Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Questions about my Case

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Questions about my Case on Thu Jul 26, 2018 8:11 pm

restlessmind26


Arresto Menor
Good day po gusto ko lang po humingi ng legal advice.

Ganito po yun May transaksyon po kami ng tao na oorder ako sa kanya ng PS4 units gamit ang credit cards niya since 2016 hanggang march 2017 paunti unti lang po ang order ko hanggang sa nagstart dumami ang paorder ko sa kanya ng april 2017 na halos umaabot ng 200k. Sa tubo naman niya po sa akin is 4% per month per unit ang sisingilin niya sa akin or 48% per year meron din kami 6mos or 24%. Naging good payer po ako sa kaniya kahit halos 400k to 500k per month ang binabayaran ko Nito lang pong June 2018 ay nagkaproblema na po ako sa pagbabayad dahil halos 500k per month ang kailangan ko iremit sa kanya para mabayaran due niya sa credit cards. Gusto niya po palabasin na niloko ko siya pero sinabi ko naman po na babayaran ko kahit paunti unti at hindi tatalikuran yung utang ko na umabot ng 5.7Million kasama na interes. Nagpablotter po sila sa baranggay namin ng linggo June 24 2018 sinamahan ko po sila at pinapirma nila ako katunayan na inaamin ko may utang ako at nangakong magbayad ng 20k per month dahil yun lang po ang makakaya ko pumirma naman po sila nagpanotaryo din po sila sa attorney ng araw na din po iyon na napirmahan ko rin po. Ngayon po ay pinapupunta nila ako ulit sa baranggay namin ng linggo July 29 2018 dahil tumawag daw po sila pinapaulit ang blotter dahil iba na ang nakaupo sa baranggay namin. Sa ngayon po ay hindi ko alam ang gagawin kasi araw araw na niya ako minemessage dahil siya daw po ang hahabulin ng mga bangko ng ginamit na credit cards.

Ang Tanong ko po sana ay ito:

1. Possible po ba kasuhan ako ng Estafa Criminal Case?
2. Kung posible po maaari ko po bang ilaban ito para maibaba sa civil case?
3. Maaari din po bang tanggalin o pababaain ang interes na ipinataw sa utang ko?
4. Posible po ba akong makulong at kung posible po gaano po ito katagal? (wag naman po sana)
5. Gaano po katagal ang itatakbo ng kaso bago po madesisyunan?
6. Pwede ko rin po ba sabihin na wala ako balak lokohin sila kasi sa umpisa pa lang naging good payer naman po ako at wala ako naging palya from 2016 hanggang June 2018?
7. Magkano po sakali ang piyansa kapag estafa case at nababaan ako warrant of arrest?

Marami pa po sana ako pwedeng itanong pero gulong gulo po ang isip ko sa ngayon sana po ay may makasagot at tatanggapin ko po itong malaking utang na loob salamat po. Ayoko po makulong dahil may anak akong isang taon pa lang kaya ang naisip ko po is kahit maibaba sa civil case ang ikakaso sa akin.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum