Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pinatira sa lupa

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Pinatira sa lupa on Mon Apr 25, 2011 11:04 pm

mrblaganfly


Arresto Menor
Hi Atty, I hope matulungan nyo po ako. Meron pong property yung nanay ko na vacant lot po pero sinimulan nya po itong patayuan ng bahay many years ago. Foundation lang po yung naipatayo as in mga hollow blocks lang na hindi naman natapos dahil nagkulang sa funds. Yun din po ang dahilan kung bakit di namin ma-occupy yung property, although meron naman po kaming bahay at lupa na tinitirhan.

Several years ago, nakiusap po yung pinsan ko, pamangkin ng nanay ko na kung puede po silang tumira dun sa lupa at patayuan na lang ng bahay. May pamilya po sya, may mga anak.

Nung una, ang usapan e parang caretaker lang muna sila ng mister nya sa lupa at meron ding kasulatan na pinirmahan sila ng nanay ko, pero di po nadaan yun sa lawyer, sila lang po ang nagpirmahan. Sa madaling sabi, nanirahan na yung pinsan ko at pamilya nya duon at unti-unti nang nagpatayo ng bahay, marami na ring improvements, pati mga tanim. Ang tanong ko lang po meron po ba silang right na i-claim yun bilang kanila? Ilang beses na po kasi silang nagpaparinig na puede na raw nila i-claim na kanila yung lupa dahil daw sila naman ang naninirahan duon at hindi kami. Yun daw po ang bagong batas ngayon. Government employee po kasi yung nanay ko dati at nabili nya yung lote na yun under a government program para sa mga empleyado. Narinig ko po na maari raw bawiin yun sa kanila kung hindi tirhan. Yun po ang dahilan kaya nagpatayo ng bahay dun si Nanay kahit hindi natapos.

Ang inaalala ko lang po ay yung pinsan ko na mukhang gustong akuin yung lote kasi nga daw sila na ang nakatira dun. Sabi pa nya bakit pa raw namin kukunin yun e meron naman daw kaming lupa at bahay na.

Atty, tanong ko lang kung ano pong klaseng proteksyon meron kami sa ganitong siste? Ang lupa po ay titled, meron pong title sa pangalan ng nanay ko. Hindi pa ho kasi namin mabayaran yung improvements nila dun para mapaalis sila dahil wala pa kaming perang ganun kalaki para dun.

Marami pong salamat sa tulong nyo.

View user profile

2 Re: Pinatira sa lupa on Thu Apr 28, 2011 7:40 pm

attyLLL


moderator
is there a title that covers the property?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

3 Re: Pinatira sa lupa on Thu Apr 28, 2011 8:57 pm

mrblaganfly


Arresto Menor
attyLLL wrote:is there a title that covers the property?

Meron po. Sa pangalan po ng nanay ko.

View user profile

4 Re: Pinatira sa lupa on Thu Apr 28, 2011 11:18 pm

attyLLL


moderator
as of now, only your mother has the right to own the property because it is titled in her name. she can send a demand letter for them to leave and then file case at the bgy.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

5 Re: Pinatira sa lupa Today at 6:05 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum