Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

How to Rectify/Cancel Birth Simulation

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 How to Rectify/Cancel Birth Simulation on Sat May 12, 2018 12:57 pm

mamacandz


Arresto Menor
Good day!

Gusto ko po sana mag-consult tungkol sa simulation of birth at kung paano maisasaayos ang records ng bata na mailagay na sya sa pangalan ng tunay nyang magulang at ng hindi nagkakaroon ng criminal records kung sino man ang nakapangalan na magulang nya sa birth certificate nya?

Meron po akong pamangkin na iniwan ng aking kapatid na babae sa aming pangangalaga simula nung sanggol pa sya. Ipinanganak sya nung taong 2004 ngunit hanggang umabot sya sa edad na mag-aaral na sya, hindi na inasikaso ng mga magulang ang birth certificate nya. In-encourage namin ang mga magulang (both mother and father) na pagawan ng birth certificate ang bata pero walang umasikaso both parties. Kumilos kami ng nanay ko at pumunta ng munisipyo para ipa-late register ang bata. Sinabi sa amin na dapat ay ang tunay na magulang ang magparegister. Dahil ayaw sumipot at ayaw pumirma ng parehong magulang, napagdesisyunan na sa akin na lang ipangalan ang bata at ako ang lumabas na magulang nya sa birth certificate. I was around 21 at that time. Hindi ko eto ginustong mangyari pero mabilisan na ang pirmahang naganap. Hindi ko na naisip ang possible consequences in the future at hindi ko din na-realize na meron akong nilabag na batas. All along I thought I was doing something good. Ang inisip ko na lang na gusto kong mabigyan ng pangalan at makapag-aral na ang pamangkin ko. Pero ngayon, pinagsisisihan ko talaga ang aking nagawa. Paano ko po ba eto maisasaayos na hindi ako magkakaroon ng criminal records? Gusto ko po sanang maitama records ng bata at ipangalan na sya sa tunay nyang mga magulang or kahit man lang sa pangalan ng kapatid kong babae na tunay naman talaga nyang ina. Sa ngayon po, although alam sa parehong partido ang nangyari nuon ay wala naman pong nagreklamo at wala pa rin naman pong nagrereklamo pero ako mismo, gusto ko po sanang ayusin eto. Napapaisip po kasi ako na sa ngayon, ok pa naman but what if in the future biglang magbago ang ihip ng hangin at gustuhin ng mga tunay na magulang na tanggapin na ang bata at ipangalan sa kanila. Or what if gamitin eto against me at may biglang magsampa ng kaso? Or what if magkaroon ako ng assets at pagdating ng panahon na maghatian na ng ari-arian ay maging sanhi pa eto ng awayan ng mga maiiwan ko. Ngayon pa lang po sana ay gusto ko nang ayusin eto kung may paraan pa. 14 yrs old na po ang bata, turning 15 this year. Ako naman po ay 30 years old. Taong 2008 po naipa-late register ang pamangkin ko bilang paghahanda sa kanyang pag-aaral. If finally ay ma-convince ko ang mga tunay na magulang na akuin na ang bata ay pwede ko po bang ipa-cancel ang birth certificate nya para maipa-late register sa tunay nyang magulang?

Isa pa po, gusto ko lang po idagdag na magkakaroon na po ako ng sarili kong baby. Kabuwanan ko na po ngayon at gusto ko po sana ilagay sa birth certificate na sya ang first child ko dahil yun naman po ang totoo. Pero ang sabi ay makikita daw po yon sa NSO na meron nang batang naka-register under my name. Sana po ay magabayan nyo ako at matulungan ako sa dapat kong gawin.

Sincerely,
Candy

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum