Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Credit card hearing.

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Credit card hearing. on Thu Jul 19, 2018 1:40 am

leylin


Arresto Menor
hello po! Ask ko lang po kung ano po ang next step na dapat naming gawin.. Kasi po na default po kami dahil yung Atty. Namin at laging late. Ang apila po kasi naming ay masyodong malaki ang sinisingil sa mama ko. Kaya gusto po sana naming na mapaliit yung babayaran. Willing naman po kami na magbayad kaso ang laki ng sinisingil samin pati buwanan. Senior napo ang mama ko at walang trabaho. Maliit na sari sari store lang ang meron kami at nasa 400 a day lang ang kita. Pero dahil po sa Atty. Na tatlong beses na late eh nag desisyon na po kasi ng korte tanggapin na ang evidence nila na di po naming Alam kung parasaan. Wala na po kasi kaming pambayad. Akala po yata ng collector may pera pa kami kasi may private Atty. Kami pero inuutang lang po ng mama ko yung 3000 kada hearing, kasi natatakot kami makulong siya. Tinatakot po kasi kami telepono kaya napilitan kami sa Atty. Ano po ang gagawin naming ngayong ng desisyon na po ang korte at pabor sa kanila. Wala na kaming pambayad. Makukulong po ba kami kapag Hindi po kami nag bayad ngayong nag desisyon na ang korte na pagbigyan ang gusto nila sa presyo na dapat naming bayaran? Nanalo po kasi sila sa gusto nilang presyo at Hindi po naming kayang bayaran.

Salamat po.

View user profile

2 Re: Credit card hearing. on Thu Jul 19, 2018 3:53 am

arnoldventura


Reclusion Perpetua
Hindi kayo makukulong kahit pa kayo ang natalo sa collection case laban sa inyo. Pero para ma-enforce ang judgment, pwede ipag-utos ng korte na ipahatak ang mga pag-aari ninyo na may value tulad ng sasakyan, alahas, bahay (kung sa inyo ito), etc. Kung wala na talagang makuha mula sa inyo, hanggang dun na lang talaga, pero di kayo makukulong. https://www.alburovillanueva.com/proven-ways-debt-collection

View user profile

3 Re: Credit card hearing. on Thu Jul 19, 2018 4:56 am

leylin


Arresto Menor
Thank you po sa reply. Isa na lang po kasi yung bahay namin. Matagal na po nabenta lahat para mabayaran yung utang namin. Nabenta bago pa po magsampa ng kaso yung bangko. Kahit maliit lang po yung bahay namin na natira at nasa looban pa, Masmalaki parin po kahit papano yung presyo ng bahay namin kaysa sa utang namin. Makukuha parin po ba? Tapos po ask ko lang din kung sakali po, ano po ang requirements ng korte para kunin samin ang bahay namin? Hindi na po ba pwede kami sa amnesty program?? Yung bahay na Lang kasi yung natira samin..

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum