaloan na nung nandun pa sya. Pero still nakagawa padin sya ng di maganda, anu po kaya better nyang gawin? Aminin na, makipagusap o intayin nalang yung demanda.

Meron kasi generous na Company, invite muna nila yung nagnakaw baka open for settlement, pero meron naman na galit talaga sa tao kaya diretso demanda na agad, kinatatakot nya baka ikulong agad sya.

Salamat po sa mga sasagot at magbibigay din ng opinyon.

View user profile

11 Re: qualified theft on Wed May 02, 2018 3:15 pm

joseph0

avatar
Arresto Menor
xtianjames wrote:makipag usap ka sa company at sa kanila ka makipag bargain.

View user profile

12 Re: qualified theft on Sat May 05, 2018 5:24 am

joseph0

avatar
Arresto Menor
kung sakali po hindi makipagbargain o pumayag makipag areglo ano possible mangyari sa kaso?
help pls..

View user profile

13 Re: qualified theft on Sat May 05, 2018 5:29 am

joseph0

avatar
Arresto Menor
sir xtianjames..ano po posible mangyari?
kung makukulong xa ganu po katagal?

help pls...

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum