Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PUBLIC DISTURBANCE BY INFORMAL SETTLERS IN CAMPUTHAW, CEBU CITY

Dapat ba naming kasuhan ang mga menor de edad na may criminal act bukod sa blotter?

0% 0% [ 0 ]
0% 0% [ 0 ]
0% 0% [ 0 ]
Total Votes : 0

Go down  Message [Page 1 of 1]

kiddodoodle


Arresto Menor
Hi! Meron pong major issue dito sa CAMPUTHAW, CEBU CITY.

May tinayo dito na ILLEGAL BASKETBALL RING  Basketball  sa gilid ng daan kung saan blind spot pa dahil nasa corner ito (maaring may mga tao rin na nakadaan dito at kasalukuyang binabasa itong post). Dati na itong napa demolish ng ibang kapitbahay nang dahil din sa "Public Disturbance".

Marami po kasing informal settlers na karamihan ay dakilang tambay at walang mga trabaho sa likod along Elizabeth Pond na "uncontrollable". Uncontrollable meaning, WALANG DUMIDISIPLINA SAKANILA KAHIT YUNG MGA MATATANDANG NAKAKAKITA AT MISMONG MGA MAGULANG AY WALANG PAKEALAM SA GINAGAWA NILANG KAMALIAN. Umaakyat sila ng bakod tuwing pumapasok bola nila lalo na kapag walang tao sa pasilyo ng bahay (mataas naman ang bakod kaya hindi rin maintindihan kung bakit madalas itong tumatalbog papasok sa loob ng bahay).. may instance din na muntik na nilang mataan ng bola yung 92 years old na matanda na nakatira sa bahay kung saan sila lagi gugambala dahil sa walang humpay na kalampag ng gate nang dahil rin sa bola. Worst, MGA menor de edad na naglalaro ang nasita past 10pm at inutusan pa yung 92 years old na matanda (na mayroong Alzheimer's Disease kaya mabilis mauto) na bumaba sa batong hagdanan para kunin yung bola nila sa pasilyo ng bahay.. walang humpay sila mang gising tuwing pumapasok ang bola nila at sasabihan ka pa ng hindi namin pag mamayari ang bola. Mapa-hapon man, gabi o lagpas ng 10pm sila ay nang iistorbo sa mga totoong nakatira along Elizabeth Pond (taga sitio langka sila hindi taga Elizabeth Pond kung saan nila tinayo ang basketball ring). Hindi lang matatanda ang mga nakatira dito sa bahay na dinadabugan nila ng bola sa gate, kundi meron din taong "NIGHT SHIFT" sa trabaho kaya kailangan ng maiging pahinga tuwing hapon dahil sa hapon lang ito pwede matulog.

Ilang beses na silang pinaki usapan ng mayari sa bahay kung saan sila gumagambala pero pinagtatawanan lang nila ito. Ginagaya ang mga salita. Tinatakot. Minumura.

Kaya nung di ko sinasadyang maabutan yung ginawa nila sa 92 years old na matanda (na mayroong Alzheimer's Disease kaya mabilis mauto), sinita ko sila sa malakas at malinaw na boses para marinig din ng ibang kapitbahay ang mga kalokohan nila. Kung walang aso na nasa pasilyo sa mga oras na yun, ito ay papasukin nanaman nila ng walang pahintulot.

Nasampahan na rin ng reklamo sa barangay ang DALAWANG masterminds sa pagtayo ulit nang pinag babawal na basketball ring SA LUPANG ABANDONED NA HINDI NILA PAGMAMAYARI. At dahil ayaw ito sumama sa barangay upang makipag usap nang maayos tungkol sa issue, umakyat ang issue sa scheduled barangay hearing.  silent

Ang problema ngayon, walang makapag bigay ng mga pangalan sa mga nirereklamo naming MGA menor de edad dahil nagtatakipan sila ng mga kalokohan. Ano po kaya ang solusyon para makuha namin ang mga pangalan ng kasama sa mga may sala dahil hindi ito nasama sa reklamong sinulat at pinasa sa barangay? Ano ano rin ang mga kaso na pwede isampa kung sakaling uulitin nila ang public disturbance/verbal threat/foul words/robbery attempt/trespassing attempt/caught in the act trespassing lalo na mga minors ang mismong gumagawa ng krimen?  Question

Additional clarifications:
1.) Valid pa ba ang inimapa na reklamong "traspassing" kahit last year pa ito nangyari at di lang agad nareport sa barangay?
2.) Pwede ba namin madagdag sa reklamong blotter kapag nahuli sa CCTV ang pag silip/sulyap/spy sa CCTV? Paano kung meron din mailatag na audio kung saan maririnig ang pag pa-planong nakawin ang CCTV? O pag sisilip silip nila sa pasilyo ng bahay?
3.) Valid ba ang reason ng mastermind na kaya lang daw nila tinayo ulit an illegal basketball ring para 'DAW' may diversion ang mga kabataan para hindi gumamit ng pinagbabawal na gamot? Kung saan meron naman talaga silang basketball ring sa kabilang lote na MAS MALAKI at walang dumadaang mga sasakyan..  Rolling Eyes
4.) Kung sakaling mapag desisyunan ng barangay na i-demolish ang basketball ring, tapos tinayuan nila ulit, ano nanaman ang pwedeng makaso sakanila? Pwede na ba ito i-derecho sa Pulis?

Salamat sa taong makakatulong sa sagot. Kami rin ay umaapila na rin sa mga taong may mga kakilala sa Elizabeth Pond, Camputhaw, Cebu na huwag hayaang malaganap ang krimen sa lugar, lalo na menor de edad pa lamang ay 'experienced' na sa ganitong mga kamalian. Na dapat hindi kunsintihin at hindi bigyan ng compassion para maiwasan kumalat ang kasamaan.

Note: Wala po kaming inaasam na away at hindi kami against sa basketball na paglalaro pero sa mga gawain nilang baluktot at may kasama nang criminal act ay dapat nang aksyunan sa mapayapang paraan.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum