Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

CHILD SUPPORT

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 CHILD SUPPORT on Mon Apr 16, 2018 2:30 pm

acmgr


Arresto Menor
Hello po. Hihingi lang po sana ako ng mga advice and possible na dapat ko gawin for my case.

May on-going case po ako ngayon (RA 9262) - economic abuse po ang finile ng Ex ko. Hindi po kami kasal at less than a year po kame hiwalay. Nung naghiwalay po kame ng 2017, exactly 9 days after po kami mag hiwalay finile niya po yung kaso laban sakin. Bago po kami mag hiwalay magkasama po kame sa bahay ko kasama ung anak namin. Ngayon po, ung anak namin 2 years old na, hinihingan niya po ako ng PHP 15,000/month for the support. Nasa trial na po kame ngayon pero nung time na nasa prosecutor pa lang kame may pnrovide po siya computation na wala naman pong basis (table lang tapos amount per need ng baby namin).

Pareho po kame nag tatrabaho at ang committed ko po sakanya is PHP 8,000 at ayaw niya po gusto niya ung amount na sinabe niya. I'm earning 50k net po sa isang buwan pero may mga expenses po ako since may second baby po ako na lalabas ng July 2018.

Eto po sana ung mga questions ko:

1.) Icoconsider din po ba ng Korte o ng Judge ung pangalawang Anak ko kung ayaw niya makipag settle sakin?

2.) Mas maigi po ba na ilaban ko na lang kasi may mga proof naman po ako na nag bibigay po ako ng sustento sa anak ko at hindi ko po iniwanan, ngayon lang po lumiit ng onti dahil nagbabayad po ako ng attorney ko.

3.) Since may kaso po ako, possible po ba na ikulong ako kahit na may sustento naman po ako sa anak ko?

4.) Tinry ko po siya kausapin gusto niya po talaga 15,000 isang buwan at hindi ko po talaga kaya un dahil dalawang bibig na po ang bubuhayin ko. Paano po ang magandang gawin?

Salamat po.

View user profile

2 child support on Sun Apr 22, 2018 1:45 am

mycka


Arresto Menor
Hi po.. Share ko lng to problema ko sa inyo bka makakakuha ako ng idea sa inyo. May asawa ho ako at kasal kami.. May 4 na anak na kami.. Noong aug. 2017 ngpaalam mgtrabaho ang aking asawa malayo sa aming lugar. Kinakailangan nya mgstay.in.. sept 2017 nalaman ko na lang may kinakasama na siya ibang babae kaya pala mg stay.in at hindi totoo may trabaho siya doon. Kaya pala walang sahod na ibinibigay ako pa yong hinihingian. Ipinapa withdraw pa nya yong savings namin para may ipangbili siya sa babae nya. Umuwi siya nang mga oct 2017 akala ko hindi na siya babalik yon pala niloloko ako. Kinuha lng pala niya iyong motor namin para may service sila nang babae nya. At noong nov 2017 po nlaman ko na buntis ako ng isang buwan. At ngayon po anim na buwan ang ipinagbubuntis ko. Worried po ako kasi hindi na ako maka trabaho pgkatapos nang pgkapanganak ko. Paano na ang mga ko wala pangkain sa araw2. Ito po tanong ko ss.


1. Ano po ba ang dapat ko gawin para mgbigay nang sapilitan ng supporta ang aking asawa?

2. Makakademand ba ako ng supporta kahit wala siyang kasalukuyang trabaho?

3. Gusto ko lang po sumuporta siya sa mga anak niya kahit di na siya bumalik sa amin. Sa anong department ng gobyerno ako lalapit tungkol dito? Para malaman rin niya o maalarma siya sa kanyang responsibilidad bilang ama

4. Ilan ang ba dapat niya ibigay na sustento kada buwan sa mga bata?

Sana masagot niyo po ang mga tanong ko. Hindi ko na po gusto aabot sa anong kaso dahil magastos lng.. Gusto ko lang may pipirmahan siya na ngsasaad na mgbibigay siya nang sustento sa anak niya buwan2

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum