Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

I need an advice po

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 I need an advice po on Sat Jul 14, 2018 10:01 am

Carlyn Palma


Arresto Menor
Good morning po, gusto ko po sanang ikwento muna yung problema ko bago po ako magtanong, so ganito po yon, netong january lang po sumali po ako sa isang networking business dahil po sa gusto kong makatulong sa mga magulang ko kaya na enganyo po ako, sinabi ko po ang tungkol sa pagsali ko sa networking business sa mga magulang ko. sabi nila baka daw po ma scam ako pero sabi ko po hindi kasi may mga permit naman sila so hindi talaga sila scam. so yun po nag meeting po kami kasi ituturo daw nila kung papano mag dispose ng products tapos words of encouragement. sabi nila ipautang daw namin para mabilis maubos then kausapin lang daw namin na unti untiin lang yung bayad. so yun po pinilit nila sakin na kunin ko yung products na worth 15k tapos meron lang po akong 1week para i dispose yun. sabi ko sa sarili ko papano ko naman gagawin yun sa ganong kaikling panahon. pero dahil nadin sa takot at hiya ko sa mga uplines ko pumayag po ako, nasabi ko po kasi sakanila naka dispose po kasi ako kaagad ng worth 3k sa loob lang ng 3 days dun sa rolling products na nauna ko pong kinuha bago po itong 15k na pinilit nila sakin. tpag uwi ko po ng bahay pinagalitan po ako ng mga magulang ko kasi di pa nga daw po nauubos yung products pinakuha nanaman daw po ako ng madami. so dun po talaga ako natakot sa mangyayari. so yun na nga po nagpatulong na po ako kay mama na idispose yung products para umabot ako sa deadline, gaya nga po ng sinabi nila pinautang ko po yung mga products at sinabi ko na kahit pa unti unti lang, sabi nila pasensya daw kasi taghirap daw po at di nila ako kaagad agad mababyaran kahit unti untiin daw nila, so inintindi ko po kasi ganon din kami minsan kapag sinisingil talagang walang pambayad kahit 20, tapos yun na po nagalit na po yung upline namin kasi bakit daw po di pa nababalik yung pera na worth 15k after one week. tapos yun po sinabi ko po yung dahilan, sabi po ng upline namin dapat diskartehan ko daw po, mangutang daw po ako sa mga kakilala ko kahit 1k sa 15 din po katao para maabot yung 15k. dun na po ako mas lalong nangamba kasi po sa halip na makaahon po kami sa kahirapan mas nalubog pa po. malaki na daw po kasi yung naitabon nya saamin dun sa products, bale estudyante palang po yung upline ko, lagi po nya ako tinatawagan sa cellphone kaso di ko po nasasagot dahil po nasa duty po ako nun at bawal po gumamit ng cp pag nasa duty, pag di nya po ako nakokontak pinupuntahan nya po ako sa office kung saan ako naassign, naatraso po yung mga ginagawa ko dahil sa pamimilit nya na bayaran ko daw po sya. napapagalitan po ako ng mga boss ko sa office dahil dun. pinayuhan na din po ako ng mga boss ko na wag na po sumali sa mga ganon dahil ganto nga po talaga yung kalalabasan, tapos nasira po yung cp ko kaya di nya na ako macontact kaya akala din po nya pinagtataguan ko sya, tapos po nun nung nagkasalubong po kami pinabasa nya po sakin yung text po nung kakilala nya na inutangan nya, nagulat po ako nung sinabi nya na pangalan ko ginamit nya kaya pala ako yung ginigipit nun. sabi po dun bat di pa daw po ako nagbabayad, pwede na daw po ako makulong pag di daw po ako nagbayad, magsusumbong daw po sya sa tito nya sa DILG. natakot po ako kasi wala pa po kasi akong pambayad talaga, di ko naman sila tinatakasan dahil may intensyon po talaga ako  magbayad yun nga lang po di pa ngayon dahil po sa taghirap ngayon lalo pa po 5 po kaming magkakapatid na nag aaral. wala po akong choice kundi mag apply pa po ng part time after pagka out ko sa duty, tapos chinat ko po sya na mababayaran ko na po sya paunti unti kasi may part time na ako,  200 a day po kasi yung sweldo dun sa part time na napasukan ko dahil kakilala ko naman po, naka ipon na po ako ng mga 3k sa 3 weeks na nag part time ako, ipambabayad ko na po sana sakanya kaso po kailangan ko po magbayad ng tuition ko kaya ibinayad ko na po muna yung 3k sa tuition ko dahil mas importante po yun sabi ni mama, chinat ko po yung upline ko nagsosorry po ako kasi binayad ko po sa tuition ko yung dapat sana ibabayad sakanya, sabi daw po nya niloloko ko daw po sya. sabi ko mas importante po yung sa school ko kaya inuna ko. dun na po lagi nya ako pinepressure na bayaran ko na sila. sa sobrang pressure po gusto ko na po sanang magpakamatay dahil dun. hanggang ngayon po di ko pa po na uunti unti yung bayad kasi walang wala po talaga kami ngayon dahil sa dami ng bayarin, kaya chinat ko po yung upline ko na uunti untiin ko po yung bayad sakanya sa end of august po kasi inaantay ko din po yungmga scholarship na inapplyan ko po para yun nalang muna yung gagamitin ko pambayad sakanya. sabi nya ayaw na da nya maniwala. nainis na din po ako kaya di ko na pinapansin yung mga chat nya kasi alam ko naman po yung mga sasabihin nya. yung huli kong chat sakanya is kakausapin ko nalang po sya kapag ibibigay ko na yung pambayad, dahil paulit ulit lang din yung sasabihin nya tatakutn lang nya ako na ikukulong daw nila ako.

so eto po yung tanong ko  Ma'am/Sir

pwede po ba ako makulong dahil sa matagal lang po akong di nakakapag bayad? di ko naman sila pinagtataguan dahil may intensyon po akong magbayad.  ano po yung mga dapat ko pong gawin at mga karapatan ko? na de depress na po kasi ako. maraming salamat po sa makakasagot ng aking katanungan.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum