Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LAND INHERITANCE/ LAND TITLE

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 LAND INHERITANCE/ LAND TITLE on Sat May 12, 2018 1:23 pm

Pandalicious


Arresto Menor
Good day po!

Gusto ko po sana manghingi ng advice at idea kung ano po magandang gawin para bawiin po yung titulo/land sa mga tita ko? Kahit medyo mahaba po yung context sana po mabigyan ako ng advice. Salamat po.

Heto po ang mga detalye
-Yung land po binili ng papa ko at sa kanya rin po naka pangalan ang titulo, di po yun mana.
-Doon po nakatira dati ang lola at mga kapatid ng papa ko sa bahay at lupa na iyon.
-Kasal po ang mama at papa ko, pero yung titulo hindi po nailipat agad sa pangalan namin kasi maaga namatay ang papa ko year 2003.
-Nung ililipat na po ni mama sa pangalan naming dalawa yung titulo, pina lost title po ng lola at mga kapatid ng papa ko yung titulo kahit na nasa amin pong mag ina yung titulo kaya di natuloy. Inaangkin po kasi nila yung bahay at lupa.
-After po nun nag file ng case yung mama ko about nga po sa pina lost tile nila, di po umattend yung lola ko sa hearing.
-Yung titulo po pinanakaw sakin/ inutusan po ako na kunin ng mga kapatid ng papa ko, sa kanila po kasi ako lumaki at minor palang po ako nung around 12-13 years old.
-Yung tita ko po at lola na nagpakuha sakin nung titulo namatay na po, kaya nasa ibang kapatid na po siguro ng papa ko yung titulo ngayon.
-Kaya ngayon po wala po kami hawak na title ng mama ko dahil po sa pagkakamali kong iyon.

Ngayon po na 20 years old na ko at alam ko na po yung kwento about sa lupa, gusto ko na po sanang bawiin. May habol din po pa dun yung mga kapatid ng papa ko dahil single po ang nakalagay sa title? Ano po ang magandang gawin? Pwedepo kaya akong kumuha ng bagong titulo sa registry of deeds tsaka ipalipat sa amin yung pangalan?

Salamat po.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum