Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

delayed construction we want to stop them to stop the proj

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

jhufalar


Arresto Menor
Gud Day.

Kaming pong mag-asawa ay nagpalagay ng gate at extension ng laundry area sa halagang P100k. Ang usapan po ay tatapusin nila ang constrution bago makaalis ang mister ko which is nun Mar 23 po, na sa una ang ibabayad namin ay P50k at ang natitirang balanse ay ibibigay namin by May 2011.

Nagbigay po kami ng paunang bayad nung Feb 12, 2011 ng halagang P50k at pumirma po ako(wife) ng isang papel na di ko po masabing kontrata kasi ang nakalagay lamang po doon ay quotation, yung pong mga lista ng gagawin nila sa aming bahay at ang halaga na P100k.

Ang nangyari po ay nadedelay ang proyekto makailang ulit po kada isang linggo bago sila gumawa na paisa-isa ang natatapos na trabaho. Palagi po kami ang nagtatanong ng update sa kanila ang huli po ay nun Mar. 23 bago makaalis ang mister ko subalit wala pong reply makaraan ang 2 araw. Sa kadahilanan pong ito nagdesisyon kami na ipahinto na ang trabaho at magquits na sa lahat na nagawa nila yuon po ay ang gate at karagdagang hollow blocks na bkod sa likod po at laundry area ng aming property.

Sa kabuuan nakapagbigay po kami ng P50 cash at P9k na halaga ng desktop at P1k dahil humihingi po sila ng advance na bayad regardless na may usapang sa May pa kami magbabayd, kaya P60 po lahat.

Nagtext po sila makaraan ang 2araw at humihingi ng 1week na palugit, hindi na po kami pumayag ang sumunod po ay nakatanggap ako ng reklamo galing sa Brgy. Nagharap kami sa Brgy Mar. 31 ang side ko po gusto ko na ipahinto at wala na akong babayaran iba pa. Ang sa kanila po ay sumisingil pa sila ng halagang P36,900 para daw po sa lahat ng naikabit na nila. Ang mga nagawa po nila at ang computation na ibinigay ay; 4 cement post 4x4=P35k, main gate 6x15=P27k, service gate 3x6=5,400, iron fence 4x5=6k, hblock fence(backyard)5x8=P6,800, hblock fence(laundry area)2x10=P4k, cemented flooring(laundry)6x10=P5k, heavy duty screen door=P8,500, screen door(analo)=3,500.

Sa tingin ko po ay overprize ang proyekto isa rin po sa dahilan kaya gusto na naming ipahinto bukod sa dinidelay nila. Nagtapos po kami sa brgy na babalik sa isang linggo April 7 at iniwan po sakin ang listahan na nasa itaas. Hindi po ako sang-ayon, ang gusto ko po mangyari sana ay mahinto na ang construction na wala na kaming iba pang babayaran sa kadahilanang maraming bese po silang di tumutupad sa usapan na gagawa ngunit di natutuloy, makaisang linggo po na paisa-isa nag trabaho.

Ikinalulungkot ko pong sabihin na sa pinirmahan ko pong quotation nung una ay wala pong nakaindicate kung kelan ang tapos ng proyekto tanging verbal lamang po na nasaksaihan ng tita at pinsan ko, na tatapusin nila ang proyekto bago umalis ang mister ko(Mar. 23). Isa pa po na katunayan na delay sila ay mga text messages na natanggap namin during the proj. Madalas po silang hindi tumutupad sa sinasabi nila na gagawa na sila ngunit hindi natutuloy na idinadahilan nila na may iba silang proyektong ginagawa at nagkakaproblema sila duon. Sabi pa na matapos ang problema doon saka po sila magreresume ng trabaho sa amin.

Sa tingin ko ay hindi tama. Tulungan nyo naman po sana ako. Sa tingin ko po ay overprize ang proyekto okay lang po sana kung natapos nila sa napag-usapang oras kaso po nadedelay po sila. Kaya pwede po bang mangyari na ihinto ang ang proyekto na wala na kaming iba pang babayaran dahil di naman sila nakatupad sa usapang tatapusin bago Mar. 23?

View user profile

attyLLL


moderator
it will be best if you can get another contractor to look at what has been done and estimate how much has been done. the contractor is entitled to only what it has finished so far.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

jhufalar


Arresto Menor
will do what you said. thank you so much for replying so fast and allow me to inform you that your being a big help to a lot of us here.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum