Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Contract loan in the company

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Contract loan in the company on Tue Aug 14, 2018 1:38 pm

imaezel


Arresto Menor
Hello good afternoon, i would like to seek help sa nakaka-alam ng ganitong kaso.

nag tatrabaho po ako sa isang massage spa sa palawan, at ganito po ang ngyari. 2 months after ako na hire eh pina-pirma kami ng kontrata na 1 year.
Kapag di namin natapos ang kontrata mag mumulta kami ng 10,000 para sa penalty daw. Nag karoon kami ng problema sa pamilya dahil di din ako taga palawan talaga, kasama ko mga anak ko sa palawan at kaylangan ko sila ibalik sa ama nila para mag bantay habang ako nag tatrabaho. Pinayagan ako ng amo ko na sila ang mag babayad sa plane ticket namin papunta at pabalik ulit ng palawan, kaso ang ngyari eh ung yaya na kinuha namin na mag babantay ng mga bata eh di na namin ma contact kaya nag ka problema sa flight departure ko pabalik ng palawan. So to make the long story short, di ako natuloy balik sa palawan, at nag hahabol ung amo ko sa 10k na pinahiram niya at doon sa penalty daw na 10k sa kontrata. Balak ko po bayaran ung 20k na utang sa kanila, ngunit ang kaya ko lang maibigay sa ngayon eh ang 10k lang dahil wala pa din ako trabaho ngaun. Sabi nila itutuloy daw nila ang kaso sa akin. Ito po ang mga tanong ko.

-1.) Papano po ang proceso ng kaso na andito ako sa mindanao habang sila nasa palawan?

-2.) Maari po ba ako makulong ng dahil dito?

-3.) Small claims po ba ang ganitong kaso?

-4.) Makaka kuha pa po ba ako ng NBI or Police clearance pag may kaso ako na ganito?

Maraming salamat po sa makaka- sagot sa mga tanong ko.
May God bless us all.

View user profile

2 Re: Contract loan in the company on Wed Aug 15, 2018 5:56 am

arnoldventura


Reclusion Perpetua
1. Pwede ka nila idemanda sa Palawan. Allowed ng rules na magdemanda sila either sa location kung nasaan ang principal business/residence ng plaintiff or ng defendant.

2. Hindi ka makukulong.

3. Yes, small claims lang ito dahil hindi naman lumagpas ng 200K ang hinahabol sayo. https://www.alburovillanueva.com/filing-small-claims-case

4. Hindi ito makakaapekto sa pagkuha mo ng NBI or Poice Clearance.

View user profile

3 Re: Contract loan in the company on Wed Aug 15, 2018 9:24 am

imaezel


Arresto Menor
arnoldventura wrote:1. Pwede ka nila idemanda sa Palawan. Allowed ng rules na magdemanda sila either sa location kung nasaan ang principal business/residence ng plaintiff or ng defendant.

2. Hindi ka makukulong.

3. Yes, small claims lang ito dahil hindi naman lumagpas ng 200K ang hinahabol sayo.
4. Hindi ito makakaapekto sa pagkuha mo ng NBI or Poice Clearance.

Maraming salamat po sa pag reply sa post ko napaka laki ng naitulong niyo para sa dagdag kaalaman ko.
Tanong ko po ulit, balak ko po bayaran ang utang pero monthly sana kung pwede, kasi di ko talaga kaya ang 20k on the spot, ngunit di sila papayag at itutuloy nila ang kaso nalang. Anu po mangyayari pag nakasuhan ako? Anu po ang magiging apekto nito sa buhay ko?

Maraming salamat po ulit.

View user profile

Sponsored content


Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum