Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LAND INHERITANCE

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 LAND INHERITANCE on Fri Jun 08, 2018 3:43 pm

Pandalicious


Arresto Menor
Hello po. Gusto ko lang po sana itanong kung kanino po dapat mapunta yung house and lot na naiwan ng late father ko.
Kasi po legal na kasal po ang mama at papa ko, at legitimate only child lang po ako. Dati po may binili ang papa ko na lot na kung saan pinatayuan ng papa at mama ko ng bahay.
Ngayon po ang nangyari nailipat po ng namatay na lola ko(father side) sa pangalan niya yung titulo without the approval of my late father, my mom and i. At yung lupa po na yun dapat ay para sa akin talaga, hinabilin po to sa mama ko kaso wala pong last will and testament na naiwan. Since legal naman po kaming inheritor ng mama ko paano po namin makukuha yung dapat na part namin sa bahay at lupa?

Ps. Hindi po conjugal yung property kasi nabili po yun ng papa ko before sila ikasal ni mama

Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: LAND INHERITANCE on Fri Jun 08, 2018 5:22 pm

arnoldventura


Reclusion Perpetua
Meron dalawang principles na dapat natin tandaan when it comes to the rules on succession:

1. The direct line excludes the collateral line - Kung meron pang naiwang magulang, lolo/lola, anak o apo ang yumao (direct line), excluded na sa mga magmamana ang kanyang mga kapatid, tiyo/tiya, mga pinsan o pamangkin (collateral line). Magmamana lang ang collateral line pag wala nang naiwan kahit isa mula sa direct line.

2. The descending line excludes the ascending line - Kung meron pang anak o apo (descending line) na naiwan, excluded na sa mga magmamana ang kanyang mga magulang, lolo/lola (ascending line). Magmamana lang ang ascending line pag wala nang naiwan kahit isa mula sa descending line.

Ang surviving spouse naman, palaging kasama sa mga magmamana.

Ibig sabihin nito, ikaw lang (descending line) at ang mother mo (surviving spouse) ang may karapatan magmana mula sa father mo. Yung lola mo, hindi kasama sa mga tagapagmana. https://www.alburovillanueva.com/wills-succession-inheritance

Ganun pa man, nailagay na ng lola mo sa pangalan nya ang titulo ng property. Hindi ko talaga maisip kung paano nya nagawa yun, pero dahil dito, sad to say, sya na ang may control nung property sa ngayon. At kailangan nyo pa syang kumbinsihin para lang mailipat ang property sayo. As far as official records are concerned, si lola mo na ang legal owner, so kung hindi nya ito ibebenta or idodonate sayo, hindi mo maipapangalan sayo ang property.

View user profile

3 LAND INHERITANCE on Sun Jun 10, 2018 8:57 pm

Pandalicious


Arresto Menor
Maraming salamat po sa advice. Pero ask ko lang po, kasi po patay narin po yung lola ko na nakapangalan po dun sa titulo. Paano po kaya yun? Mapupunta na po ba yung lupa sa mga naiwan po niyang anak kung sakali pong nag iwan siya ng will and testament?

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum