Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Nagpupukpok ng pader ng kapitbahay

Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Nagpupukpok ng pader ng kapitbahay on Thu Aug 16, 2018 7:05 am

RegineReyes


Arresto Menor
Magandang umaga po, gusto ko po sanang humingi ng legal advice tungkol po sa aking kapitbahay. Nakatira po kasi kami sa isang subd na lowcost housing,row house type po siya. Ung katabi po naming kapitbahay ay madalas magpukpok ng napakalakas sa pader namin. Nagkaron po ng paghaharap sa HOA po ng aming subd. at itinatanggi niya na nagpupukpok siya. Nakipag-ayos po kami at sana di na maulit pa. Ngunit eto lamang pong mga nakaraang araw patuloy padin po siya sa pagpukpok niya. Lalo na po sa hating gabi kung kelan nagpapahinga na po kaming mag-asawa. Dala na rin ng pagod at inis, lumabas ang asawa ko at tumapat sa harap ng bahay niya namura niya ito at pinalalabas para tanungin kung anu bang problema niya at pukpok po siya ng pukpok. Pero hindi po siya lumabas, kaya pumasok nadin ang asawa ko. Tapos ngaun po siya pa ang nagreklamo sa brgy na ginugulo daw po namin siya. Nagpatawag po siya ng brgy para kami po ang sitahin dahil ginugulo daw po namin siya, pero habang namamagitan po ang brgy eh kung anu anung masasakit na pananalita ang pinagsasabi niya tungkol sakin. "Disgrasyada,Laspag,Pinagtyatyagaan nalang ng asawa" yan po ang mga eksaktong salita na binitiwan niya. Ng magharap po ulit sa brgy ay ayaw niyang makipagkasundo at tinatakot kami na idedemanda daw po niya kami. May cctv daw po siya nung araw na tumapat ang asawa ko sa bahay niya at minura siya. Labis na po ang aming pag-aalala sa bagay na eto. Kami po ung ginugulo pero kami pa po ang naireklamo. Anu po bang dapat na hakbang ukol sa issue pong eto. At may kaso po ba talaga siya na pedeng ikaso samin dahil sa pagmumura at pagsigaw ng asawa ko? Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Nagpupukpok ng pader ng kapitbahay on Thu Aug 16, 2018 12:53 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua
dapat ang ginawa nyo nung nagpupukpok sya ay nirecord ang moment na yun para maipakita na proof na may basis ang previous complaint nyo.

sa kasamaang palad, kung talagang may cctv footage sya na mailalabas, madali nya maipapatunay na nang gulo nga ang asawa mo.

regarding naman sa masasakit na sinabi sayo, pwede mo sya kasuhan separately para dun. lumapit ka sa women's desk sa inyo.

View user profile

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum