Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 3:01 pm

russellautentico


Arresto Menor
Sorry for the lengthy message as i have to narrate it.

Good day po,

Ako po from Cebu City. Isa po akong Restaurant Manager sa isa sa pinakasikat po dito sa amin. Sumulat po ako sa inyo para idunog po sana yung reklamong pagmamaltrago sa amin ng aming FRENCH NATIONAL na boss. Bago lang po ako sa kompanya nagsimula po ako nung April 11, 2018. Nung nagsimula po ako, orientation ng code of conduct lang po ang binigay sa akin. Though itinour po ako ng kasaa kung Manager din sa mga pasikot sikot po sa restaurant. Nagtanong din po ako sa HR assistant tungkol sa dresscode at wala namna saw po silang dresscode basta lang daw po comfortable at presentable lang yung suot eh ok na po.

Sa unang araw ko po after orientation, pinag observe lang po ako. Hindi po ako dumaan sa training o kung ano ang gagawin ko as manager. And as per observation, nasa shift lang po mga managers 9 sure that everything is inplace . For tye report, yung manager lang na Belgian ang gumagawa. Nagtanong tanong ako mga staff kung kunusta ang workplace at laking gulat ko po ng lahat ng mga natanungan ko ay puro negative ang komento na kesyo pangit ang management, wala silang overtime pay. At ang pinakamasaklap, lahat sila takot na takot sa General Manager naming French. Ang dami na daw aplikante na hindi na bumabalik kasi nanginginig sa takot.a ako as bago, hindi ako nagpatinag sa sinasabi jila kasi nga unfair namn kung puro rinig lang ying pagbabasehan ko. At dumating na nga po ang araw na masasaksihan ko ang lahat ng mga sinasabi ng mga kasama ko. It was on my 4th day nung sinamahan ako ng kasama kong manager na kumuha ng funds sa accounting office. Nakasalubong po namin yung French na boss sa hagdanan. Inintroduce po ako ng kasama ko sa kanya. Yung boss namin nalilito kung bakit may bagong manager eh meron naman daw yung dalawa kong kasama. Nagpaliwanag po ying isa na baka daw po ako yung maaasign sa bago nilang bubuksan naa restaurant. So akala ko po, ok na po yun. Hanggang after ilang minuto, pumasok po sya sabrestaurant at tinawag ako na parang galit na galit. Pinatayo nya po ako sa harap ng kahera at oinikturan at pinagIinsulto po na pangit daw po yung suot ko. Ayaw nya po sa sapatos ko at ayaw nya rin po sa suot kung relo na Gshock. Talagang lahat ng pang iinsulto nakuha ko na. Feeling ko po at that time, criminal po ako na pinikturan. So nagsorry po ako sa kanya at nag noted sa mga napuna nya. Sinabi ko po na di napo mauulit at kinabukasan po ay babaguhin ko na po lahat. Pero imbis na tapusin ko po yung shift ko, pinauwi nya po ako. So ako naman nagpaalam sa kasama ko na umuwi. Bago ako umalis, tumawag yung HR head namin sa kasama kong manager at nagtanong kung ano nangyari kasi daw galit na galit yung boss namin na tumawag sa kanya. So pinaliwanag nya po lahat. At inabuIsuhan ying kkasama ko na pauwiin nlang ako at bumalik kinabukasan

Akala ng lahat hindi na ako babalik. Hindi na po sana ako babalik pero inisip ko po yung contrata ko. Bago po ako umalis ng bahay, sinabihan ko po yung asawa ko na if ever may mangyaro sa akin sa trabaho sa police station nya ako sunduin sa women’s desk dahil yiUng inisip ko baka di na naman magustuhan ng boss ko yung suot ko at magalit na at baka pagbuhatan ako ng kamay. Yung inisip ko na po talaga ang Pinakaworst na pwedeng mangyari sa akin. .

So dumating ako sa work na parang ubos na yung energy ko sa araw nung makita ko na andun na pala yung boss namin. Talagang umiiwas na talaga ako dahil baka mapagtripan na naman nya ako. At hi di nga po ako nagkamali. Tatlo po kaming manager ang tinawagPara daw po magmeeting. So natakot na po ako pero kinalma ko lang po sarili ko. Nung nasa loob na kami ng VIP kung saan andun sya, tiningnan nya po ako. Sinabihan nya po ako na yung suot ko po ang pinakaminimum na para sa kanya. He even told this infront of tye other manager this

YOU NEED TO LOOSE WEIGHT. I DON’T LIKE FATTY WOMAN IN MY COMPANY. IF YOU DON’T LIKE MY RULLES THEN YOU LEAVE. I AM BEAUTIFYING THIS PLACE AND YOU WILL BE THE ONE TO GIVE A BAD IMAGE. YOU HAVE INSULTED ME ONCE, THE NEXT TIME YOU WILL INSULT ME I WILL FIRE YOU!

Nung sinabi nyang need ako mag loose ng weight, natawa po ako kasi sanay na po ako. Pero nagalit po siya sa akin at sabi nya

DON’T LAUGH AT ME, I AM SERIOUS!

So napag isip isp ko po ying sinabi na ininsulto ko daw po sya. Eh sya nga po yung panay pang iinsulto sa.akin at pagdescriminate sa akin. Pero nag noted lang po ako.

Lumipas ang mga araw, talagang umiiwas po talaga ako na makita ng boss ko. Mas gugustuhin ko pong umuwi nalang keysa iaassign ako as server nya kung nasa VIP sya kasi po umiiwas na talaga ako na mapagalitan nya. Pero sadyang malupit po ang tadhana. Nitong May 4, 2018 bandang 4 ng hapon, pumasok po sya sa restaurant at galit na galit. Nung una di po namin napansin kasi we are assisting a foreign guest sa may counter. Tinawag ako ng kasama kong manager at ako ang pinapaharap sa boss namin. Lumapit po ako at nag greet pa sa kanya pero galit na galit sya dahil sa display na croissant dahil bakit daw on a fiucking Friday night eh 6 lang ang display. Sa amin po wala naman pong problema magdisplay kami ng marami pero wala napong espasyo kasi po lahat po ng mga ibang klaseng tinapay eh dinisplay na namin. Hindi po ako sumagot kasi po mas lalo daw po sya magagalit pag sinagot namin sya. Sa trabaho po bawal po kami magreason out sa kanya. Wala po kaming right na idefend sarili namin kasi bawal po sa kanya. Nashock po ako ng biglang BINATO NYA PO AKO NG ISANG PIRASONG CROISSANT sa mukha po sa harap po ng asawa nyang pinay, purchasing head at ying mga kasama ko. Hindi po ako kumibo ying asawa nya pati yung purshasing head po namin walang ginawa kundi pinanuod lang sya sa pagbato sa akin. Gusto ko pongumiyak at that time pero kinontrol ko po sarili ko.

Tinawag nya po asawa nya at purchasing head at pinasunod po ako sa HR. Nagsisisgaw po sya habang naglalakad kami at nahiya po ako kasi marami pong tao. Nung nasa silid na kami ng HR head, nagsisisgaw pa rin sya kasi WHY THE HELL ON A FUCKING FRIDAY NIGHT ONLY FEW CROISSANT WERE DISPLAYED. I HAD ENOUGH OF YOU! Sabi nya sa akin. IDONT WANT TO SEE YOUR FACE AND LEAVE AND YOU ARE FIRED! Yan po yung sabi nya sa akin. Ako naman po, bago po ako umalis sa room ng HR sinabi ko po sa kanya na ITS NIT A PROBLEM SIR BUT WHAT YOU DID TO ME IS NOT RIGHT THROWING BREAD IN MY FACE. Bubuksan ko na po sana yung pinto ng bigla nya pong pilit isarado at parang pagbubuhatan po ako ng kamay. Yung HR head po naminAng panay sabi na NO NO! At pilit po sya na pinigilan sa posibleng gagawin nya sa akin. Nanliliit po ako sa ginawa nya. Dinismiss nya po ako ng walang karason rason. Iniinsulto, binato. Sa 15 years ko png nakapagtrabaho, ngayon ko lang po ito naranasan. Nagmamadali poAkong umalis at tumungo po sa tanggapan ng DOLE. Pero sabi ko po didiritso po ako sa NLRC dahil meron na rin pala sila nakabitin na kaso sa NLRC dahil yung dalawang staff pinagbabayad daw ng loss of sales ng hindiNaman nila kasalanan. At yung pinagmumura din po sila.

Nakatanggap po ako ng tawag mula sa HR head at gusto ako kausapin. Pinagbigyan ko po ang HR namin na kausapin para din po marinig ang panig nila
Nung dumating ako sa restaurant, yung mga kasama ko natuwa dahil daw sa wakas may nagkusang loob na daw na sagutin yungBoss namin. Gusto talaga nila na ipagpatuloy ko yung ipinaglalaban ko para daw maturuan ng leksyon.

Nung nag usap na kami ng HR, pilit po akong sinisettle pero pano masesettle eh wala na yung boss namin. Sabi ko sa HR na kung pang iinsulto lang yung gagawin nya, mapapalampas ko po pero muntik na ako binuhatan ng kamay at pinagbato pa ako ng tinapay sa mukha eh unacceptable po yin. Mangiyak ngiyak po ako kasi inapakan po yung pagkatao ko. Sabi ko nga sa HR head kung alam ko lang na bawala ang mataba eh di sana di na ako nag apply. Para kaming alipin na isang tawag lang sa kanya nanginginig na. Gusto ng HR na magduty ako kinabukasan pero umayaw po ako kasi finire out na po ako. At sinabihan pa akong abaka maabandonment daw yung gagawin ko. Nanindigan po ako na hindi sya abandonment dahil on the spot po akong tinaggalan ng trabaho. May pinirmhan po akong 6 mos na contrata kasi probationary po ako. Ang tanong ko, nasaan ang hustisya na kapag kami nag breach of contract eh magbabayad kami pero pag kami na illegal dismissal, wala lang?

Tinanong po ako ng HR kung anong posibleng areglo ang gusto ko. Sabi ko bayaran ako sa mga araw na napagdutyhan ko at sa 6 months contract kasiTinanggal nila ako ng walang rason at papel pero yung pananakit nya sa akin hindi ko pwede I areglo. After po namin mag usap ng HR, dumiritso po akoSa police station para po ipablotter ang nangyari sa akin.
Pagdating ko po doon sir, naunaNa palang magpablotter ang asawa ng boss namin at ang purchasing head namin sa dahilan daw po ng oral defamtion. Sabi po ng police sa akin minor lang dw po ang kaso ko kaya sa barangay daw po muna ako magfifile ng complaint. MINOR PA PO PALA ANG BATUHIN KA NG ISANG BANYAGA?
Ang sbi ng po ng mga kasama ko na ying lahat dw pong nakasaksi eh sinabihan ng asaw na wala silang nakita at ipapabura daw po ang cctv footage kung saan makikita po ang pagbato ng tinapay.
Sir Atty, sana po matulungan nyo po ako at ang mga ksama ko sa pagmamaltrato nila sa amin. Nung sinabi nga po na magpapatulong ako sa inyo, natakot po sila. Gusto lang po namin tiruan ng leksyon at maibigay po sa akin ang nararapat sa akin.

Kahapon po nakareceive po ako ng text galing sa HR head po dahil gusto po makipagsettle. Pero hindi po ako sumagot sa text kasi magpafile po ako ng complaint sa NLRC po.

AlamKo po Atty ayaw nyo po na naapi ang mga mamamayangTulad namin ng mga banyaga. Sa inyo napo ako dumunog kasiMaimpluwensya daw po naa tao itong French national dito sa amin. Sana poMaaksyunan nyo po it atty


Can i fille a case for what happened?







View user profile

2 Re: ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 4:06 pm

council

avatar
Reclusion Perpetua
Sumangguni sa tanggapan ng DOLE na sumasakop sa lugar ng inyong opisina or negosyo.

View user profile http://www.councilviews.com

3 Re: ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 4:12 pm

russellautentico


Arresto Menor
Sir pumunta napo kami sa Dole pero parang wala din naman nangyayari kasi kahit ying mga kasama ko hanggang ngayon wala pa rin result.

View user profile

4 Re: ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 4:15 pm

russellautentico


Arresto Menor
Ano po pwede ko ifile sa kanya sa pambabato nya ng tinapay sa mukha ko sa harap ng mga customer? Nagkausap pp kami kahapon for possible.settlement po pero mismong ang boss namin na frencha national ang timalot sa akin na kung ihabla ko raw ang kaso ko, wala din mangyayari kasi dinelete na daw po nila ang cctv na makapagpapatunay sa buong pangyayari. At pati mga kasama ko iniisa isa silang tinawag sa HR para wag magsalita.

View user profile

5 Re: ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 4:30 pm

attyLLL


moderator
You should pursue your case at nlrc. it takes several months for a case to be resolved so be patient.

hitting you with the bread can be unjust vexation or slander by deed. you can file a complaint at the prosecutor's office.


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

6 Re: ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 4:40 pm

russellautentico


Arresto Menor
If i have to pursue it to prosecutors office, my evidence is the cctv footage but as per recorded conversation with them, they already deleted the cctv footage so i dont have evidence and my co workers who saw what happened, pinapatawag nila para wag magsalita.

View user profile

7 Re: ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 5:43 pm

attyLLL


moderator
submit whatever evidence you have such as your own personal testimony and hope for the best


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

8 Re: ABUSIVE FRENCH NATIONAL BOSS on Tue May 08, 2018 9:58 pm

russellautentico


Arresto Menor
Salamt po sa advice po.

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum