Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pangigigpit sa Sustento

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Pangigigpit sa Sustento on Wed May 02, 2018 12:16 pm

Hale721


Arresto Menor
Ako po ay may ka live in for 9 years at may 2 po kaming anak, dahil sa pag mamahal ko sa akin mga anak umasa po ako na baka magbago pa ang aking partner, madalas po kasi mag away dahil sa selos at pera. Hindi naman po ako tamad na tao at may trabaho naman po ako, kaso sa tuwing magkakaroon po ako ng trabaho ay natatangal ako dahil sa iniiskandalo niya ang mga kasamahan ko at dinadamay ang kompanya sa paninira. January 2018, bumalik ako sa pinag trabahuhan ko dati, natangal ako dito dahil sa pagamit ng aking facebook account sa pag post ng hindi maganda laban sa aking kompanya, binigyan ako ng pagkakataon na makabalik ng aking boss, sa pag aakala na nag bago na ang aking asawa. March 2018 nagkaroon kami ng di pag kakaunawaan dahil na naman sa facebook account na kung saan pilit ako hinihingian ng aking asawa ng ID para daw ma retrieve ang isa ko account na na block dahil sa gumawa siya ng mga account na gamit ang picture at pangalan ko. Ngunit hindi ko ito binigay kung kaya naman ikinagalit niya ito. Pag uwi ko sa bahay ay wala na ang aking mga anak at sinabi ng kanyang kapatid na may dala daw bag. Sa sama ng loob ay umuwi muna ako sa bahay ng aking magulang. Kinabukasan pinuntahan niya ako sa trabaho kasama ang aking anak, inutusan niya ito na pumasok sa opisina at nag sabing " daddy utang mo daw" 8yrs old lang ang aking anak, iniya ko siya palabas at paglabas ko ay nandun naman ang aking asawa kung saan nag vivideo nman siya "eto eto po ang idedemanda ko" . Kung kaya naman ay kinausap ko siya at binigay ang lahat ng sinahod ko para di na lang siya mag iskandalo. Ngunit hindi pa din siya umalis at pina balik balikmpa ang aking anak upang sunduin ako, ngunit hindi ako makaalis dahil sa orasmiyon ng trabaho, ayoko naman po matanggal sa trabaho. Pagdating ng hapon ng araw ding yun ay nag patawag siya ng barangay at pati ang aking boss ay dinamay niya. May huling paghaharap po kami sa barangay sa May 8, 2018 at sa nagyon po ay wala n ako trabaho dahil sa ginawa niyang gulo. Sustento ang hinihingi niya, hindi ko naman po ipagkakait iyon sa mga anak ko, perompapanompo iyon kung ganito ang lagi niya ginagawa. Mayroon na din po kami ganito sa prosecutor at nagkasundo naniuurong niya ang reklamo na 9262, nag file na siya ng desistance noon dahil nagkasundo nmn po kami nun.

May pwede po ba ako irekalamo sa kanya dahil sa parating pang gugulo sa aking trabaho, parati po ako nagigipit dahil sa ginagawa niya at naawa na din po ako sa aking mga anak na imbes na mabigyan ko ng magandang buhay ay lagi po nauudlot, 35 yrs old na po ako at hanggang ngayon po ay hindi pa din ako tumatagal sa aking mga kompanya.

Pwede pa din po niya ikaso ang 9262 kahit may desistance na po kami pinirmahan?

Matagal ko na po ito problema ang sinasabi niya po kasi ay hindi daw po ako nag sustento, samantalang magkasama naman po kami sa bahay wala lang po ako documentation dahil sa tiwala naman ako sa kanya, secretary po kasi ang aking asawa sa law firm kung kaya naman po ay sanay po siya sa mga ganitong pagkakaso, hindi ko na po alam ang gagawin. Sana po ay matulungan ninyo ako maraming salamat po.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum