Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

He fears no one. Kahit batas. Hindi daw siya natatakot.

Go down  Message [Page 1 of 1]

Lm0306


Arresto Menor
Good day,
Etong si seller (nagbebenta samin ng kotse nya) na worth na 250k. Installment basis na siya mismo nagsuggest dahil kailangan nya daw talaga ng pera. So ayun, pumunta na kame sa lawyer at gumawa ng contract. Na nagsasaad na magbabayad kame ng 150k na, tapos yung 100k na balance babayaran namin hanggang fully paid na..
On that same day, binayaran na namin sya ng 150k.
So bale 100k na lang balance namin.
Nung susunod na buwan, nagbayad na kame ng 20k. (pinapirma namin sakanya na tumanggap sya ng 20k samin)
At sa susunond ulit na buwan, nagbayad na naman kame ng 20k. (may pirma ulit nya)
Bale, 190k na ang bayad.
Ngayon, 60k na lang balance namin sakanya. At nagbabayad naman kame sa tamang oras.
Kaso etong si seller, di namin maintindihan. Naniningil na sa 60k na balance namin, eh next month pa naman ang bayaran.
Gusto pa nya na kunin yung minivan namin at isang motor pang bayad dun sa balance namin na 60k lang na di pa due.
Tawag eto ng tawag at di nakikinig samin kahit maayos namin syang kinakausap sya yung sumisigaw hanggang umabot sa nagtthreat na sya samin, na may granada daw sya at pupunta sya sa bahay namin para ipasabog kame. Sumugod sya sa bahay namin, at kung ano ano na ang sinabi at sinisiraan pa kame sa mga kapitbahay.. Tumawag sya ulit at kung ano anong pagsisinungaling ang sinabi, na lagi nya daw kame nakikitang nagrroad trip (sira yung kotse na nabili namin sakanya ngayon, so pano nyang nasasabing san san nya nakikita yung kotse) sinabi din nya pumunta sya sa eskwelahan ng mga bata at nalaman na nagfullypaid na kame dun (hindi nya alam kung san nagaaral ang mga bata, at ano naman pong pakialam nya kung nagbayad kame sa paaralan ng mga bata), sinabi nya din na nagbabayad daw kame ng renta na 14k monthly pala (pate ba naman yun pinanghihimasok nya, nalaman nya yun dahil sa mga chismosa din namin kapitbahay) galit na galit sya sa tawag, sigaw ng sigaw ano ano ang pagsisira ang ginagawa at pagtatawag samin ng kung anong masasamang salita. Hindi daw sya takot sa batas. Wala daw syang pakialam sa contract. Makikita daw namin kung anong klaseng tao sya humanda daw kame...

Pina blotter na namin sya last week. Pero wala parin takot. Kagabi sumugod sya dito at nagsisigaw galit na galit. Kung ano ano ang sinabi at malapit na syang sapakin yung tita ko. Lahat ng kapitbahay namin andun lahat lumabas at nakichismis pa sa kung anong nangyayari. Sinisiraan nya kame sa lahat ng tao at kung ano ano ng ginagawa nya. Sinong matinong tao ang maniningil sa ganun paraan? At alas otso na yun ng gabi. Pumasok sya sa kotse nya at parang may ibubunot pa sa kanyang bulsa o likuran. Tinawagan na namin ang pulis nun, at nagsisigaw sya sige tumawag kayo ng pulis wala daw syang takot. Pero dali dali naman syang umalis na.

Lahat ng texts nya, voice records sa calls, at cctv footages nakuhanan namin.

Ano pong dapat ikaso namin sakanya?

View user profile

attyLLL


moderator
can you quote the portion of your deed of sale regarding the payment terms?


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Lm0306


Arresto Menor
"The balance of ONE HUNDRED THOUSAND (P100,000) PESOS shall be payable to start on March 22, 2018 until fully paid."

Ayan po sir nakalagay. 60k na lang po ang kulang namin sakanya. Nakabigay na kase kame ng 40k. (Pinapapirma ko sakanya everytime may bayaran na mangyayari) Nakabayad na kame ng halagang 190k in total. Pero hinaharass na niya kame, at gusto niyang kunin ulit yung kotse, o di kaya daw yung isa namin minivan at motor para sa halagang 60k na kulang namin. Hindi naman po tama yun.

View user profile

attyLLL


moderator
until fully paid? no time limit stated on the agreement? but what did it mean to you?


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Lm0306


Arresto Menor
Sir we pay 20k monthly para matapos agad ang contract. nagkaproblem yung bank namin and remittance from abroad yung pinangbabayad namin sa balance. Wala pong time limit nakalagay sa contract as yun ang decision ng mismong lawyer nya nung ginagawa ang contract. Sinabi din ng mismong lawyer nya na hindi nya makukuha na ang kotse o ano man samin kase 190k na naman din ang nabayaran na. 60k na lang ang kulang. Bago pa man, sinabi namin na within 5 months mababayaran na namin lahat para di ba tumagal pa. Next month pa namin maibibigay yung 60k na payment, kase kame mismo nagaantay din po ng padala. Kahit puntahan pa po namin yung banko ko, makikita nya wala talagang tinanggap na pera o laman. Akala kase nya kame yung tipong may pinadala na samin, di pa namin sya binabayaran. Sabi nya gusto nyang kausapin yung asawa ko na sa abroad, sya kase nagpapadala. Kinausap na nya, at totoo nga na hindi pa nakapagpadala. Umokay na sya ulit. Pero biglang sumugod ulit dito sa bahay at nageskandalo. Wala po daw syang pakialam sa lawyer nya at sa contract na ginawa namin sa harap mismo ng abogado nya. Hindi daw sya takot sa batas at makikita daw namin kung anong kaya nya gawin.

Nung sumugod po sya dito sa bahay, kitang kita po ng mga bata yung pageeskandalo nya. Yung 3 years old ko pong anak iyak ng iyak na. At natrauma na sa tuwing may maririnig na sigaw or ano man malakas sa labas ng bahay. Kahit ano po pagkakausap namin sakanya ng maayos hindi sya nakikinig, ang taas ng boses nya at puro insulto ang ginagawa nya at puro kasinungalingan.

View user profile

Lm0306


Arresto Menor


Ayan po yung screenshot sa footage ng pageeskandalo nya. Yan po yung girlfriend nya na pinipigilan na sya at sinusubukan ng ipasok sa loob ng kotse. Sigaw po sya ng sigaw and kung ano anong pagiinsulto ang ginawa. Halos 8pm na po eto ng gabi. Grabeng kahihiyan ang ginawa nya. Ipinablotter na po namin sya noon pa man dahil sa pagtthreat nya samin at pageeskandalo din noon. Ikalawang beses na po eto.

View user profile

Lm0306


Arresto Menor


Ayan po yung screenshot sa footage ng pageeskandalo nya. Yan po yung girlfriend nya na pinipigilan na sya at sinusubukan ng ipasok sa loob ng kotse. Sigaw po sya ng sigaw and kung ano anong pagiinsulto ang ginawa. Halos 8pm na po eto ng gabi. Grabeng kahihiyan ang ginawa nya. Ipinablotter na po namin sya noon pa man dahil sa pagtthreat nya samin at pageeskandalo din noon. Ikalawang beses na po eto.

View user profile

attyLLL


moderator
escalate your complaint to the prosecutor's office. the police might not do anything about it


_________________
[i] Visit our FB Page: FOR MORE LEGAL ADVICE  
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum